Princess Violago wants to be active in showbiz for her ailing mother

"As much as possible, I make her proud every time she sees me on TV, inaabangan niya talaga. Kahit na maigsi lang yung labas ko, inaabangan niya talaga. Kaya gusto ko next year, itodo ko na talaga na maging active talaga ako sa showbiz, maging busy talaga ako para sa mama ko," says Princess Violago about her mother, who was diagnosed with colon cancer.


Kakaibang ligaya ang hatid kay Princess Violago ng pagkakasali niya bilang bahagi ng gag show ng GMA-7, Bubble Gang. After two years na pagpapahinga sa showbiz, sa kanyang pagiging aktibong muli ay hindi niya akalaing sa longest-running gag show sa TV pa siya mapapasali.

Bukod sa personal na rason para sa kanyang career, ito'y para rin sa kanyang inang si Mrs. Bootsie Violago. Five months ago, July, kasi ay na-diagnose si Mrs. Violago na mayroong colon cancer, at ang kanyang pagbabalik-showbiz ang isa sa munting paraan ni Princess upang mapaligaya ang kanyang mahal na ina.

"Hindi nga ako makapaniwala, sobrang happy ako dahil ito ang isa sa longest-running show sa GMA-7 at sobrang top-rated siya. Kaya sobrang proud ako na napasok ako sa Bubble Gang," saad ni Princess sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Christmas party ng GMA-7 kagabi, December 14, sa Studio 6 ng naturang network.

Dagdag niya, "It's a pleasure, it's an honor for me to be in Bubble Gang. I'm so happy talaga and I'm really enjoying talaga the company of everyone—from the crew, from the staff, from everyone talaga, kasama siyempre yung mga artista, lahat, I love them all.

"Sobrang na-miss ko rin kasi ang showbiz, e. Actually, I was finding myself lang, gusto ko lang kasing maranasan kung paano iyong normal na buhay. Kasi magkaiba kasi talaga 'yong buhay ng showbiz at saka 'yong normal lang na puwede kang maglakad lang sa mall."

Hindi ba siya nahirapang sumabay sa mga beterano at magagaling na komedyante sa Bubble Gang, sa pangunguna siyempre nina Ogie Alcasid at Michael V?

"Hindi naman, kasi parang it comes out naturally, e. Sa bahay kasi, ako yung komikera, parati ako yung nagpapatawa, e. Iyong tipong kapag may problema, parang... especially ngayon si Mama, may sakit siya, may cancer siya," seryosong paliwanag ni Princess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FOR MAMA. Sa pag-uusisa ng PEP, sinabi ni Princess na may colon cancer ang kanyang mother.

"May colon cancer si Mama, pero kailangan we have to be optimistic pa rin about it. One time, nakita niya akong umiiyak sa banyo. Pero hindi ko talaga ipinapakita sa kanya... Kailangan palaging masaya at hindi ko ilalagay sa isip ko na may sakit siya. Basta palaging masaya lang, parang live to be like there's no tomorrow lang."

Sa pasaning dinadala niya sa karamdaman ng kanyang ina, ipinahayag ni Princess na hindi siya nagpapaapekto kapag nasa harap na siya ng camera at umaarte.

"Siyempre, being an artista, you have to put your mind into it. You have to really... Kapag trabaho, trabaho lang talaga. Kapag yung personal life, personal life, di ba? Hindi mo kasi puwedeng pagsamahin, e, kasi masisira, e, di ba? Pero kung 'yon talaga ang gusto mong gawin, ang maging artista, kailangan ay mag-concentrate ka doon, di ba?"

Inamin din ni Princess na ang pagkakasali niya sa Bubble Gang ay nagmimistulang therapy session sa kanya para mas maging matatag sa pinagdadaanang krisis sa kalusugan ng kanyang ina at upang pansamantalang makalimutan ang problema niyang ito.

"Yup, feeling ko parang therapy ang Bubble Gang sa akin, e. Kaya I look forward every Monday, ito kasi yung taping day namin. Parang feeling ko kasi, sila yung parang second family ko na. Gano'n 'yong trato nila sa akin na feeling ko welcome na welcome ako sa Bubble Gang.

"Pero as an artista, okay din sa akin ang mag-soap opera," patuloy niya. "Bilang artista, mayroon akong mae-emote at mas madaling umiyak, ganyan. Kasi nga siyempre, I'm going through a lot right now, ganyan-ganyan. Pero I'm strong enough to go through it.

"Kasi hindi naman siguro ibibigay sa akin ito ng Diyos, kung hindi ko kaya. Kahit na nakikita ko na nalalagas na 'yong buhok niya, and that's why she's very weak right now. You know, I think na hindi ito ibibigay sa akin ni God kung hindi ko siya kaya. Kaya very optimistic ako na malalagpasan ito ng mama ko because I have faith in God, at nandiyan ang trust ko sa Lord na pagagalingin Niya si Mama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya as much as possible, I make her proud every time she sees me on TV, inaabangan niya talaga. Kahit na maigsi lang yung labas ko, inaabangan niya talaga. Kaya gusto ko next year, itodo ko na talaga na maging active talaga ako sa showbiz, maging busy talaga ako para sa mama ko," saad ni Princess.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN