Isabel Oli denies romantic involvement with any of the professional cagers being linked to her

"Bago for me 'yong non-showbiz, so, masaya naman," Isabel Oli told the press at the launching of Moringa 02 skin care products held recently at The Fort. Isabel revealed that she is currently dating non-showbiz guys following her separation with actor Paolo Contis.


Sa Singapore magpapasko si Isabel Oli kasama ang kanyang buong pamilya. Ayon sa Full House co-star, ngayon lang daw mangyayari na kumpleto silang lahat sa pagdiriwang ng Pasko kaya sobrang excited siya.

Tatapusin muna ni Isabel ang ilan niyang pending commitments bago tumulak palabas ng bansa nitong darating na Martes, ika- 22 ng Disyembre. Nakatakda naman siyang bumalik dito sa Pilipinas sa ika-2 ng Enero para tuparin ang kanyang showbiz engagements.

Biniro si Isabel ng ilang entertainment reporters na baka sa Singapore niya makita ang kanyang next boyfriend after Paolo Contis.

"Wala naman dun sa Singapore," mabilis na sagot ni Isabel sa press conference ng Moringa 02 skin care products na ginanap sa The Fort, Taguig City.

Hindi naman sa natatakot na siyang pumasok muli sa isang relasyon matapos ang paghihiwalay nila ni Paolo noong Disyembre ng nakaraang taon. Aniya, mas "maingat" lang siya ngayon pagdating sa pag-ibig.

"Hindi naman na-trauma... Kasi siyempre, di ba? I'm not getting any younger, so, pag nagka-relationship na siguro, sana 'yon na talaga. Sobrang wish ko talagang magkaroon ng own family," ani Isabel.

CAGER BOYFRIEND? Single pa rin daw ang current status ni Isabel bagama't very honest naman ito sa pagsasabing nakikipag-date siya pag may oras.

"I just go out, mga group dates, ganyan... Walang exclusive na ka-date," paliwanag ni Isabel.

Hindi rin naman itinanggi ng dalaga na kung siya ang tatanungin ay mas gusto niya na non-showbiz ang kanyang magiging next boyfriend para iwas-intriga. Pero hindi rin naman isinasara ni Isabel ang posibilidad na muling umibig sa isang kasamahan niya sa trabaho. Nagkataon lang din daw na hindi taga-showbiz ang mga pumuporma sa kanya sa kasalukuyan.

Sinagot din ni Isabel ang usapin na nagkakamabutihan diumano sila ng isang basketball player na katulad niya ay laking-Bisaya rin. Nauna nang lumutang ang pangalan ng Cebuano shooting guard ng San Miguel Beer na si Dondon Hontiveros. Sumunod naman ay ang teammate ni Dondon sa San Miguel at former Ateneo Blue Eagles standout na si Wesley Gonzales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, ah!" tanggi ni Isabel. "Actually, ang dami-dami kong friends na basketball players. Parang mga Bisaya-Bisaya rin kasi. Taga-Cebu, ayun. Mga friends ko talaga sila. Iba yung bonding pag mga Cebuanos or mga Bisaya, iba talaga, iba kami. Parang nagha-hang out talaga kami, parang ganun. Pero may mga girlfriends na yun. Minsan pag may dine-date ako, ipinapakilala ko rin sa kanila."

Naging game naman si Isabel sa pagsagot nang tanungin kung ano ang gagawin niya kung sakaling makasalubong niya si Paolo sa loob ng GMA-7 compound. Hindi naman daw kasi maiiwasan na dumating ang pagkakataong 'yon, katwiran ng entertainment press, dahil they're working under one network.

"Hindi ko kasi talaga alam kung anong mangyayari," natatawang sagot ni Isabel. "Definitely walang sampalan. Walang violent reaction. Hindi ko lang alam kung anong mangyayari. Abangan ninyo 'yan!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN