Presidentiables to hold final miting de avance on May 7

May 6, 2016
<p>The campaign season of the national elections is about to reach its final leg and the presidential candidates are all set for their respective last miting de avance.</p>

Ngayong Sabado, May 7, ang huling petsa ng pangangampanya ng mga tumatakbo para sa 2016 elections, dalawang buwan mula nang magsimula ang campaign season noong February 9.

May schedule na rin ang pinakahuling miting de avance ng ilan sa presidential candidates ngayong darating na Sabado.

Sa Makati City gaganapin ang huling miting de avance ni Vice President Jejomar Binay, na dating mayor ng nasabing lungsod, at ng ka-tandem nitong si Senator Gringo Honasan.

Sa Plaza Miranda sa Quiapo, Manila naman ang venue ng miting de avance nina Senator Grace Poe at Senator Chiz Escudero.

Makakasama ng dalawang senador sa miting de avance ang kanilang mga kaalyado sa Partido Galing at Puso.

Sa makasaysayang Luneta Park naman ang venue ng miting de avance nina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senator Alan Peter Cayetano.

Magkakaroon din ng hiwalay na miting de avance si Duterte sa Crocodile Park sa Davao City.

Sa Quezon Memorial Circle, sa Quezon City, naman gaganapin ang huling miting de avance ni Liberal Party standard-bearer Mar Roxas at ng kanyang ka-tandem na si Congresswoman Leni Robredo na tatawaging "Oras Na, Roxas na."

Continue reading below ↓

Hindi pa naman inaanunsiyo ang venue ng miting de avance ng isa pang presidential candidate na si Sen. Miriam Defensor-Santiago.

LAST-MINUTE CAMPAIGN. Ngayong ilang araw na lang ang nalalabi bago ang eleksyon, kanya-kanyang labas na rin ng huling pasabog ang mga kandidato sa pag-asang makuha ang boto ng mga botante.

Sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS) ay lamang pa rim Duterte sa mga katunggali niya sa pagka-presidente.

Statistically tied naman sa second place sina Poe at Roxas; pangatlo si Binay, habang nasa huling puwesto pa rin si Defensor-Santiago.

Ngunit sa isang panayam ay sinabi ni Roxas na kampante siyang malalampasan niya si Duterte sa mismong araw ng halalan.

Samantala, sa vice-presidential race ay statistically tied naman sina Marcos at Robredo.

Pero nagdeklara na si Bongbong na ang tanging paraan lamang para matalo siya ngayong halalan ay kapag dinaya siya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>The campaign season of the national elections is about to reach its final leg and the presidential candidates are all set for their respective last miting de avance.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results