Alfred Vargas enters politics to be an agent for change

The letters AV stand for both Alfred Vargas, who's running for District 2 councilor in Quezon City, and for "Action and Vision," his political slogan. "Para sa akin kasi, ang vision ay walang halaga kung walang action."


Walang atrasan sa pagsabak sa politika si Alfred Vargas. Idiniin niya ito nang dumalo siya sa Christmas party ng ENPRESS, Inc. (Entertainment Press Society) last Friday sa Baliuag Grill, E. Rodriguez Ave., Quezon City.

"Nililinaw ko lang," saad ng aktor, na tatakbo para konsehal ng District 2 sa Quezon City, "mayroon kasing lumabas sa isang site na hindi raw ako tumuloy. Sa Stir ba yun? Pero nag-file ako noong November 26. So, hindi po iyon totoo dahil ako nga ang unang nag-file, e, kaya sure na sure na talaga ang pagpasok ko sa politika.

"Hindi ko alam kung black propaganda ito, hopefully not, pero huwag naman sana. Wala lang, i-ignore na lang natin iyan. Kasama naman kasi iyan sa politika, e," sabi ni Alfred sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-Enpress

Sinasabing mas malupit ang intriga sa politika kumpara sa showbiz. Ready na ba siya?

"Well, aware na aware naman ako riyan, handa naman tayo riyan.... Basta yung mga nagmamahal sa akin at sumusuporta ay nandidiyan, hindi ako matatakot. Marami kasi akong mga kaibigan, e, tulad ninyo. So, kahit anong ibato sa akin ng iba, alam kong mayroon akong mga kaibigan na aakbay sa akin at kasama ko lagi kumbaga.

"Pero nandiyan naman kayo, kayo ang mga tagapagtanggol ko. Lalo na at constituents ko kayo, e," nakangiting saad niya.

AGENT FOR CHANGE. Ayon sa aktor na graduate ng Ateneo, sumabak siya sa politika dahil gusto niyang makatulong at maging instrumento ng pagbabago.

"Iyong long term ko, gusto kong tutukan ay education, e. Iyong medium term ay palupa. Iba kasi kapag may titulo sila ng lupa, iyon ang importante, e. At siyempre, para rin sa mga disabled at para sa kalikasan, sa environment. Ano kasi ako, Ambassador for the Youth ng climate change.

"Ang slogan ko is, 'Action and Vision.' AV rin iyon na parang AV as in Alfred Vargas. Kaya ko naisip iyon, para sa akin kasi, ang vision ay walang halaga kung walang action, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos ang isa pang battlecry ko ay, 'Ang Bagong Lakas, Alfred Vargas!' Kasi, ako yung bago, e. Kailangan natin yung mga bago."

Maganda raw ang response ng kanyang mga kadistrito sa kanyang hangaring makapaglingkod sa kanila.

"Karamihan sa kanila ay nagugulat at sinasabi nilang hindi lang pala ako artista. Kumbaga, mas nalalaman nila iyong iba pang side ni Alfred Vargas. Ito yung side na totoo, na gusto talagang makatulong."

STILL TIME FOR SHOWBIZ. Sa tingin ni Alfred ay hindi naman gaanong makakaapekto sa kanyang showbiz career ang pagpasok niya sa politika.

"Basta okay lang iyong time management, pero kailangan ko lang mag-sacrifice nang kaunti. Siguro, mga 20 to 30 percent ng showbiz time ko, which I am willing to do naman."

Very supportive sa mga ambisyon niya ang non-showbiz girlfriend niyang si Yasmine Espiritu, na nasa Italy ngayon at doon magki-Christmas.

"Pero babalik siya by January, tutulungan niya akong mag-campaign. Kasi, iyong mga tao ay hinahanap siya sa akin, e. Ang ganda niya kasi, kamukha niya si Marian [Rivera]."

Naibalita rin ni Alfred na sa January 2010 ay babalik na siya sa Darna. Umalis muna siya sa serye noong ipinagbabawal pa ng Commission on Elections na lumabas sa TV ang mga artistang kakandidato. Pero sa huli ay nagdesisyon ang Comelec na tanggalin ang ban.

"Nakausap ko na iyong mga bossing [ng GMA-7], babalik kami before mag-end iyong Darna," kuwento ni Alfred.

May mga kasama ba siya sa Darna na susuporta sa kampanya niya?

"Mayroon, nag-commit na sila. Huwag lang iyong Impakta dahil baka matakot iyong mga tao," nakatawang sinabi ni Alfred.

Samantala, nais magpasalamat ng Enpress sa mga nagbigay ng pa-raffle at gifts sa kanilang Christmas party, pati na sa mga nakibahagi sa naturang kasiyahan tulad nina Alfred, Angelu de Leon, Myrus, Kris Martinez, Alvin Fortuna, Navotas-Malabon Congresswoman Jaye Lacson-Noel, Direk Ellen Ongkeko Marfil, ang taga-Synergy Therapeutic Massaging Insoles, Ms. Malou Choa Fagar ng TAPE, Inc., at sina Karen Pagsolingan, Erwin Santiago, at Ms. Jo-ann Maglipon ng PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN