Wally Bayola misses comic partner Jose Manalo

"Sana ay ma-solve na lahat ng problema niya at wala nang masasabing masama ang mga tao sa kanya. Gusto na namin siyang bumalik sa Eat Bulaga! para buo ulit ang Dabarkads!" says Wally Bayola (right) about Jose Manalo (left).


Hindi lang pala ang bida ng 2009 Metro Manila Film Festival entry na Ang Darling Kong Aswang na si Vic Sotto ang nakaka-miss kay Jose Manalo kundi pati ang ka-partner niya sa live shows na si Wally Bayola.

Dapat pala ay magkasama sina Wally at Jose sa Ang Darling Kong Aswang bilang mga sidekick ni Vic, pero si Jose na raw ang tumangging makasama sa project dahil ayaw niyang maapektuhan ng anumang negative issues ang pelikula ng kanilang Bossing. Okey lang daw kay Jose na hindi muna siya mapasama sa movie kaya ipinalit sa kanya si Ritchie D'Horsie.

Inamin ni Wally na sobra niyang nami-miss ang kanyang partner sa pagpapatawa. Ilang taon din kasi nilang nakasanayan ang magsama sa live shows sa comedy bars na Klownz at Zirkoh, pati na rin sa iba pang shows lalo na sa Eat Bulaga!. Ngayon ay ramdam niya na may kulang dahil wala nga si Jose.

"Iba kasi ang tandem namin ni Jose," sabi ni Wally sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kaming dalawa lang ang nakakaalam ng gagawin naming pagpapatawa. May saluhan kami parati. Minsan nahihirapan ako kasi wala ang nakasanayan mong partner.

"Pero nakakasama ko pa rin naman si Jose sa taping namin ng Wow Hayop sa GMA-7 at sa ibang out-of-town shows. Pero unlike noon, hindi na kasing dalas. Kasi nga umiiwas din si Jose sa usap-usapan. Naiintindihan naman namin 'yon.

"Yung nga lang kasi, nakakalungkot isipin na hindi namin siya makasama sa mga magagandang events ng Eat Bulaga!. Tulad nga rito sa pelikula ni Bossing Vic, dapat kasama siya pero siya na ang umayaw kasi ayaw raw niyang madamay ang movie sa nangyayari sa kanya ngayon. Nandito naman kami para suportahan siya parati."

Hinaharap ngayon ni Jose at ng kanyang asawa ang ilang reklamo kaugnay ng diumano'y jewelry scam. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wish ni Wally ngayong Pasko na mapabuti ang kalagayan ng kanyang mga mahal sa buhay, kasama na roon ang pamilya ni Jose.

"Sana sa 2010, okey na ang lahat," asam ng comedian. "Sana ay ma-solve na lahat ng problema niya at wala nang masasabing masama ang mga tao sa kanya. Gusto na namin siyang bumalik sa Eat Bulaga! para buo ulit ang Dabarkads!"

RITCHIE D' HORSIE. Wala naman daw naging problema kay Wally ang makatrabaho si Ritchie D'Horsie. First time niya raw makasama si Ritchie sa isang movie at maganda naman agad ang rapport nila.

"Actually, siya yata ang nahirapan sa akin kasi noong mag-shooting kami nitong movie, pipilay-pilay pa ako!" tawa ni Wally. "Naka-cast pa ang isang paa ko noong mag-shooting ako kaya ang ibang kuha ko, either nakaupo o kalahati lang ang kuha sa akin. Madalas nakasandal ako kay Kuya Ritchie kasi nga nahihirapan pa akong mag-balance.

"Pero okey ang naging samahan namin sa movie ni Bossing Vic. Matagal na niyang nakatrabaho si Bossing sa pelikula at TV kaya hindi siya nahirapan. In fairness, nakakatawa pa rin si Kuya Ritchie. May sarili siyang diskarte sa pagpapatawa na kanyang-kanya lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN