Phillip Salvador channels the devil to play first villain role in Ang Panday

It didn't take much to get Phillip Salvador to agree to play the baddie in Ang Panday: the lure of the project itself, his friendship with Bong Revilla, and they say a whopping talent fee. "Presyong kaibigan lang," the actor gainsaid.


Susuportahan ni Phillip Salvador ang mga kaibigan niyang sina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada sa kanilang reelection bids sa darating na halalan.

Pero nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung siya mismo ay may political aspirations, ang simpleng pahayag ng actor ay, "Hindi ko nakikita ang sarili kong maging politician."

Kung may magpupumilit sa kanyang tumakbo, "Siguro hihingi muna ako ng discernment sa Diyos bago ako magsabi ng oo o hindi," ang sagot niya.

BACK TO TV. Sa Enero ay balik-telebisyon si Phillip.

"Sabi nila January, hindi ko pa alam kung saan, either of the two networks. Mahal ko pareho ang dalawang networks, so kung ano yung discernment ni Lord kung saan ako mapupunta, doon ako.

"Sigurado namang maganda ang mga projects na ginagawa ng both networks, at wala naman akong kaaway. Ako, pagbubutihan ko lang ang trabaho ko."

Si Kuya Ipe ang gumanap na Lizardo sa Ang Panday, kaya pinanood raw niya ang orihinal na pagganap noon ni Max Alvarado.

Pero ibang-iba raw ang Lizardo niya.

"Sa poster pa lang tingnan ninyo, ibang-iba na. Nagpakalbo nga ako para lang dito. Kasi di ba napakawalanghiya ni Lizardo, e, si Philip Salvador e mabait? Ha! Ha! Ha!

"Basta I played it as the devil, kung paanong tumawa ang demonyo, kung paano yung mga moves ng demonyo, so yun ang ginawa ko."

Nag-enjoy si Kuya Ipe sa very first evil role niya, "kasi makakapag-experiment ka nang husto, e."

"PRESYONG KAIBIGAN." Halimbawang hindi si Senator Bong ang bida dito, tatanggapin ba niya ang kontrabida role?

"Hindi ko masabi kasi Panday project, e, so kilala na ng tao 'yan agad, so sa mga magulang pa lang solved na siya.

"Pero baka nahirapan akong magdesisyon at magsabing oo, kasi binigyan lang ako ng script ni Bong. Sabi ko puwede mo akong bigyan ng script, basahin ko lang. Pinadala niya agad sa akin, binasa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kinabukasan nagkausap na kami. Sabi ko, 'Ganito gawin natin,' 'natin' na sinasabi ko. Sabi niya, 'Ibig sabihin ba niyan payag ka na?

"Sabi ko, 'Oo, payag na ako.'"

Ang mahal daw ng talent fee niya sa movie?

"Presyong kaibigan lang."


Click here to learn more about this year's MMFF entries


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN