Denise Laurel soaks up vampire lore to perfect aswang portrayal

Denise Laurel has depicted the malevolent creature several times on TV but reprises it for the first time on film in Ang Darling Kong Aswang.


Maraming beses nang naging aswang sa telebisyon si Denise Laurel—sa Pedro Penduko, sa Bud Brothers, hindi na nga niya maisip pa iyong iba—pero first time sa pelikula sa Ang Darling Kong Aswang nina Vic Sotto at Cristine Reyes.

Hindi naman daw siya nahihirapang "magpakaaswang."

"I used to watch a lot of horror films. I just have to differentiate yung difference ng aswang at ng vampire kasi magkaiba yun.

"Siyempre nanood pa din ako ng Twilight, and yung Vampire Diaries. Yung story daw nun, dun kinuha ang Twilight. Mas nauna daw yung Vampire Diaries.

"Yung True Blood mas mature. Hindi ko nakaya yun kasi too much sex scenes, too much violence. Na-overwhelmed ako. First episode pa lang pagbukas mo sobrang mature na yung contents niya."

MISSING THE OLD GANG. Medyo matagal na rin siya sa showbiz.

"I started sa Ang TV 2. Sa Pangako Sa 'Yo, anak ako dun ni Tonton Gutierrez and then I went to Click," sabi ni Denise na ang manager ngayon ay si Arnold Vegafria.

Dating Kapuso siya na lumipat sa Kapamilya network. May nami-miss ba siya sa GMA-7?

"Lahat! Like si Iza Calzado, si Sunshine Dizon. Sa Facebook na lang ang communication namin ngayon. And I always run into them sa mga events."

Nag-umpisa ang pagkakaibigan nila sa isang nakatutuwang insidente.

"One time kasi, may event sa GMA. Siguro bata pa ako nun, mga 14, ganun. Tapos tinulungan nila akong magbihis ng damit kasi ang dala ko gown, tapos last minute iniba nila. Casual na daw pero medyo sexy so hindi ko alam ang gagawin ko.

"Si Sunshine, si Iza, si Chynna Ortaleza, binihisan nila ako. Naggupit sila ng maong na skirt tapos isinuot nila sa akin, tapos tinali-tali nila, tapos sila rin ang nag-makeup sa akin.

"Sobrang na-touched talaga ako."

STICKING UP FOR SUNSHINE. Ka-hang out pa niya noon si Sunshine, kaya nagulat siya sa biglaang pag-alis ng kaibigan sa teleseryeng Tinik Sa Dibdib.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At first nga, I didn't know what happened. I didn't know, I'm so out of the loop. I hope she's okay. I mean nobody wants to be sick and I know she loves acting, that's her passion."


"You can't help it if people make their own stories," ang sagot ni Denise sa mga intrigang naglabasan tungkol kay Sunshine, kesyo nag-overdose daw ito sa drugs, nabuntis, naglalasing at kung anu-ano pa. "I'll just pray for her and wish her to be well kasi who am I to talk, kasi I don't know what's going on."

Walang lovelife sa ngayon si Denise. Di kaya nasusupladahan or nai-intimidate sa kanya ang mga guys?

"I'm always smiling na nga, kasi ang facial features ko mukhang mataray, people's first impression of me either maarte or mataray or sosyal."

Sa mga artistang lalaki, close daw siya sa mga Eigemanns, sa lahat ng nakasama niya sa Bud Brothers, "but I rarely go out, feeling ko I haven't found the right guy yet."

HAPPY TIMES WITH VIC SOTTO. Unang nagkaroon ng Metro Manila filmfest entry si Denise sa pelikulang Shake, Rattle & Roll, pangalawa ngayon itong Ang Darling Kong Aswang.

Kumusta namang makatrabaho si Bossing Vic Sotto?

"I worked with him before, dati pa yun sa GMA pa. Sobrang saya, sobrang joke time, sobrang magaan ang feeling. Lahat kami, sina Cristine, masaya. Madaming pagkain kaya tumaba na naman ako."

Naging close daw sila ni Cristine habang ginagawa ang pelikula.

"We first met nung StarStruck pa siya. Tawag niya sa akin Ate Denise. We hung out a couple of times nung nasa GMA pa ako then, nung Bud Brothers.

"Nagkasama din kami sa ASAP once, pero ito talagang yung nagsama kami na madami talagang shooting days. Sobrang saya, lumalabas kami."

Bilang kontrabida sa pelikula, may mga fight scenes siya with Vic and Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maingat si Bossing na baka masaktan ako. Bossing is very nice with all of the women. He's such a gentleman. He hasn't changed. He's still the humble, funny man that we all look up to.

"Kasi nung na-meet ko siya as in sobrang bata pa ako tapos mahiyain pa, he would talk to me kasi nga mahiyain ako."


Click here to learn more about this year's MMFF entries


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN