Bettinna Carlos isn't fazed by intense competition at Dos: "Ok lang, para may growth."

Bettinna Carlos wants to be sure she's ready for any project by enrolling in all sorts of workshops. "Kapag binigyan ka ng work or good break, hindi ka mapapahiya," says the recent Ateneo graduate.


Sa December 25 mismo pinanganak si Bettinna Carlos. At tulad ng nakagawian na niya, instead of a party, nag-ikot siya sa mga kalsada at namigay ng pagkain sa mga street children at mga pamilyang kapuspalad.

Last year ay biscuits, bread at cupcakes ang ipinamigay niya. Ngayong taon, nakaisip siya ng iba.

"Since marunong akong magluto, naisip ko na ako mismo magluluto ako ng spaghetti para iyon ang ipapamigay ko, then may bread at juice.

"Kasi feeling ko mas may effort kung ako mismo ang nagluto, at kapag ako mismo ang nagluto, mas marami akong mapapakain.

"At para mas nakakabusog, di ba," kuwento ni Bettinna nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

BIRTHDAY WISH. Umaga pa lang ng Pasko ay nag-ikot na siya para ipamahagi ang pagkain.

Dalawampung taon na itong ginagawa ni Bettinna na inumpisahan ng parents niya when she was only two years old.

At ngayong 22 na siya, hindi pa rin kinakalimutan ng dalaga ang pamamahagi ng blessings sa mga nangangailangan.

Ang kanyang hiling sa birthday niya ay, "Good health for me and my family, my loved ones. Good health kasi magagawa mo ang lahat ng dapat mong gawin kapag in good health ka.

"At wish ko rin na sana, ma-fulfill ko lahat ng dreams ko, hindi man lahat, most of them. Na continuous ang blessings."

FROM KAPUSO TO KAPAMILYA. Dating talent ng GMA-7 si Bettina at lumabas siya sa Kakabakaba Adventures, 3R, Love To Love, at Mulawin (bilang Diwata ng Lupa), among others.

Ngayon ay member na siya ng Star Magic ng ABS-CBN, at ilan sa mga naging stints na niya para sa bagong home network ay ang Pinoy Dream Academy at ang Y Speak sa Studio 23.

Nag-transfer si Bettinna sa Kapamilya network matapos mag-concentrate sa kanyang pag-aaral mula 2007 hanggang 2009 sa Ateneo De Manila University. Graduate na ng kursong B.S. Communications Technology and Management si Bettinna last March 2009.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I took up com tech to be trained and be well-rounded. Para infuse lahat—telecom puwede, computers puwede, pati TV post and pre-production, and also broadcasting. I also love acting and hosting."

Speaking of acting, naipamalas na ni Bettinna ang nalalaman niya sa pag-arte via her projects with ABS-CBN, tulad ng Your Song Presents: Gaano Kita Kamahal.

Nakapag-guest na rin siya sa Maalaala Mo Kaya at may nakalinyang malaking soap opera ang Kapamilya network kung saan isa sa magiging main cast members si Bettinna.

Bilang paghahanda pa sa mga darating na projects, kumuha na ng basic and advance acting workshops si Bettinna at pati na rin dance workshop.

WHY SHE TRANSFERRED TO DOS. Bakit siya lumipat sa Channel 2?

"One of the reasons siguro is because I want to try working in a different working environment, and with different people. Na walang kakilala and try to work on my own, na parang nagsisimula ulit.

"Hati dati ang attention ko with showbiz and studies, so parang may challenge in starting anew. Gusto ko ng bago, and to go out of my comfort zone and build new relationships."

Matindi ang kompetisyon sa ABS-CBN sa dami ng mga talents dito.

"Okay lang, para may growth and hindi ako maging complacent."

Hindi rin daw ang kikitain sa pag-aartista ang habol ni Bettinna.

"It's not about the money. It's more on the feeling of fulfillment. Na, 'Wow, nagawa ko 'to!' Na, I'm here, I'm ready but I'm willing to wait...

"Honored na ako na nabigyan ng chance na mag-workshop. Para ready ka na kapag binigyan ka ng work or good break, hindi ka mapapahiya."

CONDO BROKER. Bukod sa showbiz ay may part-time job si Bettinna bilang isang broker for Nuvoland Philippines, isang real estate development company.

"It's based sa commission, and dito rin, I'm not after the money. Gusto ko lang kasi na gumagana ang utak ko, and I miss school kasi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang broker ng mga condo units at mga office and commercial spaces for businesses, flexible ang kanyang oras kaya hindi naapektuhan ang pagiging Star Magic artist niya.

"Kaya naman napasok ko ang field na ito is because of my batchmates sa school, niyaya nila ako. Sabi nila, kahit fresh graduates na tulad namin, puwede, kaya ayun, nag-try na rin ako."

Sa field na ito, nahahasa raw lalo ang kaalaman ni Bettinna sa human relations, management, communication at presentation.

"At marami rin akong taong nakakasalamuha at nakakausap, iba't ibang klase ng mga tao, kaya mas lalong may grasp sa buhay at sa mga nangyayari sa paligid ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN