Vic Sotto is still the undisputed "MMFF Box-Office King"

"Ako, personally, bago mag-showing, sabi ko masama lang ako sa Top 3, okay na. Apparently, we got more sa aming pinapangarap at talagang nakatutuwa. I was not expecting it," says Vic Sotto about the box-office performance of his latest MMFF movie Ang Darling Kong Aswang.


Masayang-masaya si Vic Sotto dahil sa malaking tagumpay ng pelikula niyang Ang Darling Kong Aswang, na entry ng M-Zet TV Productions, OctoArts Films, at APT Entertainment sa ongoing 2009 Metro Manila Film Festival.

Kasalukuyan kasing nangunguna sa standing ng box-office gross sales ang pelikula niya among seven entries sa MMFF. Pero maaari pang magbago ang standing lalo na nga't ongoing pa ang festival at hindi naman ganun kalakihan ang pagitan ng sales figures ng Top 3 entries. Base sa four-day gross ng festival, ang Ang Darling Kong Aswang ay kumita na ng 44.625 million, na sinusundan ng Ang Panday (43.317 million), at Shake Rattle & Roll XI (42.211 million).

Anuman ang mangyari pagkatapos ng festival ay proud si Bossing sa nakamit na tagumpay ng kanyang movie lalo na nga't napanatili niya ang pagiging "Undisputed MMFF Box-Office King."

"Nakatutuwa at alam kong maraming natutuwa. Ako, personally, bago mag-showing, sabi ko masama lang ako sa Top 3, okay na. Apparently, we got more sa aming pinapangarap at talagang nakatutuwa. I was not expecting it. Sa kabutihang-palad yung aming pelikula ay naka-third best picture pa. We really appreciate yung pagkilala," saad ni Vic nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa thanksgiving presscon ng Ang Darling Kong Aswang kahapon, December 30, sa Guilly's restobar.

Sigurado na bang magkakaroon ng sequel ang Ang Darling Kong Aswang ngayong tumabo ito sa takilya?

"Yung sequel, meron kaming ibang pinaglalaanan," sabi niya. "Ang sequel puwedeng pelikula, maaaring hindi. Puwedeng sa telebisyon at yun ang pinagdedesisyunan namin, inaayos namin. Siguro ia-announce ko yun sa isang taon [2010]. Early next year ay meron kaming pinaplano for Ang Darling Kong Aswang, lalo na nga't... hindi ko nga inakalang ganung magugustuhan ito ng mga manonood ng pelikulang Pilipino.

"Before the actual showing, before Christmas, kumpiyansa lang ako na maganda yung produkto namin. It's very entertaining. I know it will be for the whole family, sa mga bata. Pero as far as the gross is concerned, I wasn't really sure of it. Nung malaman ko na it was doing good, talagang tuwang-tuwa kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SECRET OF SUCCESS. Ano sa tingin niya ang dahilan at tinangkilik ng mga manonood ang pelikula niya?

"Siguro dun sa entertainment value," sagot ni Vic. "Bago ito kumpara sa Enteng Kabisote o sa Iskul Bukol. Parang it was a shot in the dark. Basta ang mahalaga ay pagbutihin lang natin, gawin nating very entertaining, nakakatawa. May konting katatakutan, pero ayoko namang matu-trauma lalo na yung mga bata. So, yun lang ang pinagtuunan namin ng pansin. Maging maganda at kaaya-aya yung produkto.

"At sa tingin ko naman," patuloy niya, "hindi kami nabigo dahil sa reaksiyon na aming natatanggap, sa mga feedback na aming nadidinig, e, talaga namang tuwang-tuwa sila at masaya sila. Lumalabas sila ng mga sinehan na nakatawa, nakangiti, at sulit na sulit ang Pasko nila."

Sa survey, lumalabas na marami pa ring mga bata ang nanood ng pelikula niya. Ano ang masasabi niya rito?

"E, kasabihan nga natin ang Pasko ay para sa mga bata. Diyan lang sila medyo kumakapal ang bulsa. Puwede silang gumastos ng sarili nila. So, I make it a point na kung anuman yung gagawin ko sa Kapaskuhan, e, first and foremost, magugustuhan ng mga bata. At itong Ang Darling Kong Aswang ay kinagat naman nila.

"At ako'y natutuwa lalo na kapag yung mga bata na lumalapit sa akin at sinasabihan ako na, 'Ang ganda ng movie mo. Tawa kami nang tawa.' Masarap sa pakiramdam yung nakapagdulot ka ng katatawanan, entertainment and at the same time ay nakapag-impart ka ng values about being good."


TOP GROSSER. Ano ang feeling niya na equally successful din ang katapat niyang fantasy movie na Ang Panday, lalo na't naulit na naman ang girian nila ni Bong Revilla sa box-office?

"Ang kabutihan naman nito, halos dikit-dikit yung gross, e. So, ibig sabihin noon, sa kabuuan ng festival, maganda ang magiging end result," sabi ni Vic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang reaksiyon niya na nagkakaroon ng isyu kung anong pelikula raw ang totoong number one?

"Tingnan niyo na lang sa MMDA [Metro Manila Development Authority]. Nasa kanila yung official results. Sa akin, hindi importante yun. So, it doesn't really matter who's on top, who's number two. Ang importante, yung kabuuan. Ang importante, yung kabuuan ng festival.

MOTHER LILY'S STATEMENT. Dahil kasama ang Ang Darling Kong Aswang sa tatlong best pictures ng festival, ano ang reaksiyon ni Vic sa sinabi ni Mother Lily Monteverde na dapat linawin ng MMFF executive committee ang criteria sa pagpili ng Best Picture? Pakiramdam kasi ni Mother Lily ay dapat napasama sa tatlong best pictures ang entry ng Regal Entertainment na Mano Po 6. Best Picture ang Ang Panday, 2nd Best Picture ang I Love You, Goodbye, at 3rd Best Picture naman ang pelikula ni Vic.

"Taun-taon naman yata nababago yung criteria," sabi ng ace comedian. "But just the fact na masama ka sa festival, ibig sabihin ay may K, may karapatan yung pelikula. Lahat ay may karapatan na maging best picture. Lahat may karapatan maging best actor, best actress. Ang kadalasan nga nating naririnig, e, ma-nominate ka lang, sapat na. Bonus na yung manalo ka ng award."

Bilang actor-producer, hindi niya ba kinukuwestiyon ang criteria sa pamimigay ng awards?

"Malinaw naman yung criteria na 50 percent ay yung box-office appeal, which is I think is very important din dahil itong ating Pamaskong festival is a sort of a fundraiser also para sa... Maraming natutulungan ng festival, hindi lang mga tao sa industriya kundi pati sa bayan din, a part of it goes to charity. So, importante yung maganda ang kitain ng festival. Katulad ngayon, maganda ang takbo. Halos lahat, e, maganda ang gross. Doon sa pito, kung sa kabuuan, maganda ang gino-gross ng ating festival itong taon na ito," saad ni Vic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang comment niya sa pagkuwestiyon ni Mother Lily na bakit noong isang taon daw ay nanalo ang Baler na Best Picture kahit hindi naman ito humataw sa box-office?

"Siguro ine-expect niya na to be at least nasa Top 3 [Best Picture]. Binabase niya kasi last year na nanalong Best Picture ay Baler na sabi nga niya ay wala naman sa Top 3 sa box office. Siguro sa kaso ng Baler, mas nanaig yung the other 50 percent. Fifty percent lang naman ang pinag-uusapan sa box-office, there's another 50 percent sa quality, istorya, pagkamakabayan, yung ina-uplift ang ating mga values as Filipino people. Doon nadale siguro ng Baler... Para sa akin I never question the awards. Opinyon ni Mother yun and I respect it also."

ENTENG KABISOTE 5. This early ay nakaplano na at sure na Enteng Kabisote 5 ang isasali ni Vic sa MMFF 2010.

"Binubuo na namin ang Enteng Kabisote 5. Maraming nagre-request talaga, e. Maraming naghahanap. Last year pa nung nag-Iskul Bukol kami. E, this year, marami ulit ang nagtanong sa akin kung kailan namin gagawin yung Enteng Kabisote 5. Sa ngayon, pinaghahandaan na namin. Konting detalye pa at we will come out with the final decision."

Posible bang si Kristine Hermosa ulit ang kunin niyang leading lady?

"Puwede. Tingnan natin. Nami-miss na rin namin siya," sabi ni Vic.

WEDDING IN 2010? Sa personal na buhay, ano naman ang plano niya for 2010?

"Ganun pa rin kung ano yung 2009!" biro ni Bossing. "Kung anuman yung personal naming plano, e, amin naman ihahayag yun sa takdang panahon."

So, wala pa bang pinag-uusapang kasal nila ng girlfriend niyang si Pia Guano sa 2010?

"Araw-araw naman pinag-uusapan 'yang kasal. Dapat lang at yun ay isang bagay na pinag-uusapan at pinaplanong mabuti. Kung anuman ang pinal na pag-uusapan namin, e, hindi namin yun itatago lalo na sa inyo [press]."

Kailan kaya siya magpo-propose ng kasal at mamamanhikan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala, hindi na kailangan mag-propose at mamanhikan. Hindi ko na kailangang hingin ang kamay. Nahingi ko na yung buong katawan, e!" biro ni Bossing.

Dagdag niya, "Kami naman ng pamilya ni Pia, okay naman kami. So, yung proposal, yung pamamanhikan, formality na lang kumbaga."

E, ang pagkakaroon ng anak, napag-uusapan na rin ba nila?

"Pagkakaroon ng anak? Unahin namin yung pagkakakaroon ng aso!" sabay tawa ni Bossing. "Mas gusto niyang mag-alaga ng tuta, e. Pero darating din yun. Bata pa naman siya at bata pa rin naman ako."

Kumusta ang bakasyon nila ni Pia sa Singapore during the Christmas break?

"Masaya na nakakapagod kasi ilang araw lang, e. Parang three days lang kami sa Singapore. Yung pamilya niya [Pia], nandun. Hanggang ngayon nandun pa yung pamilya niya, after New Year pa uuwi. Nauna na kaming umuwi ni Pia. We really had fun. Marami rin tayong mga kababayan doon na nabati natin ng Maligayang Pasko. Natutuwa naman sila na makita kami. Puro kain lang at saka lakad," lahad ni Vic.

CIARA'S WEDDING. Ano naman ang pakiramdam ni Bossing sa nalalapit na pagpapakasal ng pamangkin niyang si Ciara Sotto kay Joe Oconer sa January 17, 2010?

"Isa ako sa mga ninong and I'm very happy," sabi ni vic. "Kilala ko naman yung mapapangasawa niya. He's a good guy, mabait. Alam ko na magiging matagumpay ang kanilang pag-aasawa."

Humingi ba ng advice sa kanya si Ciara?

"Matagal nang naibulong sa akin ni Ciara yung tungkol sa pagpapakasal nila. Wala naman akong in-advise. Unang-una, hindi naman ako magaling... wala naman akong galing na naipakita. Ang mas dapat na magbigay sa kanya ng advise ang tatay niya, si Tito [Sotto]. In the future, baka sakaling makapagpakita ako ng galing sa pag-aasawa. So, I wish her good luck and maging mapagmahal sa kanyang asawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN