PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nadine Samonte rushed to hospital for acute gastritis

If her condition remains the same by February she may need to undergo an endoscopy.
by Rose Garcia
Published Jan 10, 2010
Nadine collapsed on the set of Tinik sa Dibdib due to severe abdominal pains, but she checked herself out of the hospital within hours so she could resume taping. "Abangan niyo po ang pagtatapos namin, malapit na. Sobrang ganda at pinaghandaan po namin. Kahit bugbog-sarado 'ko rito, okey lang, para sa inyo," said the young trouper.

Last Wednesday, January 6, ay na-delay ang taping ng Tinik Sa Dibdib nang kinailangang isugod sa hospital si Nadine Samonte sanhi ng pananakit ng kanyang tiyan.

Nakausap ng Startalk si Nadine at ayon sa kanya, "Bigla na lang sumakit. Biglaan. Sumumpong nang sobra kaya dinala na ako sa Cardinal [Santos Memorial Hospital, Greenhills, San Juan]."

Ang finding daw ay acute gastritis.

"Acidic talaga, super talaga. Tapos, ang nangyari naman, okey naman. Pero gusto nila akong i-confine for two days. E, sabi ko hindi puwede. May taping ako ngayong Friday.

"So, mga nine ako isinugod. Mga two or three kami lumabas sa hospital. Lumabas din ako agad. Tapos, paglabas ko, saka ako nag-vomit. So, umokey na ang pakiramdam ko after that."

After raw niyang manggaling sa hospital, bumalik siya agad sa taping.

"Kasi malapit na rin kaming magtapos, e. Sabi ko, tapusin na natin. Mahirap yung naghahabol, e. Kaya pa naman, konting pahinga pa rin, dahan-dahan. Tapos, maya't maya kailangan kumain. Hindi puwedeng malipasan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ENDOSCOPY. Ang payo raw sa kanya ng doctor ay iwasan ang stress.

"Sobrang stress, kaya kailangan umiwas sa stress," natatawang sabi ni Nadine. "Kasi nakita ko yung sequence, ang dami! Sobrang dami, umaga pa lang. Kaya sabi ko, paano kaya nila makukuhanan lahat ng eksenang ito?...

"At saka, wala nga akong makain sa set. More on mamantikain yung foods, e, bawal nga. Pero meron akong time limit, hanggang February. Pagbalik ko sa kanya [doctor] at ganun pa rin, no choice, endoscopy talaga."

Sa kabila naman daw ng nararamdaman niya sa kanyang health, sinigurado ni Nadine na hindi raw maaapektuhan ang Tinik Sa Dibdib.

"Abangan niyo po ang pagtatapos namin, malapit na. Sobrang ganda at pinaghandaan po namin. Kahit bugbog-sarado 'ko rito, okey lang, para sa inyo," pagtatapos ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Nadine Samonte, Tinik Sa Dibdib
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine collapsed on the set of Tinik sa Dibdib due to severe abdominal pains, but she checked herself out of the hospital within hours so she could resume taping. "Abangan niyo po ang pagtatapos namin, malapit na. Sobrang ganda at pinaghandaan po namin. Kahit bugbog-sarado 'ko rito, okey lang, para sa inyo," said the young trouper.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results