PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Making a film with daughter KC would be a "dream come true" for Gabby Concepcion

Gabby expressed admiration for Dahil May Isang Ikaw co-star Sid Lucero.
by Melba R. Llanera
Published Jan 17, 2010
Gabby is also slowly bridging the gap with ex-wife Sharon Cuneta. He greeted the Megastar on her birthday last January 6.

Kung ang pagbabasehan ay ang ganda ng takbo ng career at kalidad ng mga projects ni Gabby Concpecion, everyone will agree na di nagkamali ng desisyon ang actor na huwag tumuloy sa Kapuso network at ipagkatiwala ang kanyang career sa ABS-CBN.

Pagkatapos ng malaking tagumpay ng Dahil May Isang IKaw, heto't kasama siya sa isa sa pinakamalaking teleserye ng Kapamilya network, Kung Tayo'y Magkakalayo.

"That's why I'm very thankful. No man is an island, may nagbibigay sa akin at nagpapasalamat ako sa kanila. Alam kong di ito para talaga sa akin, nagiging instrumento lang ako," mapagkumbabang sabi ng aktor.

SOMETHING DIFFERENT. Ano ang dapat abangan ng publiko sa kanya sa bagong teleserye?

"I play the role of Steve, isang NBI agent. Ang buhay ko ay laging nasa panganib. Frustrated ako sa pag-ibig, masasabi nating sawi. Makakahanap ako ng bagong babaeng mamahalin pero sa buhay ko kasi, parang nauulit lang yung mga nangyayari, lalo na sa pag-ibig. Makakarelasyon ko dito sila Celine played by Kris [Aquino] and Celina played by Maricar Reyes naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"In Dahil May Isang Ikaw, more relaxed yung character ko. Coat and tie lagi ang suot ko. Dito sa Kung Tayo'y Magkakalayo, maraming takbuhan at medyo rugged ang lagi kong suot...

"Ako naman, ang ginagawa ko sa ABS, tinitingnan ko yung istorya. Talagang bago ko tanggapin yung proyekto, importante yung istorya, especially pagbalik ko, I cannot do a mistake so I really have to be careful," sabi ng aktor na naging matagumpay naman ang comeback sa Philippine showbiz.

KUDOS TO SID LUCERO. Ayon kay Gabby, nami-miss niya ang samahan nilang castmates sa Dahil May Isang Ikaw, pero kung may isa siyang di makakalimutan dito, ito ay si Sid Lucero.

"Marami, lahat ng katatawanan namin during breaks and before shoot, sobra yung naging bonding namin, yun ang pinakanami-miss ko and pinaka-touching para sa akin.

"Nagulat ako kay Sid Lucero. Mayroon kaming eksena na wala naman sa rehearsals pero pag nag-take na, kusang lumalabas. Pareho kaming nag-enjoy sa scene na ito kasi di namin nire-rehearse pero pag binasa mo yung script, maa-apply mo yung dapat. Ito yung nakita ko kay Sid na di ko nakita sa iba.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Siguro rin kasi magagaling kasi yung mommy at daddy niya kaya mahusay din siyang artista." Sa mga di pa nakakaalam, ang tinutukoy ni Gabby ay sina Mark Gil at Bing Pimentel.

Sa ngayon ay second na sa box office ranking ang I Love You Goodbye sa mga 2009 Metro Manila filmfest entries. Noong umpisa ng festival ay nasa fourth place ito. Para kay Gabby, napakalaking bagay talaga ang istorya ng pelikula para kagatin ito ng publiko.

"Maaring di siya maganda sa takilya sa umpisa pero yung word of mouth. Ang nangyari kasi filmfest 'yan, nauna na yung mga bata. Pagkatapos nun yung mga mature audience naman."

BIRTHDAY GREETINGS TO EX-WIFE. Ikinatuwa naman ng mga Sharon-Gabby fans ang balitang binati raw ni Gabby ang kanyang ex-wife noong birthday nito last January 6.

"In fact binati ko rin siya uli nung nag-guest ako sa The Buzz. Si Kris tinawagan siya sa cellphone, nag-usap kami. Ngayon okey na kami. Siyempre, iba na kumpara nung di kami okey, yun ang kagandahan ng mga nangyari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya ring ikinuwento sa amin ni Gabby ang magandang relasyon nila ng anak na si KC Concepcion. Nandoon ang pag-aasam ng aktor na sana matuloy ang isang project para sa kanila.

"Nagkita kami last Sunday at ang saya," sabi ng aktor.

"Di pa namin alam kung kailan mag-uumpisa [ang film project] pero malakas ang plano nila na yun ang gagawin naming next na pelikula. Wala pang istorya, although mayroon nang pinag-uusapan...

"Dream come true rin para sa akin kapag nangyari yun. Pagtanda ko at least maipapakita ko sa mga apo ko na nakagawa ako ng isang magandang pelikula with KC."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabby is also slowly bridging the gap with ex-wife Sharon Cuneta. He greeted the Megastar on her birthday last January 6.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results