PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Krista Ranillo still refused to comment when asked if she had an affair with Manny Pacquiao

Krista proves that she is not pregnant.
by Glen Sibonga
Published Jan 19, 2010
"Uhmm... I don't want to comment about it. 'Cause you know... I just don't really wanna talk about it. As I said nga, I just wanna move on. Just try to respect and understand na I'm going through a lot of things," says Krista Ranillo when asked if she had a relationship with boxing champ Manny Pacquiao.

Marami ang nabitin sa interview kay Krista Ranillo ng The Buzz na ipinalabas noong January 10 dahil marami pa raw mga tanong ang hindi nasagot ang starlet sa naturang panayam. Kaya naman nang muling matiyempuhan ng naturang showbiz talk show ng ABS-CBN si Krista ay mas matitinding mga tanong na ang iniharap nila rito.

Last Sunday nga, January 17, ay ipinalabas sa The Buzz ang mga panibagong paglalahad ni Krista tungkol sa mga kontrobersiyang kinakaharap niya.

Sa unang pagkakataon, inilantad ni Krista ang saloobin ng amang si Mat Ranillo III sa pagkadawit niya sa intrigang ito.

"I guess hindi naman talaga galit. It's more of na-hurt lang. Kasi kahit naman sinong ama talagang masasaktan pag yung anak yung tinitira o may sinasabi about them, di ba? Talagang it's normal for a parent to feel that way," saad ni Krista.

Totoo bang na-depress siya habang nasa U.S. noong isang taon.

"I won't say naman depression. But I won't say that I was really happy because like any other persons who have issues thrown at them will really get affected. Pero the point of being depressed, no naman," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


MANNY PACQUIAO. Nang dumating ang usapan tungkol kay Manny Pacquiao, tila paiwas naman ang mga sagot ni Krista. Una na nga ang pagtanggi niya na ang pagsuporta sa laban ni Manny Pacquiao ang dahilan ng paglipad niya papuntang U.S. last November.

"Really, no," sabi ni Krista. "I've been going back and forth sa States like for the longest time ever since I was a kid. So, I've been going there to see my family, to be with my family. There's nothing wrong with that."

Nauna na kasing nasabi ni Krista na halos lahat ng kanilang mga kapamilya ay nasa U.S. na, maliban na lang sa kanya at sa ama niyang si Mat.

Ibig bang sabihin hindi siya pumunta ng U.S. para manood ng fight ni Manny?

"My family is based there. So, there's really nothing wrong if I go there. It's like going to a different State na you have a family to visit. And the fact na hindi rin ako pumupunta doon. So, I was there to be with my family," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

So, hindi totoong nasa States siya para suportahan si Manny?

"Nandun ako para suportahan ang pamilya ko," sagot ni Krista.

(Pero matatandaang sa past interviews ng kampo ni Krista ay sinabi nilang bukod sa pagpapaopera ng bunsong kapatid ng sexy star, nagpunta sila sa U.S. upang suportahan ang laban ni Manny kontra kay Miguel Cotto.)

Nang tanungin naman siya kung totoong si Manny ang gumastos sa lahat ng expenses nila pagpunta ng U.S., ito ang sagot ng starlet: "Well, people will always have something to say. It's just hard. I don't wanna try to please everybody because it's impossible pa."

May naglabasang pictures nila ni Manny na magkasama sa Baguio. Nakita niya ba ang mga ito?

"Yes, I saw it. Lahat naman naririnig ko, nababalitaan ko naman, e."

Ano ang comment niya rito?

"Maghintay na lang tayo. I don't wanna comment," bitin niyang sagot.

THE SIGHTINGS. After mag-guest ni Manny sa Jimmy Kimmel Live Show noong November 3, 2009, isang video ang lumabas sa Internet na nagpapakita sa isang babaeng kasama ni Manny sa loob ng kotse sa pag-alis nito. Ano ang reaksiyon niya na sinasabing siya ang babaeng iyon?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yun nga. Parang I said nga na.... basta. Let's just move on, it's 2010. I'm so sawa na. Sobrang sawa na talaga to talk about it honestly. So sawa na. I just don't want to comment about it," iwas ni Krista.

Pati mga international press, na-curious kung sino nga ba ang babaeng iyon.

"Ganun ba? Tanungin natin sila."

Ano naman ang masasabi niya na mayroon daw silang identical bracelet ni Manny?

"Honestly, I'm so tired na talaga talking about it. I don't want to talk. Tigilan niyo na ako. Let's wait na lang for my interview with Tito Boy [Abunda]. What else can I say to Tito Boy if I answer everything. It's my promise to him," sabi ni Krista.

Nang matanong naman kung personal silang magkakilala ng asawa ni Manny na si Jinkee Pacquiao, ito ang maikling sagot ni Krista: "I never met her. I never... we're never introduced."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa hiwalay na panayam noon kay Jinkee, sinabi ng misis ni Manny na nakita niya si Krista sa Chanel boutique sa Los Angeles, California bago ang laban ng boksingero kay Cotto. (CLICK HERE to read related story.)

Para matapos na ang isyu, deretsang tanong, nagkaroon ba sila ng relasyon ni Manny Pacquiao?

"Uhmm... I don't want to comment about it. 'Cause you know... I just don't really wanna talk about it. As I said nga, I just wanna move on. Just try to respect and understand na I'm going through a lot of things. It's not just that certain issue but there are a lot of things going on also like... yun nga my sister [who will have a harelip surgery] and my engagement [nakipag-break na siya sa fiancé niyang si Direk Dominic Zapata]. A lot of things talaga. So, as of now, I really don't wanna talk," iwas pa rin ni Krista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

So, pinipili niya muna ngayon na huwag magsalita about Manny?

"Yeah, because you have to respect that people go through something. And nasa tao naman 'yan, e, kung kailan sila handang magsalita, di ba? Kasi yun lang... Yung pregnancy issue, I just really have to put it to rest because it's really affecting also my family. Because they are not with me. Parang sobra na, e," paliwanag niya.

PREGNANCY ISSUE. Speaking of pregnancy issue, sa hiwalay namang interview ng SNN (Showbiz News Ngayon) kay Krista na ipinalabas kagabi, January 18, pinatunayan ng starlet na hindi siya buntis.

Pinakuhanan niya ng video ang ginawa niyang pagpapa-body contouring sa beauty clinic na ineendorso niya para ipakitang hindi siya buntis.

"Doon na tayo sa banyo. Ipapakita ko sa iyo. Kasi I have my period now. I'll show it to you para maniwala ka," sabi pa ni Krista sa crew ng SNN.

Kasunod nito sinagot din niya ang isyung binalatuhan siya ng milyun-milyon ni Manny matapos itong manalo sa huling laban nito kontra kay Miguel Cotto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko nga alam. Kahit nga piso wala akong balato, e, di ba? Kung meron man, e, di sana nag-share na ako. I'm a generous person, di ba?" natatawa niyang sabi.

Ipinaliwanag din ni Krista ang pagsususot ng Team Krista necklace ng kanyang aso.

"When I was in the States kasi, merong fan na lumapit sa akin. And yun, parang regalo kasi sa akin ng fan yun, e."

Nang matanong naman kung nagkakausap pa sila ni Manny ngayon, ito ang kanyang sagot: "Nag-usap kami when I arrived and when we're shooting the movie [Wapakman]. We're friends naman and hindi naman matitigil yung friendship."

Kung sakali mang magku-krus ang landas nila ni Jinkee, ito lang daw ang sasabihin niya: "'Hi!' Yun naman ang sasabihin mo pag nakita mo yung tao... 'Hi!'"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Uhmm... I don't want to comment about it. 'Cause you know... I just don't really wanna talk about it. As I said nga, I just wanna move on. Just try to respect and understand na I'm going through a lot of things," says Krista Ranillo when asked if she had a relationship with boxing champ Manny Pacquiao.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results