PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dion Ignacio thanks Jesus for his latest project, Ina Kasusuklaman Ba Kita?

Dion has attended one meeting with Victory Christian Fellowship where Alvin is a member.
by Rommel R. Llanes
Published Jan 20, 2010
StarStruck Avenger Dion Ignacio credits co-Avenger Alvin Aragon for his being religious now.

Avenger ng StarStruck Batch 1 si Dion Ignacio, at nakasabayan nilang sumikat ang mga produkto naman ng Star Circle Quest ng Dos, tulad ni Joross Gamboa na ngayon ay lumipat na sa GMA-7.

Kaya tinanong namin si Dion kung ano ang naramdaman niya nang lumipat si Joross sa Siyete.

"Siyempre, tropa na din yun e," umpisang pahayag ni Dion nang makausap ng PEP sa presscon ng Sine Nobela Presents Ina Kasusuklaman Ba Kita? kaninang tanghali sa The Roxy sa Tomas Morato, Quezon City.

Close ba sila ni Joross?

"Hindi pero minsan nagkakasama... nagkakabatian kami, kunwari sa Internet café, 'Uy, brod!' Parang wala naman sa isip ko na aangasan ko siya or aangasan niya ako. Nakakatuwa nga, di ba, na SCQ siya, 'tapos nasa GMA na siya."

THANKING JESUS. Hindi raw siya na-insecure sa pag-oober da bakod ni Joross. Hindi rin daw siya natakot na baka ang ibang projects na puwedeng kay Dion ibigay ay mapunta kay Joross.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ay, hindi naman, may tiwala naman ako kay Jesus, e. Si Jesus ang may bigay ng lahat ng ito sa atin, yung trabaho ninyo, yung kumikita kayo sa pagsusulat, yung kumikita tayo sa trabaho natin, ako sa pag-aartista, kay Jesus. Itong show na ito kay Jesus lahat galing ito."

Naitanong namin kay Dion kung bakit tila relihiyoso siya ngayon, at sa kanya namin napag-alaman, dahil ito sa Born Again Christian nang si Alvin Aragon na isa ring StarStruck Avenger!

Si Alvin daw ang nagtuturo kay Dion ng mga bagay-bagay tungkol sa pananampalataya.

Si Alvin, na noon ay itinuturing na isa sa mga pinaka-pasaway at pinaka-kontrobersyal na teen stars sa batch nina Dion ay tumatahak na raw ngayon ng isang diretsong landas bilang isang Christian.

"Sobrang... di ba pasaway po siya dati? Biglang... Bang! Binaliktad siya ni Jesus," pagpapatuloy na kuwento ni Dion.

Pati nga raw siya ay naiimpluwensiyahan ng magandang pagbabago ni Alvin at niyaya siya na sumama sa pagtitipon ng church nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa Victory [Christian Fellowship] po, minsan ini-invite niya ako. "Naka-attend na ako ng isang beses. 'Tapos minsan nagwa-one-on-one kami, may Bible siya, binabasahan niya ako kapag may problema ako."

Isang kaibigan daw ni Alvin ang nag-encourage dito na maging isang Christian.

"Hindi ko alam, biglang ganun na siya. 'Tapos nagulat ako... naiilang na ako na, di ba minsan meron tayong ano na... napapamura tayo? Kunwari may kumurot sa iyo, o may nang-asar bigla, or ano, mamapamura ka. Ako naiilang na ako ng ganun, kasi minsan, napamura ako, sabi niya [Alvin], 'Brod, 'wag mo nang gagawin 'yan.' Sobrang nabaliktad po siya at natutuwa naman ako para sa kanya."

Tinanong daw ni Dion si Alvin kung ano ang nag-udyok dito na magbago.

"Na-realize daw po niya yung mga pagkakamali niya noon. Kasi noong napalapit siya dun... siguro katulad ko din, siyempre may mga mali rin ako, di ba? Na-realize niya , 'tapos nung nalaman niya ang salita ng Diyos, nalaman niyang ang dami pala niyang pagkukulang, naniwala siya, gumaan ang loob niya sa nagsalita sa kanya, kaya sumapi siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ngayon si Jesus, ginagamit na siya para i-spread yung salita ni Jesus."

At isa na nga si Dion sa mga naiimpluwensiyahan ngayon ni Alvin.

"Oo, pero hindi pa ako ganun karaming alam tungkol sa Kanya, kasi minsan pa lang akong nakasama. Once pa lang ako, kasi hindi pa ako regular na nakaka-attend."

Ayon pa kay Dion, alam daw niyang hindi na gagawa ng kalokohan o anumang bagay na hindi maganda si Alvin...

"Hindi na po, sobrang naniniwala ako sa kanya, na nagbago na siya. "Ibang-iba na siya."

Nang mapasali raw si Dion sa Ina Kasusuklaman Ba Kita?, sinabi niya kay Alvin na gusto niyang maging magandang-maganda ang performance niya sa nabanggit na bagong show ng Siyete.

"Kasi sa kanya ako nag-o-open, na may show ako at gusto ko maging excellent ako dito. Ayun meron siyang mga magagandang payo. Dapat nga pupunta ako sa small group na ano nila, hindi ako nakapunta. Parang small group session nila tungkol sa pagiging excellent, e. Siya ang leader sa grupo, siya ang nagsasalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ngayon po nabe-bless siya, nakikita ko siya sa SOP, minsan kasama siya dun sa SIS, 'tapos nag-guest ako sa Sana Ngayong Pasko noong December, nagulat ako magkasama kami. Biro mo biglang...bakit ganun? O 'di ba, nabe-bless siya ni Jesus? Kasi si Jesus ang gumagawa ng paraan. Kunwari hahawakan niya ang isip ni Ma'm Wilma [Galvante, GMA-7 SVP for Entertainment TV], biglang may blessings na sa amin."

IT'S A BLESSING. Blessing nga raw kay Dion ang pagkakasama sa Ina Kasusuklaman Ba Kita?.

"Sana itong show na ito, makaipon ako at magsunud-sunod pa ang shows ko para makabili ako ng bahay."

Nagmula sa Siniloan, Laguna (tuwing December na lang umuuwi si Dion doon), kasalukuyan siyang nakatira sa Maynila kasama ang parents niya at mga kapatid sa bahay na nirerentahan ni Dion.

Mapapanood si Dion sa Sine Nobela Presents Ina Kasusuklaman Ba Kita? simula sa Lunes, January 25 sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7, sa direksyon ni Gil Tejada, Jr. at pinagbibidahan nina Jean Garcia at Jennica Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa cast din sina Ariel Rivera, Karla Estrada, Lloyd Samartino, Luis Alandy, Richard Quan, Regine Tolentino at sina LJ Reyes, Paulo Avelino at Iwa Moto.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
StarStruck Avenger Dion Ignacio credits co-Avenger Alvin Aragon for his being religious now.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results