Jennica Garcia has to muster courage to physically hurt her mom in their new soap

"Okey lang na si Mama ang manampal at sigaw-sigawan ako. Kaya kong tanggapin 'yon, pero yung ako ang mananakit kay Mama, parang hindi ako makakatulog nang mahimbing knowing na nasaktan ko siya," says young actress Jennica Garcia.


Napanood ng mag-inang Jean at Jennica Garcia ang DVD copy ng 1985 movie Ina, Kasusuklaman Ba Kita?—pinagbidahan ni Lorna Tolentino at ng yumaong si Ms. Rita Gomez—na pinagbasehan ng kanilang afternoon series sa GMA-7 bago sila magsimulang mag-taping. Sabi ni Jennica, sobra siyang na-challenge sa role na ginampanan ni Lorna bilang si Rizzi.

"Noong pinanood namin 'yon ni Mama, parang natakot ako kasi parang hindi ko kayang mapagsabihan o masaktan ko si Mama. Kahit sabihin mong acting lang ang lahat, parang hindi ko pa rin kayang gawin 'yon. Pero kinausap naman ako ni Mama at sinabi niya na okey lang na gawin ko 'yon dahil trabaho naman ang lahat. Hindi niya 'yon pepersonalin because she knows na we are doing a job, kasi professional kami.

"Nakiusap nga muna ako na kung puwede, huwag masyadong matindi ang gagawin kong pananakit kay Mama. Okey lang na si Mama ang manampal at sigaw-sigawan ako. Kaya kong tanggapin 'yon, pero yung ako ang mananakit kay Mama, parang hindi ako makakatulog nang mahimbing knowing na nasaktan ko siya," saad ni Jennica sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Ina, Kasusuklaman Ba Kita? last Tuesday, January 19.

Kuwento pa ni Jennica sa PEP, sa unang taping day nila for the said series ay mabibigat na eksena agad ang kinunan sa kanila ni Direk Gil Tejada. First time daw magkaroon ng gano'ng klaseng mga eksena sina Jean at Jennica kahit na nagkasama na sila sa dalawang GMA-7 primetime series—Impostora at Gagambino.

"First time na may mga ganito kaming madadramang eksena ni Mama. Kasi sa Impostora, ilang beses lang kami nagkasama sa eksena. Hindi naman kasi kami mag-ina doon sa story. Sa Gagambino naman, ako yung mataray kay Mama kasi nadiskubre ko na siya pala ang nanay ko na iniwan ako.

"Kaya nakakapanibago ngayon kasi halos lahat ng eksena, magkasama kami. Nasampal na ako at nasigaw-sigawan na ako sa mga eksena. Pero si Mama naman, after each take, nagsu-sorry siya sa akin at niyayakap niya ako. Gano'n din naman ang gagawin ko kay Mama kapag nilabanan ko na siya sa kuwento," saad ni Jennica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW LEADING MAN. Si Paulo Avelino ang leading man ni Jennica sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita?. Una silang nagkatrabaho sa isang episode ng Dear Friend at nang hanapan ng bagong ka-partner si Jennica, si Paulo raw ang bumagay sa kanya.

Hindi kaya mag-react ang fans nila ni Mart Escudero dahil nasanay na ang mga ito na makitang si Jennica ang katambal ng StarStruck winner sa mga TV show at pelikula?

"Hindi naman po siguro kasi may kanya-kanya na kaming shows ni Mart," sagot ni Jennica. "'Tsaka hindi naman po ako ang nagdesisyon niyan kundi ang management. Okey naman po sa akin kung si Mart ang itambal ulit sa akin. Sino naman po ako para tumanggi?

"Pero gusto raw nila na may bagong ma-partner sa akin at tamang-tama lang daw si Paulo. Nakatrabaho ko na before si Paulo at madalas din kaming magkakasama kasi we have common friends in the business."

Isa sa common friend nila ay ang nali-link kay Paulo at nababalitang girlfriend nito na si LJ Reyes. Nabalita nga noon na nagtangkang manligaw si Paulo noon kay Jennica, pero hindi lang ito tinuloy ng young actor.

"May gano'n ba talaga? Naku, kaibigan ko si LJ at hindi puwede! Bad 'yan!" tawa ni Jennica.

Dagdag niya, "Yung nabalitang panliligaw daw ni Paulo, hindi naman totoo 'yon. Kasi nga barkada ko si Chariz Solomon. Tuwing lalabas kasi kami, tatawagan niya si Paulo at yung ibang friends namin. Kaya doon lang naman 'yon nagsimula.

"Kung nanligaw man si Paulo, hindi ko naman idi-deny 'yon, e. Noong manligaw nga si Mart, openly na kinuwento ko naman, di ba? Pero kami ni Paulo, wala 'yon kasi hindi niya puwedeng gawin 'yon! Basta hindi puwede! Mambuking ba ako?" patuloy sa pagtawa si Jennica.

NON-SHOWBIZ SUITORS. Inamin naman ni Jennica na may suitors siya ngayon, pero puro mga hindi taga-showbiz. She goes out on dinner dates daw, pero hanggang doon lang dahil naka-focus siya sa kanyang career ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey lang naman na lumabas ako with other people. Normal lang naman 'yon, pero friendly dates lang. Payo kasi ni Mama, huwag munang seryoso kasi mahirap na yung ma-distract ako sa trabaho ko. Lalo na at sunud-sunod nga ang mga gagawin ko this year.

"Si Papa [former actor Jigo Garcia] naman, nagagalit. Bakit daw ako nakikipag-date sa kung sinu-sino. Sabi ko naman, 'Papa, hindi siya stranger. Kilala ko yung tao. 'Tsaka usually naman, group date kami. Ayoko yung kaming dalawa lang. Protective lang si Papa sa akin kasi," saad ni Jennica.

HELPING HER DAD'S CAMPAIGN. Speaking of Jennica's father, active ngayon ang young actress sa mga proyekto ni Jigo dahil tatakbo itong konsehal sa Quezon City. Since last year daw ay sumasama na si Jennica sa medical missions at ilang pagbisita sa mga barangay ng kanyang ama.

"Promise ko 'yan kay Papa kasi I like to help him sa gusto niyang gawin. Tumutulong ako sa mga charity events nila. Like noong nakaraang Pasko, nagkaroon sila ng ilang missions at sumama talaga ako," banggit niya.

Hindi nakikita ni Jennica ang sarili niya na papasok sa politics tulad ng kanyang ama. Pero hindi raw niya tinutuldukan ang lahat dahil baka nga naman one day ay bigla niya ring maisipan na pasukin ang pulitika.

"Hindi ko masabi talaga, though hindi ko talaga makita ang sarili ko na ginagawa ang mga ginagawa ni Papa. Parang mahirap, di ba? Pero noong sumama ako sa kanya sa missions nila, nag-enjoy ako. Nagustuhan ko 'yon kaya mahirap magsabi kung gusto ko or ayaw ko.

"Si Papa nga, sabi niya, hindi niya nakita ang sarili niya in politics. Kasi nga artista na siya noon. Pero basta na lang daw nangyari. Bahala na siguro si Lord kung saan niya ako dadalhin in the future. Right now kasi, itong pag-aartista ko muna ang paghuhusayan ko," pagtatapos ni Jennica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN