PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

StarStruck V frontrunner Rocco Nacino says his near elimination was a wake-up call

Rocco promises to bring "something new" to the competition.
by Erwin Santiago
Published Jan 22, 2010
"Very flattering na sabihin nila yun sa akin. Pero iisipin ko, okay, ako iniisip niyong toughest competitor, mas gagalingan ko pa. Kung ako sa tingin nila ang pinakamahirap na talunin dito, mas hihirapan ko pa para hindi ko hayaan na malamangan nila ako," says Rocco Nacino about being considered the toughest competitor by the other StarStruck V male contenders.

Si Rocco Nacino ang kinukunsiderang frontrunner sa natitirang apat na male contenders ng reality-based artista search ng GMA-7, ang StarStruck V. Pero last Sunday, January 17, muntik nang maglaho ang tsansang manalo ng 22-year-old registered nurse nang mapabilang siya sa bottom two with Sarah Lahbati.

Pero dahil sa bisa ng Factor 2, kung saan binibigyan ng power ang StarStruck Council—na binubuo nina Lolit Solis, Iza Calzado, at Floy Quintos—na pigilan ang elimination kung magkakasundo silang tatlo ay naligtas sina Rocco at Sarah.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakasama sa bottom group si Rocco. Sa past elimination nights kasi ay naliligtas siya dahil sa Immunity dahil sa pagiging best niya sa mga test and challenges—dancing, acting, and singing. Tatlong beses nang nanalo ng Immunity si Rocco magmula nang magsimula ang StarStruck V—best actor in a music video, best dancer, at best actor in a Kiss Flick. Siya pa lang din ang nabibigyan ng award among the male contenders.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WAKE-UP CALL. Sa pocket presscon na ipinatawag ng Kapuso network para sa eight remaining contenders ng StarStruck V last Wednesday, January 20, ay nagkaroon ng one-on-one interview ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rocco.

Tinanong namin siya kung naging wake-up call ba sa kanya ang pagkakasama niya sa bottom two last week?

"Oo, naging wake-up call po talaga," sagot ni Rocco, na medyo masama pa ang pakiramdam dahil sa ubo't sipon.

Ano ang naramdaman niya noong silang dalawa na lang ni Sarah ang natitira for elimination?

"Actually, the day before, Saturday [Jan. 16], nakausap na rin po ako ng parents ko. 'Apat na lang kayong boys, mahirap na kayong pagpilian. So we never know, you have to be ready pa rin sa kahit anong mangyari.' Tapos sabi sa akin, 'Ano bang mararamdaman mo kung matatanggal ka?' Magiging thankful ako. Tinanong nila sa akin, 'Magagalit ka ba?' Hindi. Siyempre, malulungkot ako kasi gusto ko pa ituloy, umabot sa final four or final five. Pero kung matatanggal man ako, e, di oras ko na po. And I will be very thankful to StarStruck," saad niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero kung hindi ginamit ng Council members ang Factor 2 at siya ang natanggal, sa palagay kaya niya ay time na nga niyang ma-eliminate?

"Para po sa akin, no," sagot ni Rocco. "Kasi ang nagpababa po ng performance ko talaga last week, yung sakit ko po. Tagal na niyan, two weeks na. And dahil po araw-araw nga yung taping, yung trabaho po, wala pong oras para makapagpahinga. Kahit one day straight na puro pahinga, wala po. So, lagi po akong stressed kaya ang tagal kong gumaling. So, para po sa akin, yung ang nagpatanggal ng focus ko. Like sa acting workshop, ubo ako nang ubo. 'Andun na ako sa character, tapos mapapaubo ako, wala, nawala na naman ako."

What about the text votes? Kasi isang factor na sinasabi ni Direk Floy, maaaring okay ang performance ni Rocco sa challenges and artista tests, pero pagdating sa viewers o fans, hindi pala siya ganun kalakas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumang-ayon naman dito si Rocco. Sabi niya, "Like one fan told me, possible po na naging kampante po yung fans or supporters ko. At iniisip siguro nila, based on what he [the fan] said, 'Ay, si Rocco, kayang-kaya na niya 'yan. Hindi na niya siguro kailangan yung votes natin para umabot sa final four. So siguro, kayang-kaya na niyang mag-isa 'yan. Hindi na niya kailangan yung boto natin. Sa iba na lang natin gamitin yung sa text votes.' So maybe, just maybe, yun ang reason. Siyempre, pag-uwi ko po nung Sunday, nanawagan na po ako agad sa fans ko na, 'Guys, nakita niyo po yung nangyari..."

In-expect ba niya na isi-save sila ng StarStruck Council from elimination?

"No," sagot ni Rocco. "Actually, nung tinawag nga po ako sa bottom three, kalma pa po ako, e. Sabi ko 'Okay, sige, kung oras ko, oras ko na.' Tapos naka-smile pa ako nun. Very positive ako nun. Pero nung nalaman ko po na ginamit yung Factor 2 sa amin ni Sarah, dun na po ako bumigay, nag-breakdown!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi sobrang nakaka-touch naman na sa aming dalawa ni Sarah ginamit. At na-explain pa nila kung bakit nila ginamit. So, coming from the [Council] members, sobrang nakaka-touch na, sabi nila, 'We're too valuable to be lost at this time of the competition.' At ano, sobrang nakakataba ng puso. Kasi parang binigyan kami ng isa pang week, one more chance to prove our worth here. Kaya dun po ako sobrang na-touch talaga. Itotodo ko na po. And para ma-please na rin ang Council, I'm bringing something new this Sunday," pangako ni Rocco.

"ROCCO FATIGUE." Nabanggit ni Rocco ang "bringing something new" next week dahil hindi masyadong naging maganda ang komento ng Council members sa live performance niya last Sunday. Bagamat maayos naman ang naging performance niya at ginawa niya na lahat—pagkanta, pagsasayaw, at pagda-drums—nakulangan pa rin sa kanya ang StarStruck Council, partikular na sina Direk Floy at Manay Lolit.

Ano ang masasabi niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Although maraming mga nanonood na nagsabing okay siya [his performance], para sa akin, parang tama yung sinabi ni Direk Floy. Parang ibinibigay ko yung best ko every time to the point na baka nagsasawa na nga sila. So, they're looking for something new. And since po sinabi po nila yun, I am giving them something new this Sunday," ulit ni Rocco.

Pero nang tanungin kung ano ang gagawin niya sa Sunday, ngumiti lang si Rocco at sinabing sorpresa na lang ito.

Ano naman ang reaksiyon niya sa sinabi ng StarStruck Council na parang may "sawa factor" na siya?

"Parang Rocco fatigue," nakangiting sabi niya. "'Coz I am always doing the same thing. They know I can sing, not that good, pero I can sing. They know I dance, they know I can play the drums. What else? Parang that's what they see every Sunday kasi. Yun po ang point ni Direk Floy. Although si Ms. Iza po, na-appreciate niya po yung performance ko. Pero naiintindihan ko rin po yung sinasabi ni Direk Floy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi kaya sa tingin ng Council members ay nagiging overconfident na siya dahil sa mga award na nakuha niya?

"Nabanggit din po nila sa akin 'yan. Never at any time of this competition naisip ko na lamang na lamang ako sa mga lalake. All the time, nasa isip ko, pantay-pantay kami. Anong dapat kong gawin para lumamang sa kanila? Kasi apat na lang kaming lalake, e. Sobrang ang layo po ng pinagdaanan namin para makarating sa final four males. So, lahat po kami deserving. Ano na ang dapat kong gawin para lumamang sa kanila?

"So, yun ang nasa isip ko lagi. Hindi ko naiisip yung nagawa ko dati, yung mga awards ko, kung nagkaroon ako ng Immunity. Kasi tapos na yun, e. I don't think that's gonna help me in the future challenges ahead. So every week, ang iniisip ko, back to zero. Like before, yung most recent award was the Best Actor award, the day after that, sabi ko, 'Okay, back to zero ka. You have to start working again.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ENZO PINEDA. Naging topic for discussion these past few weeks ang pagbibigay opinyon nina Rocco at Ian Batherson tungkol sa posibleng paggamit ng pera o yaman ng ibang contenders para i-vote ang isang contender.

Sa Factor 3 kasi ng StarStruck V ay binigyan ng kapangyarihan ang viewers kung sino ang gusto nilang ma-eliminate. Sixty percent ng kabuuang boto ay manggagaling sa viewers, samantalang 20 percent naman ang magmumula sa Council members, at ang natitirang 20 percent ay manggagaling sa contestants mismo. That week, wala ring bisa ang Factor 1 (automatic elimination sa contender na tatlong beses nang napunta sa bottom group) at Factor 2. Sa huli, si Piero Vergara ang natanggal.

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Enzo, sinabi nitong hindi nila napag-uusapan nina Rocco at Ian ang tungkol sa isyu na kesyo ginagamit niya ang pera ng pamilya para tumagal sa StarStruck V. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong namin si Rocco kung bakit hindi nila napag-uusapan ang ganitong bagay?

"Siyempre po, very awkward na po kung ibi-bring up ko sa kanya. Siguro po he knows what's happening. I don't have to siguro ikuwento ulit lahat sa kanya," sagot niya.

Pero hindi ba siya nagpasintabi o nag-apologize kay Enzo na baka nasaktan ito sa sinabi nila ni Ian?

"I don't know. Para sa akin, ayaw ko na pong i-bring-up sa kanya yun. Kasi para po sa akin, pag once napag-usapan na namin, magkakaroon po ng ilangan," paliwanag ni Rocco.

Pero okay ba sila ni Enzo?

"Okay kami," maikli niyang tugon.

Sinong pinaka-close niya sa StarStruck V contenders?

"Si Ian. Kasi from Top 100 pa lang, magkasama na kami. Lagi kaming magkasama, magkausap na rin. So, until now, very close kami," sabi niya.

TOUGHEST COMPETITOR. Bagamat si Ian ang itinuturing na pinakamalapit niyang kaibigan sa StarStruck, si Ian din ang itinuturing ni Rocco na toughest competitor niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi umpisa na nag-bottom three siya, for the second time, tumaas nang tumaas yung performance niya, Tagalog niya, yung fanbase niya. So ano, lahat kami nag-level up, pero nakikita ko si Ian, isa sa parang pinakamataas sa performances sa StarStruck ngayon. Nagiging favorite na siya ng crowd. So, para sa akin siya... Although siya yung pinaka-closest friend ko dito, siya rin yung pinaka-toughest competitor ko," paliwanag niya.

Ano naman ang reaction ni Rocco pag sinasabi ng ibang male contenders na siya ang toughest competitor nila?

"Ay, talaga po? Kung ganun po, thank you. Thank you na lang siguro," ngiti niya.

Mahirap ba yung siya yung ginagawang benchmark ng mga kalaban niya?

"Para sa akin, okay lang po sa akin," sagot ni Rocco. "If that's what makes them more hungry for the title... Very flattering na sabihin nila yun sa akin. Pero iisipin ko, okay, ako iniisip niyong toughest competitor, mas gagalingan ko pa. Kung ako sa tingin nila ang pinakamahirap na talunin dito, mas hihirapan ko pa para hindi ko hayaan na malamangan nila ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ba siya nagwo-worry na ganun ang tingin ng iba sa kanya kaya mas lalong tumataas ang expectation ng mga tao sa kanya o mas gusto ng mga kasamahan niya na matanggal siya para wala na silang matinding kalaban?

"Hindi ko iniisip. Yung mga ganyang bagay po, tinatanggal ko na lang sa isip ko. Ang iniisip ko lang po yung challenge, yung mga dapat gawing tama, what to do on Sunday, and how to please the crowd. Yun lang po ang iniisip ko. Ayaw ko pong hayaan na personal things to get into my head," saad ni Rocco.

Ano ang pinakamahirap na challenge na ginawa niya so far sa StarStruck V?

"Para sa akin po, yung kay Douglas Nierras Week, the so-called 'Hell Week'!" natatawang sabi ni Rocco.

Si Douglas Nierras ay ang choreographer ng modern jazz group na Powerdance. Kilala siya sa pagiging istrikto at "terror" na naging bahagi na ng StarStruck bilang mentor magmula pa noong first season.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat nahirapan si Rocco na naturang dance workshop ay nag-enjoy naman daw siya. Nagbunga rin ang kanyang paghihirap dahil isa siya sa iilang napili ni Douglas na tumuntong sa StarStruck stage para mag-perform. Dahil sa kanyang performance, nanalo si Rocco ng award bilang Best Male Dancer.

"Kaya nga po nung nanalo ako napaiyak, ako!" natatawang pagbabalik-tanaw niya. "Kasi parang, grabe, lahat ng hardwork ko, it paid off. Sobrang pinaghirapan ko po talaga yun. Tapos ang laki ng pinayat ko dahil sa dance week. Siguro, four pounds yata."

Nang biruin namin siya na mukha ngang pumayat siya, natatawa niyang sabi ay: "Ito, stress na 'to, stress na!"

Dagdag niya, "Kaya yun, sobrang ibinigay ko lahat para sa week na yun. Very proud ako dahil nanalo ako. Although I was not expecting. Yun yung pinakamahirap kasi si Douglas Nierras yun, e. At grabe, grabe! Sobrang kailangan yung discipline talaga. At medyo baguhan pa kami, medyo pasaway pa. Ilang beses kaming nayari kay Sir Douglas! Yun yung week na sobrang natakot kami. Kaya yun ang napili ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit siya ang dapat manalong Ultimate Male Survivor?

"Kasi para sa akin po, sa tingin ko napapakita ko na po yung mga talents na bigay ni God sa akin. So I hope lang na ma-appreciate ng mga fans, ng mga viewers, yung mga nagagawa ko. Kasi yun po yung joy ko, e, like performing for the people. Masaya na akong nakikitang naka-smile sila habang pinapanood ako.

"So, very happy ako na meron akong ganitong talent. At very happy rin ako na nase-share ko sa kanila. So it's up to them if they want me to be the male survivor. Pero in this competition, ipapakita ko sa kanila yung drive ko and determination as a person. Na kaya kong lumaban sa mga mga boys na determined din."

Pero ano yung nakikita niyang hindrance para hindi siya ang manalo?

"Sa tingin ko po, yung fanbase ko siguro," sagot ni Rocco. "Kasi ang lalakas ng fanbase ng mga kalaban ko. Kasi, like nung Sunday, ang ine-expect ko pong kasama sa bottom three, si Steven [Silva]. Kasi nga napansin ko sa chat, sa weekly challenge, medyo di yata okay. So, akala ko siya ang masasama sa bottom three, pero hindi. Na-save pala siya sa text votes. So, what more kung ginalingan pa niya? Lalo akong mapupunta sa ilalim... Kaya ngayon, I'm doing my best para pagandahin yung fanbase, fan support. Kaya I'm taking more time makipag-interact sa fans. So, nananawagan ako sa kanila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Very flattering na sabihin nila yun sa akin. Pero iisipin ko, okay, ako iniisip niyong toughest competitor, mas gagalingan ko pa. Kung ako sa tingin nila ang pinakamahirap na talunin dito, mas hihirapan ko pa para hindi ko hayaan na malamangan nila ako," says Rocco Nacino about being considered the toughest competitor by the other StarStruck V male contenders.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results