PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jomari Yllana reveals candidates he will endorse in 2010 elections

Fearless Productions brings together American Idol winner Kris Allen, dance group Jabbawockeez, and all-male band Boyce Avenue.
by Nora Calderon
Published Jan 25, 2010
"Nag-file ako noon [ng candidacy] as councilor ng Parañaque sa 2004 elections, pero hindi ko itinuloy, binawi ko. Pinag-isipan kong mabuti 'yon at na-realize ko na mas masaya sa showbiz kesa sa politics. Kung natuloy ako noon, di hanggang ngayon, pulitiko pa rin ako at hindi sana ako naging producer!" says Jomari Yllana.

Isa si Jomari Yllana sa "nangharana" kay Claudine Barretto nang i-welcome ang aktres bilang isang Kapuso sa SOP Fully Charged kahapon, January 23. Kaya nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktor sa dining hall ng Studio 7 ng GMA Network Studios ay biniro namin siya na kinakarir na niya talaga ang pagkanta.

"Wala sa plano ko ang maging singer!" natatawa namang sagot ni Jomari. "Pero simula nang isali nila ako sa Celebrity Duets [Season 3], masarap pala. Kinu-coach nila kami kung paano ang pagkanta at marami akong natutunan during the contest."

Pagkatapos daw nito ay nag-front act na si Jomari sa fund-raising concert ng partner niya sa Fearless Productions na si Ronald Singson para sa mga nasalanta ng bagyong Pepeng sa Pangasinan.

Tinanggap din ng aktor ang pagge-guest sa Valentine concert ni Kuh Ledesma na Forever Love on February 12 and 14 sa Captain's Bar ng Mandarin Hotel. Makakasama rin nila rito ang Drama King na si Christopher de Leon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kakayanin ko sina Ms. Kuh at si Bro. Siyempre, puro love songs ang kakantahin namin sa two-night concert namin," sabi ni Jom.

NEXT FEARLESS PRODUCTION. Medyo matagal-tagal na rin ang huling project ng Fearless Productions. Last year ay nag-full blast ito sa paggawa ng reunion concert nina Martin Nievera at Pops Fernandez, ang back-to-back concert ng American Idol Season 7 winner and runner-up na sina David Cook at David Archuleta, at ang concert ng YouTube sensation na si Marië Digby.

Pero ibinalita ni Jomari sa PEP na nakahanda na ang susunod nilang production—ang Musicfest 2010. Pagsasama-samahin nila ang dance group na Jabbawockeez, ang all-male acoustic band na Boyce Avenue, at ang winner ng American Idol Season 9 na si Kris Allen.

Gaganapin ang naturang two-night concert sa SM Cebu Open Grounds on February 5, Friday, at sa McKinley Hill Open Grounds sa Taguig City on Feb. 6, Saturday.

Bakit medyo natagalan ang pag-produce nila ulit ng concert?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Marami muna kaming inayos, pero madali namang kausap yung managers ng mga international artists na sina Kris Allen, Boyce Avenue, at ng Jabbawockeez. We always try to make something new, kaya this time, ang target audience naman namin ay mga bagets."

RADHA. Nung makausap namin si Jomari ay kasama niya si Radha. Hindi ba naba-bother ang aktor na hindi matapus-tapos ang pagli-link sa kanila ng female singer?

"Hindi, dahil wala naman talaga," nangingiting sagot ni Jom. "Accepted ko na noon pa na kahit sinong kasama ko, kahit anong gender ang kasama ko, matsitsismis sa akin. Radha will be our talent sa production company na itinatayo namin at balak namin siyang i-launch by April.

"Okey lang kung may intriga, mapag-uusapan!" biro pa niya.

2010 ELECTIONS. Malapit na rin ang simula ng political campaign para sa May 10, 2010 elections. Ikakampanya ba niya ang dating asawa na si Aiko Melendez, na tumatakbong Vice Mayor ng Quezon City?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Wala pa akong masasabi kasi hindi pa naman niya ako iniimbitahan. Kapag inimbita niya ako, why not? Sinuportahan ko siya noong kumandidato siyang councilor ng Quezon City," banggit ni Jomari.

Sino ang mga tutulungan niya sa mga kandidato sa national at local elections?

"For sure, ang mga tutulungan ko, ang mga kaibigan ko, sa mga taong may paniniwala ako," sagot niya.

Dalawang kapatid ni Jomari ang tatakbo sa Parañaque: si Anjo bilang vice mayor at si Ryan bilang councilor. Ang mga kaibigan at mga "kapatid" niya sa dati nilang manager na si Douglas Quijano na sina Richard Gomez at Joey Marquez ay tatakbo rin; si Goma bilang congressman sa Ormoc City at si Joey bilang mayor ng Parañaque.

"At siyempre, si Ronald [Singson] kasi magsi-seek siya ng re-election as congressman ng Ilocos," dagdag ni Jomari.

Mahal ba siyang maningil ng talent fee kapag nag-e-endorse siya ng pulitiko?

"No, lagi kong tinatandaan ang sinabi sa amin ni Tito Douglas na 'endorse the politicians you believe in, but don't ask anything in return.' Kaya wala talaga akong hinihinging kapalit sa anumang support na ibinibigay ko sa kanila," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit hindi siya pumasok sa politics?

"Nag-file ako noon [ng candidacy] as councilor ng Parañaque sa 2004 elections, pero hindi ko itinuloy, binawi ko. Pinag-isipan kong mabuti 'yon at na-realize ko na mas masaya sa showbiz kesa sa politics. Kung natuloy ako noon, di hanggang ngayon, pulitiko pa rin ako at hindi sana ako naging producer!" natatawang sabi ni Jomari.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nag-file ako noon [ng candidacy] as councilor ng Parañaque sa 2004 elections, pero hindi ko itinuloy, binawi ko. Pinag-isipan kong mabuti 'yon at na-realize ko na mas masaya sa showbiz kesa sa politics. Kung natuloy ako noon, di hanggang ngayon, pulitiko pa rin ako at hindi sana ako naging producer!" says Jomari Yllana.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results