PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nikki Gil and Billy Crawford make time for a date on Valentine's Day

Singer-host Nikki Gil's acting gets recognized in Nagsimula Sa Puso.
by Archie de Calma
Published Jan 31, 2010
"Nakikita ko na natural sa kanya yung mahusay na pakikitungo sa kahit na anong klaseng tao," says Nikki about boyfriend Billy Crawford. "Napapakibagayan niya yun na hindi nawawala ang kanyang good breeding. Pero, katulad ko rin si Billy. Lumalabas ang pagka-jologs kung minsan, and I guess, yun ang natural sa amin. Basta, pareho lang kaming nag-e-enjoy."

Sa Araw ng mga Puso, February 14, ay magkaka-concert sina Billy Crawford at Jay-R. Itatanghal ang Groovin' Love sa SMX Convention Center sa Mall of Asia, at guest nila sina Nikki Gil at Kyla.

I

Pero hindi totally magiging working day ang Valentine's Day para sa magkasintahang Billy at Nikki. Kuwento ni Nikki, pagkatapos daw ng concert, kung may bukas pang bar or restaurant, ay magde-date ang dalawa para makumpleto naman ang importanteng araw na ito ng mga nag-iibigan.

Ang pagse-celebrate ng mga ganitong okasyon ay isang paraan upang mapatatag ang isang relasyon. At isa pa ring nagsisilbi para mas lalong magkalapit ang mga nagmamahalan ay ang pagpapakatotoo sa sarili.

Ito ang suma-tutal ng mga ipinahayag ni Nikki Gil sa isang interview tungkol sa pagsasama nila ni Billy.

"Nakikita ko na natural sa kanya yung mahusay na pakikitungo sa kahit na anong klaseng tao," sabi ni Nikki. "Hindi problema sa kanya ang kahit na anong klaseng tao. Napapakibagayan niya yun na hindi nawawala ang kanyang good breeding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero, katulad ko rin si Billy. Lumalabas ang pagka-jologs kung minsan, and I guess, yun ang natural sa amin, that we can still have fun without thinking of the limitations and restrictions. Basta, pareho lang kaming nag-e-enjoy."

GOOD REVIEWS. Nakikilala na rin bilang mahusay na aktres si Nikki. Impressive ang performance niya sa Nagsimula sa Puso na nagwakas na sa ere kamakailan. Naitanong tuloy sa kanya kung open na siya sa mga kissing scenes kung maganda naman at challenging ang role.

"I am more of a singer and a host than an actress," sagot ni Nikki. "Ngayon ko pa lang nasusubukan yung acting. Kung pupuwedeng huwag na lang gawin, e di huwag na lang gawin. I'd rather not.

"Hindi naman yata bagay sa image ko. Ganito na ang pagkakakilala ng mga tao sa akin, e. Maski yung pagpu-pose sa FHM or sexy magazine, maski ako ang tanungin ninyo, hindi talaga ako kumportable. All the more na hindi ko gagawin [yung kissing scene], kasi nagsalita rin si Billy na ayaw niya," natatawang patuloy ni Nikki.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero, may nagbanggit na nakapagpa-sexy na rin daw siya sa isang fashion magazine, bagay na kinontra naman ng singer-host.

Aniya, "Kung ang pictorial ay nasa swimming pool o sa beach, bakit hindi magsu-swimsuit. Depende kasi 'yan sa context. Mahirap yung pictorial na nagpapa-sexy lang. Hindi naman ako nagpupunta sa beach na naka-long sleeves."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nakikita ko na natural sa kanya yung mahusay na pakikitungo sa kahit na anong klaseng tao," says Nikki about boyfriend Billy Crawford. "Napapakibagayan niya yun na hindi nawawala ang kanyang good breeding. Pero, katulad ko rin si Billy. Lumalabas ang pagka-jologs kung minsan, and I guess, yun ang natural sa amin. Basta, pareho lang kaming nag-e-enjoy."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results