Rachelle Ann Go insists Kean Cipriano and Jed Madela are not courting her

"Hindi pa talaga ako ready. After mo kasing magmahal at masaktan, siyempre mayroong nawala sa iyo, di ba? Kumbaga, hindi ka buo. Mas nag-e-enjoy muna ako na walang iniintindi. Kumbaga, kaibigan, pamilya, trabaho lang muna ang focus ko at mas masaya ako ngayon," says Rachelle Ann Go about not entering into another romantic relationship.


Marami ang nagulat nang maugnay ang pangalan ng singer na si Rachelle Ann Go sa breakup ng Kapuso talent na si Arci Muñoz at ng lead vocalist ng Calla Lily na si Kean Cipriano. Lumabas din ang balitang sinisiraan daw ni Rachelle si Arci sa mga magulang ni Kean.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rachelle, nagpahayag din siya ng pagtataka sa pagkaka-involve niya sa paghihiwalay nina Arci at Kean at pagkalungkot na napaparatangan siya ng paninira ng ibang tao.

"Hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot sa issue. Hindi ko alam kung bakit ako nadawit sa issue nila. Alam ko ang problema kung bakit sila nagkahiwalay, pero out na ako dun. Nakakagulat nga na nasama ako sa issue. Nakakalungkot din pag nakakarinig ako ng ganung balita.

"Ako kasi, kahit sinisiraan ako, wala akong interview na nagsasabi ng masama sa ibang tao. Kumbaga, hindi ko ugaling manira ng tao. Hindi ako yun. Sobrang wala sa bokabularyo ko yung ganung bagay. Iniisip ko na lang siguro, mga tao 'yan sa paligid na gumagawa ng issues para lang magkaroon ng gulo," saad ng singer na regular na napapanood sa ASAP XV

Aminado si Rachelle na personal niyang kakilala ang mga magulang ni Kean, pero hindi pa raw niya personal na nami-meet si Arci kung kaya't malabo na siraan niya ito gaya ng ibinibintang sa kanya.

Nilinaw rin ni Rachelle na hindi nanliligaw sa kanya ang lead vocalist ng Calla Lily.

"Barkada ko siya, parang si Jed [Madela] din. Magkakasama kami sa isang grupo. Lumalabas kami, pero ganun lang. Nakakapunta siya sa bahay pag may mga special occasions, pero hindi talaga siya nanliligaw."

JED MADELA. Speaking of Jed Madela, nanligaw rin ito noon kay Rachelle, pero huminto ito nang maging sina Rachelle at Christian Bautista. Ngayon ay madalas na nakikitang lumalabas sina Rachelle at Jed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Very open naman si Jed sa pagsasabing special para sa kanya si Rachelle. May ilan ang nagsasabi na baka ngayon daw ay mauwi na sa isang totohanang relasyon ang pagiging malapit nila sa isa't isa. Ano ang masasabi rito ni Rachelle?

"Special din naman sa akin si Jed," sagot niya. "Best friend ang tingin ko sa kanya. Kumbaga, isa siya sa taong pinakamalapit talaga sa akin, talagang pinagkakatiwalaan ko, na pag kailangan ko ng kausap, lagi siyang nandiyan at sobra kong naa-appreciate yun.

"Kung manliligaw siya, ewan ko... Feeling ko, hindi naman kasi iba na yung level ng friendship namin, naging sobrang solid, intact. Magkaibigan lang talaga kami, masaya kami na ganun kami. Masyado kaming open sa isa't isa. Masasabi namin talaga ang lahat-lahat sa bawat isa."

Rachelle also expressed her admiration to Jed, lalo't ang album nitong Rediscovered 2, OPM Playlist ay No. 1 sa music chart nung 2009.

"Well, siya naman ang World Champion, ano ang pantapat namin dun? Pero sobrang proud ako sa kanya, sobrang happy ako at alam niya yun. Pag kasama ako sa concert niya, pag nasa likod ako, ang sabi ko talaga, 'Ang galing!' Sigaw lang ako nang sigaw. Wala, e, sobrang fan niya ako. Sabi ko nga, pag ngayon nagkaroon siya ng bagong fan group, ako ang presidente!" natatawang sabi ni Rachelle.

Sa tanong namin kung handa na ba siya sa bagong pakikipagrelasyon, hindi ang isinagot ni Rachelle.

Paliwanag niya, "Actually may mga nanligaw, pero sinabihan ko agad na huwag, mahirap magpaasa. Sabi ko hanggang kaibigan lang. Hindi pa talaga ako ready. After mo kasing magmahal at masaktan, siyempre mayroong nawala sa iyo, di ba? Kumbaga, hindi ka buo. Mas nag-e-enjoy muna ako na walang iniintindi. Kumbaga, kaibigan, pamilya, trabaho lang muna ang focus ko at mas masaya ako ngayon."

GAB VALENCIANO. Ang huling nakarelasyon ni Rachelle ay ang anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan na si Gab Valenciano. Naayos na ba ang hindi nila magandang paghihiwalay ng ex-boyfriend niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag nagkikita kami sa ASAP, nagbabatian lang, ganun lang," sabi niya. "Siyempre mahirap, hindi naman ganun kabilis yun. Ngayon, medyo ilang pa. But in God's time, maaayos din ang lahat."

This February would be a busy month for Rachelle dahil guest siya sa iba't ibang shows ng ibang singers. Sa February 12 ay guest siya ni Arnel Pineda sa Lahug, Cebu, sa February 13 in Dagupan ay guest siya ni Jed Madela, at sa Feb. 20 ay nasa Bacolod naman siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN