ABS-CBN launches Andi Eigenmann into full stardom via Agua Bendita

"Naisip ko na walang dahilan para ma-pressure dahil naniniwala ang mommy at daddy ko na kaya ko, mayroon din naman ako sariling ipapakita. Ako na lang ang panoorin nila. Humanap na lang sila sa akin kung ano ang maibibigay ko. So, hindi naman ako dapat i-compare sa kanila," says Andi Eigenmann about being the daughter of award-winning actors Jaclyn Jose and Mark Gil.


Marami ang nagulat na pagkatapos ng pansamantalang pamamahinga sa telebisyon, ilu-launch na pala ang young actress na si Andi Eigenmann sa ABS-CBN primetime series na Agua Bendita. Ang naturang fantaserye ang papalit sa timeslot na iiwan ng May Bukas Pa, na magwawakas na bukas, February 5. Sa February 8 naman ang simula ng Agua Bendita.

Si Andi ay anak ng mga premyadong artista na sina Jaclyn Jose at Mark Gil. Aminado ang young actress na hindi nawawala ang pressure sa kanya ng pagkakaroon ng mga magulang na mahuhusay sa pag-arte, pero isa itong bagay na itinuturing niyang challenge para higit na patunayan na may sarili siyang kakayahan.

"Yun ang pinaghandaan ko. Yun ang alam ko, for sure kahit saan man ako maglakad o kahit isang tao man, may magtatanong at magtatanong sa akin. Sa una, siyempre nakakakaba, yung pressure na sa tingin ko papalpak ako dahil hindi ko kayang abutin kung anuman ang ine-expect nila from me. Pero ngayon, wala na.

"Naisip ko na walang dahilan para ma-pressure dahil naniniwala ang mommy at daddy ko na kaya ko, mayroon din naman ako sariling ipapakita. Ako na lang ang panoorin nila. Humanap na lang sila sa akin kung ano ang maibibigay ko. So, hindi naman ako dapat i-compare sa kanila," pahayag ni Andi sa presscon ng Agua Bendita.

JACLYN JOSE'S DAUGHTER. Anu-ano ba ang mga payo ng ibinigay sa kanya ng kanyang ina na si Jaclyn Jose ngayong ilu-launch na siya bilang isang lead star?

"Binibigyan niya ako ng tips like yung pagiging professional, kung paano mag-memorize ng lines, kung paano i-deliver, kung saan paghuhugutan, kung paano iipunin yung emosyon...yung mga ganun. Pero hindi masyado yung tutok na tutok kasi hinahanap ng mommy ko sa akin yung rawness. Sa tingin ng mommy ko, gusto niyang makita kung paano ako. Kung kaya ko, kaya ko. Kung hindi, wala talaga. Naniniwala siyang inborn ang talent ng isang tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo bang istrikto sa kanya ang kanyang ina?

"Actually, hindi naman talaga siya strict," sabi ni Andi. "Ang ginagawa niya, tunuturuan niya ako para magbigay ng disiplina sa sarili ko in such a way na maalagaan ko mabuti ang aking sarili para sa paghahanda dito.

"Hindi siya yung mahilig ng kahit na ano na walang rason...let's say bawal walang ginagawa o bawal maging masaya, walang ganun. Yung mommy ko, yung strictness niya, dumarating lang pag sa tingin niya kailangan na niyang pumasok sa eksena, tulungan ako o bigyan ako ng advice, o mas nagla-lack ako on something."

Ayon kay Andi, isang bagay lang naman ang hiningi ng kanyang ina sa kanya—tapusin niya kahit ang high school lang bago siya pumasok at mag-focus talaga sa showbiz.

"Ang mommy ko, kasi sa kahit na anong gusto ko, basta alam niya na ito talaga ang isinisigaw ng puso ko, susuportahan niya talaga ako. Ang hiniling niya lang sa akin, tapusin ko ang studies ko kahit at least yung high school lang. Ang ginawa ko, nag-aral akong mabuti, tinapos ko ang high school ko. Hinayaan naman niya, nag-compromise kami at tutulungan niya ako sa pag-abot ng dreams ko."

AGUA BENDITIA. Ang Agua Bendita ay isang komiks nobela at unang isinalin sa TV noong 2006 bilang episode ng Komiks Presents, kung saan si Shaina Magdayao ang gumanap sa title role. Pero tiniyak ni Andi na ibang atake ang ginagawa niya para sa role niya bilang Agua at Bendita dito sa primetime series nila.

"Mas mahaba itong sa amin," sabi ni Andi. "And I did not even watch her [Shaina] Agua Bendita para hindi ko makopya kung paano niya inatake ang role niya. Ako, nung nabasa ko ang script at nalaman ko ang kuwento, nag-isip ako kung paano ang gagawin kong approach at masasabi kung sino sa dalawa sina Agua at Bendita. Nag-workshop kami under Direk Laurice Guillen, natulungan ako ng malaki dun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Nagpapayat ako at sinusubukan ko ang lahat para lalo pa akong pumayat. Now, I lost 30 lbs. already at kailangan pa akong magbawas ng kaunti."

Marami ang nagsasabi na sa totoong buhay ay kumbinasyon daw talaga ng isang Agua Bendita si Andi—isang mabuti at isang masama. Hindi naman ito itinanggi ng dalaga.

"Siguro a mix of both. Hindi naman ako magpapanggap na anghel o ano pa man. Lahat naman ng tao, minsan nagiging masungit. Pero sana makita nila ang side ko na Agua kesa Bendita."

Kapareha ni Andi rito sa Agua Bendita sina Jason Abalos at Matteo Guidicelli. Between her two leading man, mas close daw si Andi kay Jason.

"Masaya ako na sila ang napili na maging leading man ko kasi hindi naman maitatago kung gaano sila kagandang mga nilalang. At ipinagpapasalamat ko na sila kasi inaalagaan nila ako, hindi nila ako pinababayaan, at tinutulungan nila ako. Hindi nila ako binibigyan ng awkwardness kasi they make it a point na maging kumportbale ako sa kanila.

"I must admit mas close ako kay Jason kasi matagal-tagal ko na siyang kakilala. Kami ni Matteo, we're in progress dahil nagkatrabaho kami. Si Jason, kahit hindi pa kami nagkakasama dito sa Agua, kakilala ko na siya kasi nakatrabaho na siya ni Mommy, nakikita ko na siya kaya mas close ko si Jason."

SHOWBIZ CRUSHES. Dalawa ang dream leading men at crush ni Andi sa showbiz. Ito ay sina Jericho Rosales at Jake Cuenca.

"Si Jake Cuenca kasi sobrang guwapo niya," sambit ni Andi. "Gusto ko siyang maging leading man. Dream leading man ko siya kasi mahusay siyang aktor na kahit na ano ang i-portray niyang role, kayang-kaya niya.

"Si Jericho naman, Pangako Sa 'Yo days pa lang, pinapanood ko na siya. Just like Jake, magaling talaga siya. Kahit na anong character ang i-portray niya, magaling niyang nabibigyan ng justice. Hindi rin maitatago na ang guguwapo nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Jake actually, na-meet ko na isang beses. Nagulat nga ako nung first time ko siyang nakita, na-star-struck ako, parang hindi ako artista. Ipinakilala siya sa akin, nag-hi siya, at sobrang natuwa ako nun.

"Si Jericho naman, parang ayaw akong ipa-meet ng tadhana sa kanya!" tawa ni Andi. "Kapitbahay namin sila, pero hindi ko pa siya nakikilala. Kilala siya ng nanay ko, pero kahit kailan, hindi ko pa siya nami-meet nang personal."

MYX VJ SEARCH. Last year ay sumali si Andi sa VJ search ng music channel na MYX, pero natalo siya. Naging emosyunal si Andi nang hindi siya manalo at nakita pa nga siyang umiyak sa telebisyon.

Pero tila may ibang plano sa kanya ang Diyos. Hindi man siya pinalad na manalo ay nabigyan naman siya ng mas malaking oportunidad, at ito ay maging isang artista.

"Hindi naman sa na-disappoint ako," sabi ni Andi. "Ako naman, manalo o matalo, okey lang. Kasi sumali naman ako, hindi para manalo. Sumali ako para ma-experience ko ang hosting world. Kung napansin ninyo sa stage, okay na okay ako. Pero pagbaba ko ng stage, pagyakap ko sa staff, dun ako umiyak.

"Tinanong nga ako ng mommy ko, 'Bakit ka umiiyak? Akala ko ba okay lang?' Sabi ko kasi, sayang, sobra na yung time I spent with them, na close na ako sa kanila, tapos biglang mauudlot. Hindi pala matutuloy. 'Saka kahit okay lang na hindi ako nanalo, hindi ko maiwasang maisip na, 'Ano, palpak ba ako? Wala ba talaga akong talent kaya natalo ako?' Yun ang mga rason kung bakit ako naiyak.

"Naisip ko, meant siguro talaga na hindi ako manalo kasi pag nanalo ako, hindi ko makukuha ang Agua Bendita. Inaamin ko naman na pag pinipili ako kung VJ o pag-aartista, mas gusto ko ito [pag-aartista]," pagtatapos ni Andi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN