John Lloyd Cruz discovers a more mature Bea Alonzo in their reunion movie

"Siyempre tayo, up close napagmasdan natin 'yan dahil ilang taon din kaming nagsama. Nagkahiwalay kami for a short while, tapos nagkasama kami ulit. I think it's safe to say na ang laki ng pinag-mature ni Bea as an actress," says John Lloyz Cruz about leading lady Bea Alonzo (not in photo).


Pagkalipas ng dalawang taon ay muling mapapanood sa big screen ang tambalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa post-Valentine movie na Miss You Like Crazy. Ito ang ika-anim na pelikula nina John Lloyd at Bea as a loveteam sa Star Cinema. Ang naunang lima ay My First Romance (2003), Now That I Have You (2004), Close To You (2006), All About Love (2006), at One More Chance (2007).

Ang One More Chance ang naging topgrossing film noong 2007, na dahilan para tanghalin sina John Lloyd at Bea bilang Box-Office King & Queen noong sumunod na taon.

Dito sa Miss You Like Crazy ay makakatrabaho nilang muli ang kanilang direktor sa One More Chance na si Cathy Garcia-Molina.

Nang sabihin namin kay John Llloyd na siguradong magiging box-office hit na naman ang bago nilang pelikula ni Bea, sinabi niyang isang bagay 'yon na ayaw niyang maging kampante na lang.

"Masarap i-claim yun. Masarap isipin. Talagang pinaghirapan lang namin. Sisiguraduhin naming mabigyan sila [audience] ng kakaiba, ng magandang istorya, pelikula... Pero yung resulta, siyempre sila pa rin ang may hawak," pahayag ng multi-awarded actor sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Miss You Like Crazy kagabi, February 3, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Dahil matagal-tagal na ring hindi nagkakasama sa pelikula sina John Lloyd at Bea, na-miss ba nila ang isa't isa? Ayon sa aktor, "Ewan ko, siguro bukod dun sa nanibago, nakaantabay ka sa bagong Bea."

Ano ang mga napansin niyang pagbabago kay Bea ngayon?

"A more mature Bea in terms of acting. Siyempre tayo, up close napagmasdan natin 'yan dahil ilang taon din kaming nagsama. Nagkahiwalay kami for a short while, tapos nagkasama kami ulit. I think it's safe to say na ang laki ng pinag-mature ni Bea as an actress," sagot ni John Lloyd.

When it comes to kissing scenes, tila ito na ang pinakatodo nilang ginawa kumpara sa previous movies nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman... saan niyo nakita? Meron ba?" natatawang tanggi ni John Lloyd noong una.

Pero dagdag niya, "Well, kasama rin naman yun sa intensiyon na makapagbigay ng something greater, something more sa audience namin."

Ano ba ang difference ng movie nila ngayon sa ibang mga pelikulang ginawa nila?

"Well, this has to be the most mature love-story movie na ginawa namin," sagot ng 26-year-old actor.

OTHER PROJECTS. Samantala, hindi pa masagot ni John Lloyd kung pagkatapos ng Miss You Like Crazy—na ipalalabas na sa February 24—ay sa isang teleserye naman sila muling mapapanood ni Bea, lalo pa't may balitang sa next TV project ng aktor ay si Angel Locsin ang leading lady niya.

Paliwanag niya, "Kasi as of now, si Angel is still doing Kokey. Sa ngayon, hindi pa kami naka-focus. Ako, lahat ng energy ko, dito [Miss You Like Crazy] ko muna ibinibigay. Pero after ng movie, pagkatapos maipalabas at makapunta kami sa ibang bansa, dun ko muna iisipin."

What happened sa supposedly ay pagsasamahan nilang pelikula ulit ni Sarah Geronimo?

"Yung kay Sarah, if not last quarter ng 2010, baka first quarter ng 2011," banggit ni John Lloyd.

PERSONAL ISSUES. Tungkol naman sa mas personal na aspeto ng buhay ni John Lloyd, kumusta na ang usaping puso niya?

"Puso? Okey naman!" natatawa niyang sabi.

Ano ang plano niya sa Valentine's Day?

"Sa Valentine's Day, magkasama kami ni Bea. Nasa Malaysia kami dahil may ilang percent pa ng movie na isu-shoot namin dun," sagot niya.

Nang itatanong na sana namin ang tungkol pagkaka-link ngayon niya kay Shaina Magdayao, tamang-tama naman na tinawag na si John Lloyd para sa live interview sa kanya ng TV Patrol World kagabi

Naputol lang kami sa huling pahayag ni John Lloyd na hindi raw siya napipikon sa mga intriga ngayon sa kanya, pero meron lang daw siyang hindi nagugustuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN