DJ Myke will not leave Akafellas despite releasing his solo album

"As long as I can still haggle my sked, okay ako, hindi ako aalis sa grupo. I wanted to do this kasi pagtanda ko hindi ko na magagawa ito. I think it's time for me to do something na, I don't know, hopefully remarkable sa OPM," says DJ Myke about having his own album.


May solo album na si DJ Myke, ang beatboxer ng all-male group na Akafellas at miyembro rin ng Sabado Boys. Pero hindi naman daw ito nangangahulugan na iiwan na niya ang kanyang mga grupo.

"Kasi puwede namang ayusin ang sked, e," sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during his album launch sa Moomba Bar sa Quezon City kahapon, February 3.

Dagdag niya, "Kumbaga, as long as I can still haggle my sked, okay ako, hindi ako aalis sa grupo. I wanted to do this kasi pagtanda ko hindi ko na magagawa ito. I think it's time for me to do something na, I don't know, hopefully remarkable sa OPM."

Hindi naman daw nagtampo o sumama ang loob ng mga kagrupo niya kahit may solo album na siya.

"Hindi naman. Kasi lahat sila nasa office, e. Kumbaga, ako lang ang hindi nag-o-office," sabi ni DJ Myke.

Ang show naman nilang Sabado Boys sa TV5 ay nasa second season na. Kasama niya rito sina Paolo Santos, Luke Mejares, Top Suzara, Mike Chan, at Jimmy Bondoc.

MOSSIMO BIKINI SUMMIT. Isang achievement naman para kay DJ Myke ang pagsali niya sa Mossimo Bikini Summit noong 2004.

Bakit siya sumali, to think na may pangalan na siya noon?

"Why not?" balik-tanong niya. "Kasi I can describe myself as an artist of life. Kumbaga, very broad yung mind ko sa lahat. Kumbaga, every field na pasukin ko, I consider as part of life. Kumbaga, pumasok ako sa music, pumasok ako sa photography, lahat 'yan, ima-master ko yung craft.

"Sumali ako sa Mossimo, something experimental for me. May kakilala ako sa Mossimo. Sabi ko, sali nga ako diyan. Nakasali ako, and luckily I was able to achieve my goals to compete with other models."

Naging first runner-up si DJ Myke kay Marco Grazzinni sa bikini contest na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pumasok ako sa Mossimo, hindi puwedeng second best lang. Although, first runner up lang ako!" natatawang sabi niya ng 26-year-old singer-beatboxer.

Kahit rumampa at nagpa-pictorial nang naka-skimpy trunks, wala naman daw nanligaw sa kanya na gays.

"Wala naman, mga nag-download lang [ng photos sa Internet]!" tawa niya.

ROAD ACCIDENT. Noong October 2008 ay nasangkot si DJ Myke sa isang vehicular accident. Galing noon ang Akafellas sa isang gig sa Nueva Ecija at nakabanggaan ng van na sinasakyan nila ang isang truck ng gulay. Anim na katao silang sakay ng van. Luckily, walang nasawi sa aksidente.

"Pero yung isang kasama ko na nagbi-beatbox sa amin, sampu ang bali sa tibia [buto sa binti] niya," banggit niya.

Sa harap daw nakaupo si Myke nang naganap ang aksidente.

"Yung i-Pod ko, cell phone ko, lumipad!"

Nabali araw ang patella o knee cap niya at halos dalawang buwan siyang hindi nakalakad.

"Nangalahati ang patella ko. Pero nagpapasalamat ako sa nakaimbento ng seat belt. Kailangan for a month naka-immobilize ako. After a month, physical therapy na. So, around mga two months hindi ako nakakalakad. One month lang talaga ako hindi puwedeng maglakad. Yung next month, doon na ako nag-start mag-PT [physical therapy], yun yung pinakamasakit."

Sinamantala raw niya ang pamamahinga after the accident.

"Nasa bahay lang ako, dun ako nag-record ng mga unang mga kanta ko. Then nung December, itinatakbo ko na sa gym para makalimutan ko yung nangyari."

EHRA MADRIGAL. Todo raw ang naging suporta ng girlfriend niyang si Ehra Madrigal sa kanya after the accident.

"Natutulog siya sa ospital, sinasamahan niya ako sa PT," sabi ni DJ Myke.

Speaking of Ehra, mahirap ba na ang girlfriend niya ay isang maganda at seksing babae?

"Hindi naman, tao din naman kasi yun, e, hindi naman iba yun, e. Kumbaga, nakilala kong tao yun, e."

Supportive daw sila sa isa't isa kaya nakatagal ng pitong taon ang kanilang relasyon na ni minsan ay hindi sila nag-break. Hindi rin daw sila seloso at selosa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I heard nga na meron siyang soap na maraming kissing scenes. Sinasabi naman niya sa akin, so okay lang. Parang ano lang naman... it's work, it's part of work. Kumbaga, hindi naman maiiwasan," saad ni DJ Myke.

Bakit hindi pa sila nagpapakasal?

"E, ano naman yun, e, it will come naturally. Kumbaga, I have lots of things to do and she has lots of things to accomplish pa," sabi niya.

FRANCIS M. Ang mga kanta sa album ni DJ Myke na may pamagat na Homework (under Ivory Music & Video) ay ang mga sumusunod: "Huling Araw" (carrier single), "Holdap," "Easy Ka Lang," "Alapaap" (ng Eraserheads), "Always Something There To Remind Me," "Tanging Bituin," "Pagbigyan," "If I Fell" (original ng The Beatles), "Umagang Kay Sama," "Ilang Ulit" (original ni Jimmy Bondoc), at "Kaleidoscope World" ng yumaong si Francis Magalona.

Isang CD na naglalaman ng version ni Myke ng "Kaleidoscope World" ang ibinigay niya kay Maxene Magalona during the wake of the late Master Rapper.

"It was a personal gift. It was out of the blue, ni-record ko," sabi ni DJ Myke.

Naapektuhan daw si DJ Myke sa pagkamatay ni Francis, na noong nabubuhay pa ay lagi siyang binabati at isinasama sa studio nito upang ipakita ang mga trabaho ng Master Rapper. Nasa iisang building lang kasi noon ang opisina ni Francis at ang condo unit ni DJ Myke.

"Hindi ako nakatrabaho nung nalaman ko na namatay siya. Isang araw akong hindi makatrabaho nun, naisip ko, 'Nakikita ko lang ito parati sa itaas ng building namin, a. 'Tsaka ito yung bumabati parati sa akin,'" banggit ni DJ Myke.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN