New bods, new blood for revived sexy male revue Masculados Dos

The Philippines' answer to the Chippendales gets revamped and founder Direk Maryo J. delos Reyes (inset) wants them to be even more sensual than the original Masculados. The members of Masculados Dos are: (back row, from left) Ozu Ong, Nico Cordova, Lexter Lazaro and Dart Kamboozia; (front row, from left) Enrico Mofar, Robin Robel and Orlando Sol.


Muling nagbabalik ang all-male sexy group na Masculados na binuo ng award-winning film director na si Maryo J. delos Reyes. Pero ang tawag na sa kanila ngayon ay Masculados Dos.

Binuo ulit ng Production 56 at ng Universal Records ang grupo dahil sa request ng maraming tagahanga noon ng original na Masculados. Para sa bagong grupong ito, natira ang tatlong original members na sina Enrico Mofar, Lexter Lazaro at Robin Robel, at may apat na bagong members na sina Dart Kamboozia, Ozu Ong, Nico Cordova at Orlando Sol.

"Marami na kasing naka-miss sa Masculados," sabi ni Maryo. "Hanggang ngayon ay nandiyan pa rin ang mga fans nila. Parati akong tinatanong kung kelan ulit sila babalik? I feel na 2010 is the right time to bring back the group but with new fresh faces and bodies naman.

"Kasi nga nagkawatak-watak ang grupo dahil sa iba't ibang intriga sa kanila. Yung iba, may iba nang gustong gawing iba, like going solo or branching out to different careers. For me, maganda iyon kasi they've discovered something else na puwede nilang gawin. Kaya masaya ako para sa mga nawala.

"So may tatlo pa namang naiwan and they still want to perform. E, di sige, let's give it another shot. This new group kasi, mas gusto ko ay mas sensual ang dating nila. I want them to seduce their audience parati. Gusto ko ulit mag-hit ang mga songs nila tulad ng naunang Masculados," kuwento pa ni Direk Maryo.

PINOY CHIPPENDALES. Nagkaroon ng ilang hit singles ang naunang Masculados, tulad ng "Sana Mama," "Nakaka," "Lagot Ka," "Ratratin," "Macho Papa" at "Jumbo Hotdog." Tinawag nga noon ang Masculados na Philippine version ng world-renowned na Chippendales at male version ng Sexbomb Girls.

Ang carrier single ng debut album ng bagong grupo ay ang "Ganda, Ganda! Sexy, Sexy!" na written ang composed by Ito Rapadas. Kasama rin sa album ang singles na "Baby, Angkas Na," "Hello Friendship," "Good Boy" at "Cellfone."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Direk Maryo mismo ang namili sa mga bagong members.

Si Dart Kamboozia ay finalist sa Body Shots at isang ramp and commercial model. Napasama ito sa Cosmo Bachelor Bash for two years. Nagkaroon na rin ito ng exposure via the afternoon drama series na Dapat Ka Bang Mahalin?

Isang political science graduate naman sa University of Caloocan si Nico Cordova. Gusto muna niyang makapag-ipon sa pagpasok niya sa showbiz bago niya ipagpatuloy ang kanyang law studies.

Pamangkin ng isang kilalang fight instructor sa pelikula at TV si Ozu Ong. Nagkaroon siya ng bit role sa Rosalinda kunsaan siya nakita ni Direk Maryo.

Dati namang lead singer ng boy band na M-Gage si Orlando Sol. Nakasama rin siya sa cast ng Rosalinda at ngayon ay bida siya sa indie film na Halik Sa Tubig. Siya rin ang napili ni Direk Maryo na mag-lead sa gagawin niyang pelikula na Macho Dancer 3: The Andy Chavez Story.

GUMAPANG KA SA LUSAK. Wala kapaguran si Direk Maryo dahil napagsasabay niya ang pag-manage sa Masculados Dos at ang kanyang pagiging director. Hawak niya ang bagong GMA Sinenovela na Gumapang Ka Sa Lusak kunsaan bida sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Pagbabalik-afternoon series ito ni Direk Maryo after doing the primetime series na Rosalinda.

"Mas konti ang pressure sa GMA Sinenovela, e," tawa ni Direk Maryo. "Unlike sa primetime na talagang matindi ang laban. Gamay ko naman na ang sinenovela because of the series I did which were Magdusa Ka with Dennis Trillo and Katrina Halili, Saan Darating Ang Umaga? with Yasmien Kurdi and Dion Ignacio, and the last being Dapat Ka Bang Mahalin? with Kris Bernal and Aljur Abrenica.

"Lahat ng mga nagawa kong mga afternoon series rated very well, lalo na ang kina Kris and Aljur that reached 32 percent [sa ratings]. So we are praying for another record breaking rating for Gumapang Ka Sa Lusak."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa movies naman ay malapit na ring simulan ni Direk Maryo ang pelikulang pagsasamahan nina Gabby Concepcion at KC Concepcion with Jericho Rosales titled I'll Be There For You.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN