Maricel Soriano returns from hibernation after her mother's death

"Yung part ng unang tanong, 'Happy ka ba?' Happy ako. Very happy... Something to that effect nga. What is important is happiness. If the person really makes you happy, regardless of kung anuman 'yan... Parang na-miss ko naman ang such a feeling na ito, ha!" says Maricel Soriano about her lovelife.


Dinamdam nang husto ng Diamond Star na si Maricel Soriano ang pagkamatay ng kanyang ina na si Mrs. Linda Martinez noong nakaraang taon. Ito ang dahilan ng hindi niya pagpapakita sa publiko sa matagal na panahon.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Maricel sa taping ng bagong talent show ng GMA-7 at TAPE Inc. na Diz Iz It noong Huwebes, February 4, sa Cinema 3 ng SM Megamall. Si Maricel ang isa sa celebrity judges ng naturang talent show na ihu-host nina Bayani Agbayani, Ehra Madrigal, Grace Lee, at Sam YG (aka Shivaker). (CLICK HERE to read related story.)

MOMMY DEAREST. Bakas ang lungkot sa mga mata ni Maricel nang mapag-usapan ang pumanaw na ina dahil hindi pa rin madali para sa kanyang tanggapin ang katotohanang wala na ang kanyang nanay.

"Nakatanga... nakatulala," sambit niya. "Oo, naka-stare lang talaga ako. Merong isang buong araw na hindi ako nagsasalita. Tapos lahat ng naririnig ko, parang may kinalaman sa nangyari. Very close kasi ako sa mommy ko kaya nga tawag namin sa kanya 'Wonder Woman,' di ba? Ito yung makaka-relate ka sa mga nawawalan. Siyempre, we would always say, we understand, but do we feel na... it's different. Parang ganoon.

"Having said that, ang feeling ko, hindi mo basta sasabihin yung ano... Ang hirap ilabas yung nakikiramay ka nga. Basta ganoon lang. Ang hirap... 'Saka alam mo, parang ano, nandoon ka, pero wala ka doon. Masyadong ano... tulala. Yung, 'Ha, ano 'yon? Bakit?'

"Marami kang kuwestiyon, 'Bakit ganito?' Pero yung realidad na kung meron tayong faith... siyempre nagdarasal tayo, mahirap nga... Ang sabi nila, sa gitna ng pagsubok, ang hirap-hirap sa pagsabi ng thank you sa nangyayari. Ang hirap talaga nun. Dinaanan ko 'yon, e. Parang may question mark na paano ko ba sasabihin, pero sige na, thank you kung anuman ito. Ang hirap. Parang nag-hibernate talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo," patuloy ni Maricel, "what's nice, noong time na 'yon, yung mga anak ko [Marron and Sebastien], kasama ko palagi, as in nagkaroon kami ng bonding talaga. Ang haba nga, ang tagal kong nawala, di ba? I have to talk to my sons, parang I was there also, magkakaramay kami. Hindi yung nawala, tapos mawawala ka rin, hindi. Ang ganda. Every day pumapasok sa eskuwelahan, di ba? Siyempre, every day you have to give them the assurance na everything will be okay. Kumbaga, parang magko-comedy-comedy ka pa. Nakakatawa na nga kami. Dati, hindi kami tumatawa."

PROJECT WITH TV5. Kinumpirma naman ni Maricel ang balita na magkakaroon siya ng programa sa TV5, isang drama anthology na tatagal lamang ng isang buwan. Non-exclusive contract ang pinirmahan ng Diamond Star sa TV5.

Nilinaw ni Maricel sa PEP na hindi siya umalis o hinabol ng ABS-CBN dahil maayos daw ang kanilang pag-uusap.

"Alam mo, hindi naman umalis, parang we'll always be a Kapamilya. Nandito lang sa paligid, pero dumarating tayo sa punto na meron tayong changes na dadaanan sa life natin, kagaya ng nawalan ako ng nanay. Kasi biglaan 'yon talaga kaya ang hirap. Hindi ako nakakasalita. Nami-miss ko kasi nakakagulat... sobra," paliwanag niya.

Ikinagulat ni Maricel ang balita na lilipat din sa TV5 ang Comedy King na si Dolphy, ang kanyang tatay-tatayan sa showbiz.

Sinabi rin niya na welcome sa kanya ang gumawa ng pelikula na ipo-produce ng TV5, na nasa pamumuno na ngayon ni Manny V. Pangilinan.

MARYA IS IN LOVE. Naging masaya naman ang seryosong pakikipag-usap ng PEP kay Maricel nang mapunta ang topic sa kanyang lovelife.

Pinilit ni Maricel na iwasan ang mga tanong. Hindi niya inamin ang kumakalat na balita na isang tennis instructor ang kanyang kasalukuyang inspirasyon, pero masaya raw siya sa kanyang lovelife.

"Happy ako, something to that effect," nakangiti niyang sabi. "Basta ang importante... Yung part ng unang tanong, 'Happy ka ba?' Happy ako. Very happy... Something to that effect nga. What is important is happiness. If the person really makes you happy, regardless of kung anuman 'yan... Parang na-miss ko naman ang such a feeling na ito, ha!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumanggi si Maricel na sabihin ang edad ng lalake na nagpapasaya sa kanya dahil magiging giveaway raw ang clue. Nangako siya na ipakikilala sa press ang lalake sa tamang panahon—ang lalaking hindi na-intimidate sa kanyang pagkatao at propesyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN