Acoustic band MYMP looks forward to doing live gigs again with new vocalist

"Ang promise lang namin, as always, we'll do our best to make quality music lang. Yun lang naman ang mapa-promise namin at mag-perform ng mas better pa," said founder-guitarist Chin Alcantara (second from right), who introduced new vocalist Juliet Bahala (middle) to the press last February 3.


"There's a reason why we are together now, and we don't care if it's not forever now..."

Ito ang introduction sa press release na ibinigay ng MYMP (Make Your Momma Proud) sa press launch na ginanap sa Centerstage, Timog, noong Miyerkules, February 3. It's also a line from an original MYMP song.

True to the line of the song, hindi na nga buo ang original na MYMP band dahil sa pagkawala ng lead vocalist nito na si Juris Fernandez. But isang hopeful na Chin Alcantara ang humarap sa entertainment press dahil sa bagong tunog at bagong vocalist na ipinakilala rin ng gabing iyon—si Juliet Bahala from Davao City, ang title holder ng Star of Davao Year 4.

"Pagkarinig ko pa lang dun sa demo tape na ipinadala niya, nagustuhan ko na yung boses niya. Ang gusto ko kasi, yung magaling. Dapat mas magaling sa unang nagbigay," ang sabi ng founder-guitarist na si Chin Alcantara.

NEW VOICE, NEW SOUNDS. Mababago ang sound ng MYMP nang kaunti.

"Obligado kami na gawin yung old MYMP songs, kasi hahanapin naman sa amin yun. Pero si Juliet kasi, medyo iba yung boses niya, Beyonce, Alicia Keys ang range niya. So, nae-excite naman ako na makakagawa kami bukod sa acoustics namin.

Alam ni Chin ang challenges na dulot ng pagkakaroon ng bagong vocalist. "Mahirap yun, mahirap yun... ang boses ng MYMP na nakilala si Juris, e. So, mahirap din.

"Pero priority na lang siguro namin na galingan dahil wala na kaming magagawa dun. Galingan na lang para magustuhan din kami, magustuhan din siya."

Mga sampung singers ang pinagpilian nila para maging vocalist. Pero di naman daw conscious yung effort na maghanap ng mas magaling kay Juris.

"Basta lang sa amin magaling kumanta at makakanta yung mga kanta namin. Basta sa amin, yun ang importante. Mahirap din kasi na maghanap ng katulad ng boses ni Juris kasi, kanya na talaga yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALL'S RIGHT WITH JURIS. Pero, professionally, ok pa rin ang banda at si Juris, at tinupad nila ang commitments nila sa US tour last November.

"Nag-uusap-usap pa rin. Siyempre, kailangan naming mag-perform together. Medyo mababaw na usapan na nga lang... Pero siyempre, kasama ko naman siya sa eroplano, magkatabi kami, alangan namang hindi kami mag-usap," nakangiting sabi ni Chin.

Pero may nabago na siyempre sa dati nilang samahan.

"Hindi naman kami magkakahiwalay kung hindi nagkasamaan ng loob. Pero, okay naman kami. Nagkasama nga kami sa States."

Napag-usapan naman nila ang mga naging problema nila, kaya lang, "wala siyang specific. Ano lang, accumulation lang... Lahat naman ng mga banda may mga differences na nag-accumulate lang siguro. Kasama ko si Juris since 2001, so, yun..."

Naisip niya minsang palitan na lang ang pangalan ng banda, "pero wala akong choice. Alangan namang mag-solo ako. At least, kung MYMP, mas madaling makikilala. May kukuha pa rin kahit bago ang vocalist. At saka, kapag sinabing MYMP, maaalala mo pa rin yung mga songs like 'Tell Me Where It Hurts'... so, i-keep na lang ang name."

AN EVEN BETTER MYMP. Aside from Juliet, the other members of the band are Hannche Mikoyan Bobis on keyboard, Jefferson Lima (former drummer of Kenyo), and Bern Hardt Cuevas on bass.

Ang goal ng bagong MYMP ay makabalik sa live gigs. "Kasi, natigil kami ng almost two months, e."

Kabado ba siya?

"Siyempre," mabilis niyang pag-amin. "To be honest, oo, kabado. Pero confident naman kami. Ang importante magaling ang singer. Bahala na kung tanggapin kami or hindi.

"Ang promise lang namin, as always, we'll do our best to make quality music lang. Yun lang naman ang mapa-promise namin at mag-perform ng mas better pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN