Joross Gamboa wants to work with every actress in the Kapuso stable

"Alam kong may matututunan ako sa iba't ibang actresses na gusto kong makapareha," says the actor who says he has a very understanding girlfriend.


Bago pa lumipat si Joross Gamboa sa GMA-7, na-link siya noon sa kapwa Kapuso na si Katrina Halili. Napabalitang nagkaroon diumano ng short-lived affair o fling ang dalawa.

Pero hanggang ngayon ay di pa nagkukrus ang landas nila.

Gusto raw ni Joross na mabigyan ng pagkakataon na makapareha o makasama sa trabaho si Katrina, pahayag ng binata nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng SRO Cinemaserye Presents Meet The Fathers noong Biyernes, February 5.

"Tulad ng lagi kong sinasabi, gusto kong makapareha lahat, sina Marian [Rivera], sina Heart Evangelista. Si Heart, friend ko.

"Gusto ko lang makapareha lahat ng talents ng GMA kasi alam kong may matututunan ako sa iba't ibang actresses na gusto kong makapareha."

OPEN-MINDED GIRLFRIEND. May chance kayang manumbalik ang anumang nakaraan nila ni Katrina?

"Meron akong girlfriend ngayon," simpleng sagot ni Joross sa PEP.

Siya si Katza Saga, isang modelo, at more than a year na sila.

"Going strong kami ngayon. Hindi naman selosa yung GF ko. Open-minded naman siya, naiintindihan naman niya yung trabaho ko... Ganito yung trabaho ko, hindi maiiwasan na ma-link."

Kaya kahit magsama sina Joross at Katrina sa isang project, hindi raw ito pagmumulan ng away nila ng girlfriend.

A FRIEND IN MARK HERRAS. Runner-up sa Star Circle Quest si Joross. StarStruck winner naman si Mark Herras. Pero nakahanap ng kaibigan sa isa't isa ang dalawang alumni ng magkaribal na artista search.

"Si Mark kasi before kilala ko na siya, during Starstruck at SCQ pa, sa mga computer shop, Counter-strike, mga DotA [mga computer games]. Dun kami madalas nagkikita hanggang naging magkaibigan kami."

Kaya nga sa unang appearance ni Joross sa SOP kung saan may dance number siya, si Mark ang tinawagan niya.

"Nung first rehearsal namin, si Mark ang tinatawagan ko. Sabi ko, 'Punta ka na dito, wala akong kakilala dito!'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagtutuloy pa ni Joross, "Mabait si Mark, pati na rin yung mga ibang naka-close na rin dito sa GMA, kaya naging madali naman sa akin ang pag-a-adjust."

Bukod kay Joross (na gumaganap bilang Brent), ang bumubuo ng cast ng Meet The Fathers, na mapapanood na sa Huwebes, February 11, ay sina Mr. Christopher de Leon (bilang Larry), Ynna Asistio (Cheska), Angel Jacob (Christy), Dexter Doria (Mamu), Jacob Rica (Lyle) at Bayani Agbayani bilang Rigor.

Ito ay sa direksyon ni Andoy Ranay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN