Acting tyro Frencheska Farr plays the lead in one of the biggest films for 2010

In the musical Emir, Frenchesca Farr —winner in Are You The Next Big Star? last year—plays the role of Amelia, an OFW who serves as the nanny of the crown prince of Morocco. Directed by award-winning filmmaker Chito Roño, her debut film is expected to be one of the biggest movies this year. Photos show location shots in Morocco. Bottom left shows Frencheska with Sid Lucero, and at right with the Moroccan child ac


Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Frencheska Farr sa big break na dumating sa kanya nang mapili siyang gumanap sa lead role ng Emir, isang original full-length musical sa direksiyon ni Chito Roño.

"Pag pinag-isipan po, talagang nakakatuwa po kasi po bihira yung mabigyan ng ganito kalaking break lalo na po bago lang ako," bulalas ng GMA Artist Center talent.

Last year ay idineklara siyang female winner ng Are You the Next Big Star? (kung saan si Geoff Taylor naman ang male winner). Ngayon bumibida na siya sa pelikula.

"Nagugulat nga po ako e," sabi ng namamanghang Frencheska sa pocket presscon na ipinatawag para sa kanya ng GMA Artist Center kamakailan. "Minsan po hindi pa rin namin ma-absorb ng pamilya ko kasi sobrang bilis po ng mga pangyayari."

Sa Emir, ginagampanan ni Frencheska ang role ni Amelia, isang overseas Filipino worker na nagtatrabaho bilang yaya sa isang royal family sa Morocco. Ang kanyang alaga ay ang crown prince. Ipakikita rito ang matinding koneksyon at pagmamahal niya sa kanyang alaga kung saan handa siyang gawin ang lahat maprotektahan lamang ito.

THE AUDITION. Sa auditions para sa musical na ginawa noong 2009, ang una niyang kinanta ay ang theme song ng Emir, "Bakit Ako Naririto?"

"After ko pong kumanta, sabi po ni Direk Chito, 'Meron ka bang alam na Broadway song?' Sabi ko po, 'All I Ask Of You' po ni Barbra Streisand.' Kinanta ko rin po. After po noon, wala na, pinauwi na niya ako."

Hindi niya ine-expect na mapipili siya para sa lead.

"Akala ko nga wala na, e. Tapos tinawagan ako para sa makeup test. Hindi pa rin po nila sinasabi na ako yung napili na bida. Nung sinabi nila sa akin akala ko dyino-joke ako. Na-realize ko na lang na totoo nung tawagan na ako for shooting."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa raw sa mga nag-audition para sa role ay ang sikat na singer na si Karylle. Ano ang feeling niya na siya na isang baguhan ang napili?

"Parang biglaan po lahat. Kasi kakapanalo ko pa lang po sa Are You The Next Big Star?, tapos biglang ganito na po. Gusto ko lang naman pong i-try, e. Nagho-hope lang po ako na baka may makita sila sa akin. Hindi ko po talaga akalain na ibibigay nila sa akin yung role. Akala ko nga po musical play lang siya. Yun pala movie. Nalaman ko lang pagkatapos ng audition."

Aware ba siya na kay KC Concepcion dapat ang role?

"Opo, actually sinabi po nila sa akin. Nung nalaman ko po yun akala ko po dyino-joke po nila ako or tinatakot lang nila ako... Ang alam ko po dahil sa schedule niya [KC], nagkaroon po ng conflict kaya kinailangan po nilang magpa-audition po ulit."

Okay lang sa kanya na second choice siya.

"I feel honored po na from Ms. KC ay sa akin napunta yung role. Proud na proud po ako na ako ang napili ni Direk Chito. Sobra po akong nagpapasalamat."

CHALLENGING ROLE. Hindi lang dahil first movie role ni Frenscheska ito kaya na-challenge siya. Seventeen pa lang siya, pero ang role na ginagampanan niya ay 24 years old, kaya kinailangang patandain ang hitsura niya.

Pero ang mas malaking hamon ng role ay ang patuloy na pagtanda niya sa pelikula dahil ipakikita rin ang paglaki ng alaga niyang prinsipe hanggang sa umabot ito sa edad na 19.

"Nag-start po ako sa 24 ako, nag-end ako sa 43 ako. Pinakita po yung 24, 31, 36 at saka 43. Hanggang sa pagtanda po, ako pa rin po yung gaganap. Actually, yun po ang isang bagay na nahirapan ako kasi kailangan ko pong obserbahan yung mga mas may edad po sa akin. Kung paano po sila umarte, ganyan. Kung paano sila maglakad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapag-shoot na raw siya na 43 years old siya.

"Nilagyan po ako ng prosthetics. Mahirap po yung prosthetics kasi parang may glue ka sa mukha. Plus pinalagyan ako ng bulak ni Direk Chito sa bibig para tumaba yung mukha ko. So, kumakanta ako na may bulak. Mahirap nga po. Pero nakatulong po yung bulak kasi parang feeling ko matanda na ako."

Halos ang kabuuan daw ng Emir ay pakanta. May 22 songs ito na puro Tagalog.

"Konti lang po yung speaking lines. Talagang lahat po sinulat po sa kanta. Pero hindi po siya yung sa normal na musical na kapag nakikipag-usap ka at tinatawag mo yung pangalan ng kausap mo na kumakanta ka. Hindi po siya ganun. Bale kung ano lang po yung nararamdaman mo talaga, yun lang po yung nilalagay sa kanta. So pag tinatawag ko po, halimbawa, yung nanay ko, normal lang po."

Gusto niya bang ituloy ang acting bukod sa pagiging singer?

"Opo, gusto ko po. Masaya po, e. Pero siyempre po kailangan po na ihanda ko pa yung sarili ko sa mga bigger roles po na ipapagawa sa akin. First time ko po kasi, e, kaya medyo nahihirapan pa ako sa acting."

DIREK CHITO ROÑO. How is it working with Direk Chito, na kilalang mahigpit na direktor?

"Medyo kinabahan po ako noong una pero nawala rin naman po noong pagtagal-tagal.

"Mabait po si Direk Chito. Kapag hindi po kami nagsu-shoot, halimbawa po namamasyal po kami, sobrang bait po niya. Pero po kapag nagsu-shoot na po kami, trabaho po talaga. Seryoso po talaga."

Nasigawan na daw siya ni Direk Chito.

"Opo. Well, lahat naman po kami nasisigawan. Pero nasasanay na rin po ako kasi siyempre kailangan talaga professional ka po pagdating kay Direk Chito."

Marami raw siyang natutunan kay Direk Chito.

"Una na po doon yung pag-aralan mo talaga yung script. Kasi siyempre gusto po ni Direk Chito pagdating mo sa set, kung ready siya, ready ka rin dapat...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dati pa naman po, simula sa Are You The Next Big Star?, talagang sineseryoso ko na po ang trabaho ko. Pero dito po mas natutunan ko po na mas magseryoso, na every time po na magpapakita ako kay Direk, alam na alam ko na ang gagawin ko para hindi po ako masigawan."

MOROCCAN EXPERIENCE. Marami sa mga eksena sa Emir ay kinunan sa Morocco. Tuwang-tuwa nga si Frencheska na nakapag-shoot pa siya sa abroad.

"Puro exteriors po yung kinunan namin sa Morocco. Nandun po kami from January 9 to 26."

Nakapamasyal din sila. "Kasi po yung mga locations po na pinag-shoot-an namin, yun na rin po yung mga tourist spots nila roon. So, after po ng shoot, pasyal na."

Nag-enjoy naman daw sila sa Morocco. Ang tanging hindi niya nagustuhan ay ang weather doon dahil naapektuhan ang boses niya.

"Kasi po pag gabi sobrang lamig po, halos nag-yeyelo na sa labas. Kaya naapektuhan din yung boses ko. Tapos pag umaga na hanggang tanghali, sobrang init naman. Mga 20 minutes ka pa lang sa labas pero parang nasusunog na yung balat mo."

Isasali ba sa international film festival ang Emir?

"Balak po talaga nina Direk na i-compete ito internationally."

Ang Emir ay produced by the Film Development Council of the Philippines, in association with the Cultural Center of the Philippines. Shot on location sa Ilocos Norte, Ifugao Province at Morocco, ginamitan ng state-of-the-art RED camera at enhanced ng Dolby 5.1 surround sound, tinatayang ang Emir ang isa sa pinakamalaking pelikula sa 2010.

Bukod kay Frencheska, kasama rin sa cast sina Dulce, Sid Lucero, Jhong Hilario, Kalila Aguilos, Beverly Salviejo, Julia Clarete, Bayang Barrios, Bodjie Pascua, Liesl Batucan, Melanie Dujunco, Gigi Escalante, Ali Rasheki at Valerie Bariou.

Ang target playdate ng Emir ay April 21, 2010.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN