Mariel Rodriguez ditches Leni Robredo amid anti-Duterte ad

May 6, 2016
<p>Mariel Padilla (left) has decided not to support vice-presidential candidate Leni Robredo even if she believes the female politician is a good person. Mariel blames Leni's political party for her change of heart.</p>

Dahil sa diumano’y black propaganda laban kay presidential candidate and Davao City Mayor Rodrigo Duterte, nagbago na ng isip ang TV host-actress na si Mariel Rodriguez sa susuportahan niyang vice president ngayong May 9 elections.

Sa kanyang Instagram account ngayong Biyernes, May 6, ipinost ni Mariel na babae dapat ang kanyang iboboto para sa vice president.

Pero dahil sa umano’y lumabas na mga black propaganda laban kay Duterte, nagdesisyon si Mariel na ibang candidate para sa pagka-bise presidente na ang kanyang susuportahan.

Si Leni Robredo ang nag-iisang female vice-presidential candidate.

Hindi naman pinangalanan ng misis ni Robin Padilla kung sino na ang iboboto niyang vice president.

Pero sinisisi ni Mariel ang partidong kinabibilangan ni Leni, ang Liberal Party, sa pagbabago ng kanyang desisyon.

“It’s not her… it’s her party.”

Sa comments section ng post ni Mariel, isang netizen ang pumuna sa It’s Showtime host at sinabing hindi talaga nito sinusuportahan si Leni dahil hindi niya dapat hinayaang mabago ang kanyang desisyon dahil lamang sa kinabibilangang partido ng vice-presidential candidate.

Continue reading below ↓

Sagot naman ni Mariel, ang kanyang loyalty ay na kay Duterte.

Continue reading below ↓

Maingay ngayon ang isyu hinggil sa diumano’y 'black propaganda' commercials laban kay Duterte, o tinatawag ding anti-Duterte campaign ads, na umere sa ABS-CBN at ibang bersiyon nito na umere raw sa GMA-7.

Read: Robin Padilla, Vivian Velez, Oyo Sotto condemn use of minors in anti-Duterte ad

Mapapanood sa kontrobersiyal na political ad ang paggamit ng mga batang talent na ginagaya ang mga naging pahayag ni Duterte, na may kasamang mura at pagbabanta, sa ilang video clips.

Ang nasabing political ad ay pinondohan ni Sen. Antonio Trillanes IV, na kumakandidato bilang vice president at isa sa masugid na tumutuligsa kay Duterte.

Ayon naman sa running mate ni Duterte na si Sen. Alan Peter Cayetano na ang nasabing anti-Duterte campaign ad ay pagsasabwatan umano ng gobyerno, ni Sen. Grace Poe, former DILG Secretary Mar Roxas, at ng management ng ABS-CBN.

Read Next
Read More Stories About
Mariel Rodriguez
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Mariel Padilla (left) has decided not to support vice-presidential candidate Leni Robredo even if she believes the female politician is a good person. Mariel blames Leni's political party for her change of heart.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results