Claudine Barretto is still miffed at Mark Anthony Fernandez for scrapped movie project

But she has plenty of other projects to keep her busy, among them the Claudine Drama Anthology, which starts taping next week, and a movie with Richard Gutierrez, which begins shooting in March.


Live na humarap si Claudine Barretto sa Startalk kahapon, February 13. Unang kinumusta ang kanyang pagiging Kapuso.

Nakapag-adjust na raw ba siya sa bagong tahanang network?

"Sa totoo lang, sobrang nakaka-overwhelm ang pag-welcome sa akin ng mga Kapuso natin dito," sagot ni Claudine. "Kaya lang, siyempre, nakakapanibago. Iba rin yung style sa kabila. Iba rin yung style rito. Pero na-overwhelm talaga 'ko dahil they really, really tried to make me feel comfortable."

CAMPAIGN DILEMMA. Ngayong tumatakbo ang ate niyang si Marjorie Barretto for a political post in Caloocan, anong tingin niya sa ruling na ibinaba ng Comelec na kung ang isang artista'y may ine-endorse na kandidato ay mag-leave muna ito sa trabaho.

"I think it's not fair," sagot ni Claudine. "We also have the right to vote. We also have the right to choose kung sino ang gusto naming i-endorso. We're also human beings. Ang pakiramdam ko, nagkataon na mga artista kami, mas may mileage siguro kapag may ini-endorse ka.

"But it's not all about the money. Paano 'yan, yung kapatid ko tatakbo? So, hindi ako puwedeng magtrabaho? E, may pamilya rin naman ako. At saka kapatid ko yun. May mga pinaniniwalaan kang mga pulitiko. It's the right of every citizen."

Posible bang magkasama sila sa isang show ng asawang si Raymart Santiago na taga-GMA din?

"Sana... nag-guest na 'ko para hindi siya maka-no," natatawang sabi ni Claudine, na ang tinutukoy ay ang paglabas niya noon sa sitcom ni Raymart na Lagot Ka... Isusumbong Kita!, na nagtaposang airing sa 2007. Ayon sa aktres, medyo nakakailang daw yung experience. "Parang nako-conscious kami kapag magkasama kami... Kasi crush ko siya dati!"

ADOPTION. Balak pa raw ba nilang mag-adopt or maghintay na lang muli ng sarili nilang baby?

"Kami po ni Raymart... tumutulong sa DSWD [Department of Social Welfare and Development] pagdating sa mga adoption. We just finished Adoption Consciousness Week noong February 4-10 yata, but unfortunately, wala ako rito, nasa Bangkok ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, active po kami run. May lisensiya po kami sa DSWD. Every year, kami ni Raymart, we foster a child for like five months, six months, until may mahanap na match na mag-a-adopt sa bata. So, yung pag-a-adopt ngayon, hindi pa... hindi pa namin iniisip. At yung magkaanak ngayon, hindi pa rin. Ine-enjoy pa namin ang dalawa.

"Sabi ko noon, three years, pero, siguro five years pa para ma-enjoy namin ang mga babies."

STILL MIFFED WITH MARK ANTHONY. Since hindi na nga matuloy-tuloy ang pelikulang pagsasamahan sana nila ni Mark Anthony Fernandez, tinanong si Claudine kung nagtatampo pa siya sa dating kasintahan. Mabilis ang kanyang sagot: "Opo."

Patuloy niya, "E, kasi ayoko naman nang kagaya niya na pa-interview nang pa-interview. Parang isang beses ka lang magpa-interview, okey na yun. E, kasi yun nga, parang nagkamali pa siya ng sequencing niya, yung mga events na nangyari yun.

"Kasi siya ang humingi ng tulong sa amin ni Raymart na makausap si Ms. Veronique del Rosario [Viva Artists Agency executive] after three times of not showing up. Pero in fairness, the first time naman, hindi niya alam dahil si Dondon [Monteverde, Mark's manager] naman pala ang dapat na pupunta.

"Pero yung ikatlong beses na siya na ang humingi talaga ng meeting, nag-confirm pa siya kay Veronique. At noong magkausap kami, binigay ko pa sa kanya yung number ni Veronique. Siya pa ang nagbigay ng araw. And that was the day na parang Christmas party ng Viva Films. Ni-moved pa nila ng later pa. So, naghihintay kami hanggang 2 o'clock. Tapos sabi niya, 4... kaso, wala, walang tawag, walang text or anything. Pero nandun si Paula Punla [manager rin ni Mark]. Sabi niya, nasa Baguio siya that day.

"E, alam niyo naman na taga-Greenhills tayo. Nagkataon na ang ating kapitbahay e, kapitbahay niya rin. So, yun..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"LIAR SIYA." Nanghihinayang daw si Claudine, di lang sa nawalang pagkakataon na makatrabaho uli ang dating karelasyon, kundi sa oportunidad na magkaayos na rin sila.

"Actually sana... sana naging friends kami. Kaya lang... e, kasi nga, yung sorry niya kasi, lahat was sa TV. Ewan ko kung ini-assume niya lang na okey na kami. E, paano nga kami magiging okey, hindi nga kami nag-uusap. So, ano, nagsinungaling siya.

"Tinext ko siya, sabi ko, liar siya..."

Sumagot naman?

"Sumagot siya sa, stunt man namin," nakangiting sabi ni Claudine.

Sa mas seryosong tono, dinagdag niya, "Hindi ko alam talaga kung ano yung feelings ko towards him. Kasi parang noong nangyari yun, parang, ano ba yun? Parang bakit mo ginawa yun? At saka magkatrabaho sila ni Raymart at sobra-sobrang okey naman sila ni Raymart. So, feeling ko, nabastos mo ang asawa ko. Kasi, kausap mo yung asawa ko."

LACK OF TRUST. Pero puwede pa ba silang magkasama sa isang project sa GMA-7?

"Aba, siyempre, kapag yun ang sinabi ng GMA, kailangang gawin ko. Yun e, kung sisipot siya."

Dugtong pa ni Claudine, "Nagalit po talaga 'ko... kasi, ganun naman na, nag-usap naman na kami sa telepono. So, parang ang sa akin lang naman, 'O, bakit hindi ka mag-sorry,' di ba? Hindi ka naman sisigawan, hindi ka naman mumurahin. At lalong hindi ka naman bubugbugin ng asawa ko. Mukha lang siyang nambubugbog, pero, hindi naman. Mabait naman si Raymart."

Yun bang gagawin nila ni Richard Gutierrez, yun sana ang project nila ni Mark?

"No, totally different. Yung kay Richard, tailor-made kay Richard at ako. Sobrang na-excite talaga ako. Yung sa amin ni Mark, dating epic film yun na ginawa ni Ate Vi, so, ulit lahat."

GMA PROJECTS. Anu-ano ang mga naka-line up na projects para sa kanya sa GMA-7?

"Marami po... Sa February 19, mag-start na po akong mag-taping, yung Claudine Drama Anthology sa primetime. Also on March aalis naman kami to do the movie with Richard Gutierrez and Anne Curtis."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huling meeting daw nila, either Mac Alejandre or Joel Lamangan ang magdidirek ng movie.

Sa huli, ano naman ang message niya para sa mga fans niya na nang lumipat siya ng network ay nagsilipatan din ang mga ito?

"Sobra-sobrang thankful ako at grateful sa lahat ng mga Claudinians. Sa mga Brilliant Star, Forever Friends, PCCF, Batangas Chapter, Cebu Chapter, lahat-lahat talaga. Sobrang nagpapasalamat ako at sa mga friends ko sa Twitter, maraming-maraming salamat po.

"At ipinapangako ko po that you will see a much better Claudine as an actress and as a person here in GMA."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN