StarStruck V finalist Diva Montelaba banking on text votes of her fellow Cebuanos

"Ngayon pa lang ipinapakita nila mismo how proud they are sa mga Bisaya through supporting me when it comes to votes. Pero hindi dapat maging kampante. Kaya I'm doing my best to prove to them na I'm worthy of their support for me," says StarStruck V finalist Diva Montelaba about the support she gets from the people of Cebu.


Aminado si Diva Montelaba na halos himatayin siya nang maiwan na lang silang dalawa ni Nina Kodaka para sa huling StarStruck V Final 5 spot after matawag nina Sarah Lahbati, Rocco Nacino, Enzo Pineda, at Steven Silva na maghaharap-harap sa Final Judgment Night na gaganapin sa Araneta Coliseum sa February 21.

"Kung pwede akong himatayin, hihimatayin na ako doon pero pinipigilan ko yung sarili ko. Kasi si Nina, talagang para na siyang hihimatayin. So, ayoko namang hayaan yung sarili ko na ganun lang siya. So, pinipigilan ko sa sarili ko, 'Maging okay ka Diva kasi si Nina hindi okay,'" pahayag ni Diva nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng StarStruck V Final 5 na ginanap sa 17th Floor ng GMA Network kagabi, February 15.

Naisip niya rin ba that moment na baka siya ang matanggal?

"Naisip ko na baka ako na rin kasi hindi ako ganun ka-assured sa votes ko. Pero nung ni-reveal na siya, nakadagdag siya ng confidence kasi ako yung highest sa girls sa votes. Nung time na yun hindi na namin pinag-uusapan ni Nina kung sino ang matatanggal, kung sino ang papasok. Ang pinag-uusapan namin yung plano namin after StarStruck na magsasama kami sa isang bahay. After the competition, pupunta kami sa Cebu [home province ni Diva]. Dadalhin ko siya sa Cebu, dadalhin ko siya kung saan niya gusto, ganun. Parang one week na lang naman, e, magkikita't magkikita pa rin kami," saad niya.

Sa tingin niya ba dadalhin siya ng Cebu when it comes to votes, lalo na nga't kilala ang Cebu sa solid voting para sa kababayan nila?

"I strongly believe yes," sagot ni Diva. "Kasi from StarStruck history, I'm the only Visayan to enter the finals. Ngayon pa lang ipinapakita nila mismo how proud they are sa mga Bisaya through supporting me when it comes to votes. Pero hindi dapat maging kampante. Kaya I'm doing my best to prove to them na I'm worthy of their support for me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VERSUS SARAH. Early favorite ang kalaban ni Diva na si Sarah Lahbati. Sa tingin niya ba ay kaya niya itong talunin para sa titulong Ultimate Female Survivor?

"I honestly admit na siya yung pinaka-threat ko from Final 14 pa. But now na nakasama ko siya sa Final 2 girls, naisip ko na, 'E nakasama ko siya sa Final 2, why not be on top of her?" sagot ng 19-year-old Cebuana.

Ano ang puwede niyang ipanlaban kay Sarah?

"Talent. From the very start of StarStruck ipinapakita ko na I can sing and dance at the same time. I can act and I was awarded as best actress in this batch. So, it helps me believe na I could do better."

Sinasabi niya ba na less talented si Sarah kaysa sa kanya?

"I didn't mean that. It's just that hindi niya pa ipinapakita. She's more focused on her singing skills. But me, I'm focusing on singing, dancing and acting," paglilinaw ni Diva.

Sasama ba ang loob niya kung hindi siya ang mananalo?

"Hindi po, hindi po talaga," sabi niya. "The fact that I only asked for Final 14, sobra-sobra yung ibinigay sa akin ni God. And here, Final 5, there's no reason for me para maging masama ang loob. Final 5 'to, o!

"Before nasa Cebu lang ako, nag-aaral at nagtatrabaho. But now, people know me and call me by my name. There's no reason for me para sumama ang loob. Ang dami ko nang prizes na nakuha sa StarStruck. I've worked with sikat na direktor, batikan na mga artista, so sobrang prizes na yun sa akin."

CO-SURVIVORS. Ano ang masasabi niya sa kapwa niya survivors sa Final 5?

"Si Sarah is really a good friend of mine talaga, walang plastikan. I'd like to say good luck to her and I know she can do it, we can do it. Kasi si Sarah, young as she seems, pero she knows how to make her own decisions talaga. She's so beautiful. So, good luck to the both of us. Whoever wins, for sure hindi mawawala yung friendship namin after StarStruck. I love you so much Sarah, and alam niya yun kung gaano ko siya kamahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa mga boys, kay Kuya Rocco, siya yung naging kuya ko talaga sa StarStruck. Si Enzo, medyo nagkakasakayan kami, nagkaka-vibes kami kasi pareho kami ng age [19]. Walang problema sa amin honestly. Si Steven naman naging close ko sa StarStruck, kasi we're both from regionals." (Sa Cebu nag-audition si Diva, samantalang sa Davao naman si Steven.)

ON BEING EMOTIONAL. Nakilala si Diva bilang pinaka-emosyunal among the StarStruck finalists. At hindi nga niya napigilang mapaiyak nang tawagin na ang pangalan niya bilang isa sa Final 5.

"Opo, totoo yun," pagsang-ayon niya. "Doon po ako hindi masyadong equipped when it comes to emotional feelings. Sobrang madali po akong bumigay."

Bukod sa pagiging emosyunal, si Diva rin ang tila madalas makabanggaan ng ibang finalists. Paano niya hina-handle ang ganitong sitwasyon?

"Since I'm very emotional po, I confront them about the issue. I don't tell everyone about it. I only talk to the person involved. Ang masaya kasi sa batch na ito, marunong kaming mag-accept ng flaws namin. So, ako kung may conflict ako... Kasi naiiba yung istorya, e, pag pinapasa sa iba. So yun ang nangyayari. Sabi nila ganito raw si Diva, ganun si Diva. Nag-aaway daw si Diva at si ano. Pero for real, hindi talaga. Nagiging totoo lang ako."

FINAL JUDGEMENT. Ano ang gagawin niyang performance sa Final Judgment Night on February 21?

"For Sunday, ipe-present ko po sa inyo yung forte ko talaga, singing and at the same time dancing with the songs of Lady Gaga. Yun ang ggagawin ko kasi doon ako pinakakumportable. At saka abangan n'yo kasi paghihirapan po talaga namin kasi it's the final night. Lahat ng kayang ibigay at ipakita doon na talaga," saad niya.

Kung siya ang papalaring manalo, ano ang plano niyang gawin sa cash prize na one-million pesos?

"Itu-tour ko po yung lola ko sa States at saka sa Europe. Yun po kasi ang pangarap niya e, matagal na. At saka gusto ko rin makapunta doon. Bibili rin kami ng bahay dito sa Manila. Uuwi rin ako sa Cebu para magpa-thanksgiving party para magpasalamat sa mga kababayan ko sa suporta nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SUPPORTERS & DETRACTORS. Labis ang pasasalamat ni Diva sa lahat ng kanyang supporters lalo na sa kanyang mga kababayan sa Cebu. At may mensahe nga siya para sa kanila.

"I'm really thankful sa mga supporters ko kasi akala ko before talagang maiiwan ako sa votes kasi I'm from the province. Mahirap akong magkampanya kasi hindi ako makauwi. Pero now, thank you dahil prinove n'yo sa akin na kahit gaaano kalayo, nandiyan pa rin kayo para suportahan ako."

Ano naman ang gusto niyang sabihin sa mga detractors niya na nagsasabing hindi siya deserving na makapasok sa Final 5?

"Thank you sa inyo. Thank you kasi kung hindi dahil sa inyo, hindi ako matututong labanan kayo. Hindi ako matututong paniwalain yung sarili ko na kaya ko. Kasi nandito na ako o, Final 5 na 'to. So, parang I will prove to you guys na I'm worthy of my achievement kasi nandito ako and facing the Final Judgment. So, sa mga detractors ko, I will just see you sa Final Judgmnt guys. You'll be surprised."

HOMECOMING. Ngayong araw na ito, February 16, isinasagawa ni Diva ang kanyang homecoming sa Cebu bilang bahagi ng Final Judgment presentation. At kahapon nga ay ini-reveal ni Diva sa PEP ang mga activities niya sa homecoming.

"I will go first sa Capitol, I'll meet with Governor Gwen Garcia. From the Capitol to my school in college, University of San Jose Recoletos. From my college school, didiretso po ako sa bahay po. Pupunta din ako sa school ko sa high school, Immaculate Heart of Mary Academy. One day lang po lahat iyan at gagawin ko na lahat ng gusto ko para magpasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN