Marco Morales finally lands a role that will not require him to flaunt his "best asset"

"Nang mabasa ko ang script, puwede naman pala, yung makakapag-shock ka ng audience, not necessarily because of sex. I'm so excited about Biyaheng Norte. Magsu-shoot kami sa Baguio kung hindi mababago ang plano," says sexy actor Marco Morales about his upcoming indie film.


Kumalat ang maling akalang titigil na sa paghuhubad ang sexy actor na si Marco Morales. Among so many indie actors, isa sa pinakamatapang si Marco dahil kayang-kaya niyang mag-frontal nudity na nagawa na niya sa maraming indie films. Kaya, it came as a surprise na nagpahayag siyang ayaw na muna niyang magtalop sa pelikula.

"Hindi naman sa ganoon," sabi ni Marco. "Wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko dahil nakukuha ko ang magagandang assignments ngayon dahil sa katapangan ko, at hindi ko naman pinababayaang mag-suffer ang acting ko dahil lang doon. I don't need to ego-trip naman. Kaya lang, nakatutuwa rin sigurong isiping may ibang klaseng roles na hindi kailangang magpakita ako ng katawan, at naio-offer naman yun sa akin."

Nabanggit ni Marco ang Biyaheng Norte na ididirek ni Bong Ramos. Masaya si Marco dahil wala siyang gagawing paghuhubad dito.

"Pero may twist ang role ko na may shocking element pa rin," sabi niya. "Nang mabasa ko ang script, puwede naman pala, yung makakapag-shock ka ng audience, not necessarily because of sex. I'm so excited about Biyaheng Norte. Magsu-shoot kami sa Baguio kung hindi mababago ang plano."

Nai-press release naman na ang huling sexy movie na tatampukan ni Marco ay ang Halik sa Tubig na si Bong Ramos din ang direktor.

"Sexy talaga, napaka-sexy ng movie na 'yan," ani Marco tungkol sa pelikula. "Tingnan na lang natin kung ano ang magiging reaction ng MTRCB kapag naipa-review na. Pero naniniwala ako, done in good taste ang lahat, and even its production values, pinaganda talaga at mataas ang quality. Sex-fantasy ang movie. Isa akong fisherman sa pelikula na mai-involve sa isang diwata."

Mukhang mahirap nga para kay Marco ang magkaroon ng puwang sa tuluyang pagpapaka-wholesome. Realistic naman ang pananaw niya sa bagay na ito.

"Enjoy it while it's there," kaswal niyang sabi. "Masuwerte na rin ako dahil hindi lahat ng artista nabibigyan ng chance na gumanap ng roles na gaya sa naibibigay sa akin. I will just make the most out of it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN