Survivor: Palau's Marvin Kiefer and Jef Gaitan hope real-life relationship translates to Dear Heart tandem

Marvin Kiefer and Jef Gaitan met and fell in love while doing Survivor Philippines: Palau. On March 7, viewers will get a chance to see if their novice love team stacks up against that of Jennica Garcia and Carl Guevara in Dear Heart's Stalker of the Heart.


Masaya at maingay sa set ng bagong episode ng Dear Friend, titled Stalker of the Heart nang dalawin ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong February 18 sa taping nito sa isang resort sa Antipolo City.

Bida rito ang tambalan nina Jennica Garcia at Carl Guevara, at nina Marvin Kiefer at Jef Gaitan na galing sa Survivor Philippines: Palau.

Sa araw na iyon ay takam na takam na kumakain ng fried chicken si Jennica at pilit na iniinggit si Marvin na pesco-vegetarian (vegetarian na kumakain ng isda), at si Carl na nagsa-South Beach Diet naman.

Pero hindi nagpadala sa kantiyaw ang dalawang lalaki at sige sa pagkain ng pritong galunggong si Marvin at ng salad naman si Carl. Kukulangin daw sila ng nutrients kung hindi sila kakain ng meat, sabi ni Jennica, pero five years na raw siyang pesco-vegetarian, sabi ni Marvin, at okey naman ang health niya.

SURVIVOR COUPLE. Real-life couple sina Marvin at Jef. Nagkakilala sila sa Survivor Philippines: Palau at doon na-in love. Six months na ang relasyon nila at ipinagmamalaki ni Jef na wala pa silang naging malaking away.

Si Jef ay 22 years old at 19 naman si Marvin, pero hindi raw ito naging problema "dahil pareho kaming nagwu-work for the relationship," sabi ni Jef na sinang-ayunan naman ni Marvin.

Hindi rin daw niya inaander de saya si Marvin, pero cute ang ginawa ng binata na tinulungan pa si Jef na tanggalin ang tissue paper na ginamit sa pangkulot ng kanyang buhok.

Si Jef din ang sumagot sa tanong kung hindi ba sila nahirapan sa first acting project nila. Inaalalayan naman daw sila ni Direk Mac Alejandre at tinutulungan ni Jennica. Medyo hirap pa sa dialogue si Marvin dahil laki siya sa Cagayan de Oro City at sanay sa Bisaya at English, pero tinuturuan daw siya ni Jef.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Show Me Da Manny ay halos laging naka-topless si Marvin. Open ba siya sa sexy roles?

"Hindi ko kaya, at kahit sa Survivors, pinapa-trunks kami, ayaw ko dahil nahihiya ako. Naiilang ako, di ako sanay, okey na sa akin ang board shorts," wika ng binata.

TRUST. Endorser si Marvin ng BUM T-shirts at umaasang may mga ganito pa siyang projects na darating, pero mukhang mas naa-identify na siya bilang artista at hindi na modelo. Enjoy daw ang taping sa Show Me Da Manny. Di lang daw halata pero lagi daw silang nagpipigil tumawa.

Hindi daw binabantayan ni Jef si Marvin sa taping ng Manny dahil may tiwala siya sa boyfriend, at kung may admirers man ito'y "meron din ako."

Totoo bang iniwan ni Jef si Nyoy Volante para kay Marvin?

"Not true!... May problema na kami ni Nyoy nang pumasok ako sa Survivor Philippines," sagot ni Jef.

Sa March 7 na ang simula ng Stalker of the Heart at four weeks ang itatakbo nito. Malalaman kung may karapatang mag-artista sina Marvin at Jef at kung ka-level sila sa tambalan nina Jennica at Carl.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN