PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Regine Velasquez laughs off pregnancy rumor

She hopes fans of the cancelled SOP will give its replacement a chance.
by Nonie Nicasio
Published Feb 28, 2010
"Unfortunately nga ay hindi, e. Sana nga, e, dahil dyumodyonders [tumatanda] na rin ang lola mo, ha-ha-ha-ha!" says Regine, whose musical comedy Diva starts airing tomorrow on GMA-7.

Guest last night, February 27, si Regine Velasquez at Juris sa first concert ni Myrus Ramirez na tinawag na The Sentimental Prince sa Teatrino, Greenhills. Dito pinabulaanan ni Regine ang balitang buntis na raw siya.

"Unfortunately nga ay hindi, e. Sana nga, e, dahil dyumodyonders [tumatanda] na rin ang lola mo, ha-ha-ha-ha!

"But, not yet. Kasi, we still have to settle a lot of things. Gusto ko siyempre kapag ginawa na namin iyon, 'pag we plan to get pregnant, gusto ko yung settled na lahat, ayos na lahat. For the baby din also, not just for me, also for the baby," eksplika niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at sa iba pang press na dinumog siya pagkatapos niyang mag-perform sa naturang concert.

"Hindi ba ang dami-rami mong papeles na kailangang ayusin, kung hindi plantsado lahat? We're hoping na sana this year na, maayos na lahat. Para naman magka-baby na ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

So kailangan, kasal muna bago baby?

"I can't still talk about it nga, e, kasi it's a legal matter, e. So, sorry we just can't talk about it. Basta ako, pine-pray ko na lang, ipag-pray niyo na lang kami na sana maayos na lahat 'yon."

DIVA PERFORMS. Sinabi rin kagabi ng Asia's Songbird na itinuturing niyang isang treat kapag nagkakaroon siya ng pagkakataong kumanta tulad ng sa concert ni Myrus.

"Dahil alam niyo naman na more than a singer, I'm such an actress nowadays," ang pabirong patungkol niya sa kanyang musical comedy na Diva na magsisimula nang iere bukas sa GMA-7.

Binati rin ni Regine si Myrus sa first concert nito. "Congratulations, very successful iyong first concert niya. At saka, parang hindi naman siya kinakabahan, 'no?

"Kasi ako, natatandaan ko noong una, halos kaunti na lang parang lalamunin na ako ng stage. Pero si Myrus, very confident. I'm very surprised dahil hindi siya kinakabahan. Ibig sabihin niyon ay sanay siyang mag-perform."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EXPECTATIONS FOR POST-SOP SHOW. Nagpahayag din ang singer-actress ng mixed emotions sa pagwawakas ng SOP.

"Malungkot kami but at the same time ay excited din for the new show dahil kami pa rin naman iyon. Magbabagong mukha lang kami nang kaunti. Pero sana ay huwag namang masyadong malaki ang expectations ng mga utaw [tao], kasi nakaka-tense.

"Pero we are coming back, we're just gonna rest for a little bit... Parang new beginning siya, di ba? Kasi, alam ko naman na alam niyo na maraming mga 'happenings' sa SOP. And so, para matapos na rin yung intrigues, yung kung anumang bad blood or whatever. Kung anuman ang nangyari na hindi masyadong maganda at least matatapos na iyon and then we will start.

"Kaya lang nga, siyempre nakakatakot din for us, hinihingi ko na nga lang ang suporta... Kasi may mga followers naman kami na mga talagang avid SOPers, ha-ha-ha! SOPers talaga e. Hinihingi ko na lang ang suporta nila and 'wag na muna tayong mag-expect ng malaking-malaki, para kapag napanood natin, 'Ay, okey naman pala, maganda naman pala.' So palakpakan na lang tayo," pagtatapos ni Regine.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Unfortunately nga ay hindi, e. Sana nga, e, dahil dyumodyonders [tumatanda] na rin ang lola mo, ha-ha-ha-ha!" says Regine, whose musical comedy Diva starts airing tomorrow on GMA-7.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results