Carl Guevarra lands a lead role in his first regular show on GMA-7

"Siyempre sa akin, sobrang masaya ako. At saka pinagkatiwalaan nila ako agad ng isang show, bida role kaagad. So, siyempre, sobrang masaya. At saka first time kong naano itong role na ganito," says Carl Guevarra about his first project with GMA-7.


Dear Friend Presents My Stalking Heart is Carl Guevarra's first regular show on GMA-7. Here, the former Kapamilya star is paired for the first time with Jennica Garcia.

Literally, "stalkers" daw talaga ang character nila ni Jannica sa My Stalking Heart. Carl is stalking Jef Gaitan while Jennica is stalking Marvin Kiefer. Jef and Marvin were both castaways in the second season of Survivor Philippines.

"Pareho kami ni Jennica dito na may ini-stalk. Ako naman, si Jef, who is my best friend here pero gusto kong maging girlfriend. Si Jennica naman, si Marvin naman ang ex-boyfriend niya. Tumira kami sa isang bahay. And nagulat kami, sila pala ang magpapakasal. So, parang nagkuntsaba kami. Pero yun nga, at the end, siyempre isa yun sa aabangan," kuwento ni Carl sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the presscon of My Stalking Heart kahapon, March 2, sa Eivissa Super Club sa Tomas Morato.

Dahil ito ang first project ni Carl sa GMA-7 mula nang lumipat siya from ABS-CBN, masaya siya na maganda agad ang naibigay sa kanyang project.

"Siyempre, sa akin, sobrang masaya ako. At saka pinagkatiwalaan nila ako agad ng isang show, bida role kaagad. So, siyempre, sobrang masaya. At saka first time kong naano itong role na ganito," sabi ng Be Bench winner.

Pang-summer episode ng Dear Friend ang My Stalking Heart na magsisimula nang mapanood sa March 7 ng alas-tres ng hapon. May beach scenes daw sila rito kaya may mga eksena si Carl na naka-topless.

"Yes, topless, meron talaga. Yun, abangan nila yun. Abangan nila yun kasi nag-prepare ako dito," sabi niya.

TEAM-UP WITH JENNICA. Kahit noong bagong lipat pa lamang si Carl sa Kapuso network, sinasabi na niyang si Jennica ang isa sa mga young actresses ng Kapuso network na gusto niyang makapareha. Ngayong magkasama na sila sa isang project, masasabi ba niyang natupad na ang pangarap niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, it's an honor for me to work with Jennica. Siyempre, one of the leading ladies ng GMA, tapos naging ka-loveteam ko agad dito sa Dear Friend. Siyempre, sobrang masaya ako," saad ni Carl

Kumusta naman ang bonding nila ni Jennica?

"Nakakadalawang taping na kami," banggit niya. "Noong first taping namin, talagang dun ko sila first na-meet lahat. Noong una, nahihiya ako sa kanila hanggang sa nagkausap-usap naman kami.

"Si Jennica, talagang supportive siya. Kinakausap niya ako. Pinapagaan niya lahat kaya nawawala rin yung pagiging mahiyain ko. Mabait siya. Minsan tinatawag niya ako, nagto-throw lines kami. Tapos minsan, sinasabi niya sa akin na huwag daw akong mahihiya. Saka minsan nagre-rehearse kami bago kami mag-take, nagkukuwentuhan."

Wish daw niyang mag-click ang team-up nila ni Jennica at masundan pa.

"Sana...sana talaga kung puwede. Pero siyempre, ako naman, kahit sinong babae sa GMA ang i-partner sa akin, okey lang. Kasi, hindi ko pa rin naman nakikilala lahat ng babae sa GMA," sabi niya.

DAIANA MENEZES. Marami nang lumabas na version ng kinahinatnan ng naging relasyon ni Carl at ng Brazilian model-TV personality na si Daiana Menezes. Pero karamihan sa mga yun ay galing sa side ni Daiana. On Carl's part, ano nga ba talaga ang nangyari sa kanila?

"Sa amin ni Daiana, first, nag-usap kami," simula ni Carl. "Noong una, di ba, sa kabila ako? Tapos, nagpatulong ako sa kanya kung sino ang puwede kong kuhaning manager. Marami ang nagsabi na si Perry Lansigan. E, medyo kilala niya [Daiana] yata si Perry. So, kaming dalawa ang tumawag kay Perry. Pero sa huli, desisyon ko pa rin siyempre, ako rin ang nakipag-usap."

Dadag niya, "Tapos, yung sa breakup namin, mutual decision yun, e. Nag-usap kami na para sa trabaho yun. Kailangan kong magtrabaho."

Totoo ba na nang mag-break sila ay sinabi lang ni Daiana sa kanya na ayaw na nito sa kanya and that's it?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala siyang sinabi na 'ayaw ko na sa 'yo,'" paglilinaw ni Carl. "At first, ang sinabi niya, kailangan niyang magtrabaho. So, ako naman, noong first, hindi ko inakalang ganun. Pero bandang huli, na-realize ko naman na tama, e."

How does he feel na ilang linggo lang pagkatapos ng breakup nila ay lumabas naman ang balitang sina Daiana at Sam YG na?

"Ang sa akin, okey lang naman. Pero noong sinabi niya, wala naman akong alam na nali-link na sila ni Sam YG," sagot ni Carl.

Tingin ni Carl, hindi naman daw sila magkasabay ni Sam YG sa buhay ni Daiana.

"Tingin ko naman wala naman, wala siyang ipinakita sa aking ganun. At saka okey naman kami. Friends naman kami. Maayos naman kaming naghiwalay."

Nakapag-move on na ba siya sa breakup nila ni Daiana?

"Noong una, siyempre mahal ko siya, masakit. Pero ngayon, naka-move on na naman ako. Okey na. Trabaho muna ako," nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN