Gina Pareño takes her hat off to the real-life metal divers of Bakal Boys

Urian nominee Gina Pareño witnesses true grit in Baseco: "Dun mo makikita ang tigas ng Pinoy sa paghahanap-buhay, kung paano ang sumistema para mabuhay. Dun makikita mo sari-sari. Talagang iba ang Pinoy."


Sa indie film na Bakal Boys (Children Metal Divers) ng Apogee Productions, na showing na sa March 10, support lang dito ang beteranang aktres na si Gina PareƱo. Ang mga bida ng pelikula ay mga batang hindi artista. Sila'y mga batang naninirahan sa compound ng Bataan Shipping and Engineering Company (Baseco) sa Manila, na binigyan ng pagkakataon ng direktor ng pelikula na si Raltson Jover na umarte sa harap ng kamera. (CLICK HERE to read more about this indie film)

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment) si Tita Gina sa taping ng ABS-CBN drama series na Kung Tayo'y Magkakalayo, kung saan gumaganap siyang nanay ni Albert Martinez. Tinanong namin siya kung bakit siya pumayag na gawin ang Bakal Boys at maging support lang dito, gayong hindi naman talaga artista ang mga batang nagsisiganap dito.

"Darling, kasi ang mga Bakal Boysdito ay ang mga Baseco Boys. Talagang dun tinutok yung pelikula. Sumuporta ako kasi gusto ko silang magkaro'n ng pag-asa sa buhay, ma-educate sila, di ba? Kasi, hindi masyadong napag-uukulan ng pansin ang mga 'yan, e! Lumalaki na hindi nababago ang buhay, kaya ngayon magkakaroon ng ambisyon na magkaroon ng hindi delikadong trabaho. Isa ako sa umaasam na maisaayos ang buhay ng mga tao run. Eye-opener ang pelikulang ito," sabi ni Tita Gina.

"At saka si Ralston, yung direktor namin, di ba utang na loob ko sa kanya ang Kubrador? Kaya nung kinausap niya ako para sa project na ito, 120 percent tinanggap ko. Umutang pa ako ng beinte porsiento sa pag-oo," natatawang sabi niya.

Matatandaang ilang Best Actress awards ang napanalunan ni Gina, di lang sa Pilipinas kundi maging sa film festivals abroad, para sa pagganap niya ng isang jueteng collector sa 2006 film na Kubrador na sinulat ni Ralston.

NATURAL ACTORS. Puring-puri naman si Tita Gina sa akting na ipinakita ng mga batang nagsisiganap sa Bakal Boys, kahit na walang karanasan ang mga ito sa pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang gagaling, Diyos ko, talbog ang mga may acting," pagmamangha ni Tita Gina.

"What I mean, napakanatural, ang galing. Ngayon lang ako nakagawa ng ganung klaseng pelikula na ang mga nakasama ko ay hindi talaga mga tunay na gumaganap, at mga tsikiting ito. Marunong silang umarte kaya may pag-asa ang mga bata."

Hindi ba kinabahan ang mga bata na kaeksena nila ang isang award-winning actress na tulad niya?

"Hindi nila alam ang title na yun! Hindi nila alam ang spelling ng mga ganoon. Hindi sila ganun. Ang titigas nga ng ulo. Basta laking Baseco, doy, Diyos ko! Basta sila natural. Hindi nila alam yung sistema na we're working, hanapbuhay ito. Sa kanila hindi. Parang naglalaro lang sila. Mas maganda nga, e!"

Hindi ba siya natakot nang mag-shoot sa Baseco?

"Ay, amazona ako, e!" tawa na naman ni Tita Gina.

"Maski nung first day ko run, curious ako kasi, ah, eto pala yung Baseco na naririnig ko nung araw na nasusunugan. Pero maganda ang mga tanawin dun. 'Tapos makikita mo, may [Indian], may Intsik, iba-ibang nasyon.

"Pero second day ko pa lang dun, pumanatag na ako. Sa una lang yung amoy, hindi maganda. Pag nagtagal ka, pare-pareho na kayo ng amoy. Feeling ko taga-roon na ako at na-miss ko yung lugar na yun. Tapos nakagawa ako ng Maalaala Mo Kaya dun, feeling ko taga-run na ako, maganda ang experience ko dun.

"Dun mo makikita ang tigas ng Pinoy sa paghahanap-buhay, kung paano ang sumistema para mabuhay. Dun makikita mo sari-sari. Talagang iba ang Pinoy," sabi pa niya.

URIAN NOMINATION. Maiksi man ang role ni Tita Gina, hindi naging hadling iyon para mapansin ng mga kritiko ang acting niya sa Bakal Boys.

Sa darating na Gawad Urian ay nominado si Tita Gina for Best Supporting Actress.

Nang banggitin ng PEP kay Tita Gina ang kanyang nominasayon, nagulat siya. Hindi raw siya aware na nominado siya. Ang Urian ang siyang nagbigay ng award sa kanya bilang Best Actress para sa Kubrador noong 2006.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Thank you, at least na-nominate ulit. Yung pinagpaguran ko, nabibigyan ng pansin. Maski saan o anong klase ng role, puwede ako. Hindi lang puwede pang-best child actress," natatawa niyang sabi.

Ang Bakal Boys ay Graded A ng Cinema Evaluation Board. Kasama rin sa pelikula sina Ketchup Eusebio at Simon Ibarra. Tinatampukan ito ng 15 real-life metal divers sa pangunguna nina Meljun "Utoy" Guinto, Alvin Olano at Junior Olano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN