Kris Aquino-Ruffa Gutierrez walkout issue spreads like wildfire even in Twitter

Social networking site Twitter was able to chronicle the sentiments of Kris Aquino (left) and Ruffa Gutierrez (right) in connection with the latter's walkout from The Buzz apparently because of Kris's comments.


Mabilis na kumalat sa social networking site na Twitter ang pag-walkout ni Ruffa Gutierrez sa The Buzz kahapon, March 7. Ilang celebrities ang nag-post ng balita tungkol sa naging palitan ng salita nina Ruffa at ng co-host niyang si Kris Aquino sa The Buzz. Mas lalo pang uminit ang isyu nang i-post ng PEP sa PEP Alerts ang kumpirmadong walkout ni Ruffa bago natapos ang kanilang show.

Sumunod na rito ang pagsasalita ng ina ni Ruffa na si Annabelle Rama sa katapat na programa ng The Buzz sa GMA-7 na Showbiz Central. Sa naturang panayam ni Annabelle ay tinira niya si Kris at sinabing "binabara" nito madalas ang kanyang anak. Pati ang kapatid ni Kris na si Noynoy Aquino ay hindi nakaligtas sa galit ni Annabelle, na nagsabing huwag itong iboto bilang president dahil hindi pa man daw ito nananalo ay "mayabang" na si Kris.

Hindi man nakapagsalita sina Ruffa at Kris ng kanilang saloobin sa The Buzz ay nalaman ng publiko ang tunay nilang nararamdaman sa pamamagitan ng pagpu-post nila ng mensahe sa kani-kanilang Twitter accounts.

RUFFA'S SENTIMENTS. Isang sad face ang unang ipinost ni Ruffa sa kanyang Twitter account ilang sandali pagkatapos ng kanyang walkout sa The Buzz.

After an hour, nag-post ulit ng message si Ruffa at ito ang kanyang isinulat: "Just got home...my babies gave me the biggest hug when I walked in. This is what truly matters. Family n loved ones."

Pagkatapos nito ay maraming followers ni Ruffa ang nagpahayag ng suporta sa kanya sa pamamagitan pa rin ng Twitter. Kaya naman sa sumunod na post ni Ruffa ay nagpasalamat siya sa mga message of support sa kanya.

"Finally smiling while watching Goin' Bulilit with the kiddies. Thank u for all the love twitterworld! Mahal na mahal ko kayong lahat!"

Matapos ng dalawang oras ay direkta nang nagbigay ng statement si Ruffa sa kanyang Twitter account ng saloobin niya sa nangyari sa The Buzz nung hapon na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Sana man lang I was given the chance to say goodbye properly to my colleagues on The Buzz who I've grown to love like family over the last 3 yrs. Kung may ayaw sa akin sa The Buzz, may mga may gusto din po sa akin. Sana nabigyan po ako ng chance para magpaalam sa mga nagmamahal din po sa akin. Kahit dalawang piraso pa sila, karapatan ko rin namang magpaalam ng maayos. I'm just trying to do my job."

Dagdag pa niya, "This is not the first time. I'm also very diplomatic n can laugh about anything. Off-cam, the situation was far from pleasant. Yes, registered voters like me will certainly vote wisely. No need to make sira... I AM TEAM NOYNOY! But between now n the May elections, many things can still happen. It's what name I will write that will clearly matter in the end. I would like to enjoy my time w/ loved ones now.

"Salamat po sa lahat ng tumawag, nag txt. Thank u. I leave everything up to God. Peace and love to all!!! I love you Twitterworld!"

KRIS SPEAKS UP. Sa parte naman ni Kris, nakikiusap ito sa pamamagitan ng kanyang Twitter account na kung puwede raw ay i-review at panoorin ng mga tao ang naganap sa "P.O.V." segment ng The Buzz kahapon.

Aniya, "I invite everybody to review Buzz—my comment was said w/ affection & a sense of fun. Now if they will choose to lambast my brother who wasn't even on The Buzz, makes me wonder what the true agenda is—para siraan si Noy?"

Sa isa pang Twitter post niya ay ito ang kanyang sinabi: "I'd like to believe Filipino voters are intelligent & will continue supporting Noy because he is the best man for the job."

RAYMOND SUPPORTS RUFFA. Bilang pagbibigay suporta sa kanyang kapatid na si Ruffa ay nag-post din ng ilang mensahe si Raymond Gutierrez sa kanya namang Twitter account. Si Raymond ay co-host ng Showbiz Central, ang katapat na programa ng The Buzz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang ilan sa Twitter posts ni Raymond:

"Some people want all the spotlight & can be really tactless. I'm happy that my co-hosts here in Central show equal respect for each other."

"When you're trying to get the whole nation to be on your side, don't be a bully."

"Take it as a joke if it happens once, but being bullied every week is a different story. how do you spell P-O-W-E-R T-R-I-P-P-I-N-G?"

"I'm all about friendship, ask anyone, but there comes a time when you reach a saturation point, where you need to stand up & speak out. At the end of the day all you really have is your family. Spending some quality time with them tonight. Peace."

Iba't ibang reaction at comments ang nakikita namin sa reply ng ibang celebrities at kahit na ng mga ordinaryong tao sa Twitter. May mga nasa side ni Ruffa at meron din namang sa side ni Kris. Pero marami sa kanila ang naniniwalang magkakaayos din sina Ruffa at Kris mabigyan lang ng pagkakataon na magkausap sila nang maayos.

Ngunit ayon naman sa ilang showbiz observers, maaaring hindi agad magkaayusan ang dalawang stars dahil umabot na sa pulitika ang usapan. Si Kris ay na kay Noynoy Aquino, siyempre pa; si Ruffa raw ay maaaring mag-endorso na kay Manny Villar sa mga darating na araw. Dahil Mayo pa ang eleksyon, malamang wala munang batian.

Ang iba namang beteranong showbiz observers ay nagsasabing pang-ratings war ang mga pangyayari. Si Ruffa ay TV5 at si Kris ay ABS-CBN. Ang away ay makapagdadala raw ng kinakailangang ingay sa bagong showbiz talk show ni Ruffa sa bago niyang istasyon, habang si Kris naman ay halos spokesperson na ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN