Gerald Anderson gets a golf cart from Kim Chiu

"Ngayon kasing 21 na siya, wala pa akong pamalit na regalo dun sa pink na sasakyan, siyempre, sobrang ibang gift dapat. Nag-isip nga ako debut niya rin, e. So yun na lang, kasi lagi siyang umiikot sa village nila, ganyan, nakamotor. Para maiba naman, golf cart naman, kahit na wala siya sa golf course," Kim Chiu said about her birthday gift to Gerald Anderson.


Sa press conference para kay Gerald Anderson bilang bagong celebrity endorser ng Payless Pancit Shanghai products ng Universal Robina Corporation (URC), ikinuwento ng Fil-Am young actor na simpleng party lang with close friends ang ginawa niya noong 21st birthday niya, March 7.

Si Kim Chiu ang nag-set-up ng party para sa kanya, sabi ni Gerald.

"Alam ko kasing may party, pero nung umuwi ako sa bahay, nagulat ako sa set-up. Kasi hindi ko ine-expect na gano'n," sabi ni Gerald nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kasama ang iba pang miyembro ng press sa Xin Tian Di Restaurant sa Crowne Plaza Hotel sa Mandaluyong City kaninang tanghali, March 11.

Nag-set up daw si Kim ng "karaoke party" na may buffet pa. "Sabi ko nga, ano pa ang gusto mo, nagma-magic?" natatawang sabat naman ni Kim na katabi lang ni Gerald habang iniinterbyu ng press. Pero biro ni Kim, hindi raw ang party na yun ang regalo niya sa ka-love team. In fact, napag-utusan lang daw siya ng binata na gawin yun dahil busy ito.

"Ano ka ba? Sabi ko 'wag na, pero siya ang may gusto!" ganti naman ni Gerald sa biro ni Kim. "'Wag kayong maniwala...," pagkumbinsi pa ng binata sa mga kausap nilang reporters.

KIM'S REAL GIFT. Pero ani Gerald, ang talagang magandang regalo sa kanya ni Kim ay isang mamahaling Louis Vuitton bag at isang golf cart.

"Yung LV bag, hindi ko gagamitin dahil napakaganda. Pero yung golf cart, gagamitin ko yun," sabi ng binata.

Ito ba ang pantapat ni Kim sa pink car na niregalo naman ni Gerald sa dalaga noong kanyang debut?

"Ngayon kasing 21 na siya, wala pa akong pamalit na regalo dun sa pink na sasakyan, siyempre, sobrang ibang gift dapat. Nag-isip nga ako debut niya rin, e. So, yun na lang, kasi lagi siyang umiikot sa village nila, ganyan, nakamotor. Para maiba naman, golf cart naman, kahit na wala siya sa golf course," paliwanag ni Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pasalamat daw sina Gerald at Kim na kinuha sila ng URC bilang endorsers ng mga produkto nila. Hindi naman daw inirekomenda ni Kim si Gerald. Kusang kinuha raw ng kumpanya ang binata.

"Nagulat lang din kami. Sabi nila, pinili nila si Gerald kasi, parang, spicy-spicy, gano'n."

MELASON FOLLOWS KIMERALD. Napunta ang usapan sa pagkukumpara raw ng mga fans ng Melason (Melai Cantiveros-Jason Francisco) sa kanila. Hiningan sina Gerald at Kim ng reaksiyon ukol dito.

"Nakakatuwa sila. Very natural sa isa't isa. Nakaka-relate ang mga tao na tunay ang nararamdaman nila sa isa't isa. Ang cute nilang tingnan. Lagi silang nag-aaway, pero nagtatawanan pa rin sila. Nakakatuwa talaga sila," nangingiting sabi ni Gerald.

Ayon naman kay Kim, "Maganda ang relationship nila. Si Jason yung ganyan-ganyan [parang maharot], si Melai naman, 'Uy, wag kang gano'n!' Nakakatuwa silang tingnan. Kahit nakakatawa, hindi sila nagtatawanan. Parang natural lang talaga sila."

Basta galing daw ng Big Brother House, susuportahan nila. "Gusto rin naming maranasan nila, kung ano yung naranansan namin at mga blessings na natanggap namin," dagdag pa ni Gerald.

Advice pa ni Kim kina Melai at Jason, "I-enjoy lang nila kung ano ang meron sila ngayon at mahalin nila yung mga fans. Mahalin nila kung sino yung mga nagmamahal sa kanila."

"Balita ko, sila nga raw yung love team na may pinakamaraming fans club ngayon," sabi naman ni Gerald. "So, mahalin nila yung mga fans na yun, kasi yun talaga ang sikreto ng pagsikat mo, yung mahal mo talaga ang mga fans mo. Sila yung magdadala sa iyo."


CLICK HERE for video of Kimerald interview.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN