Singer-composer Yeng Constantino ventures into hosting

"Parang na-feel ko lang po na gusto ko namang gumawa ng ibang bagay than the usual na ginagawa ko. Parang wala na po kasing challenge kasi alam ko na ang gagawin ko. Gagawa lang po ako ng kanta, e, mula bata pa po ako, yun na ang ginagawa ko," says Yeng Constantino about hosting Music Uplate Live.


Simula Lunes ng madaling-araw, March 15, mapapanood at mahuhusgahan na ang kauna-unahang Grand Star Dreamer ng Pinoy Dream Academy na si Yeng Constantino, hindi bilang isang singer at composer kundi bilang isang host.

Ito ay sa pamamagitan ng Music Uplate Live na mapapanood sa ABS-CBN mula Lunes hanggang Biyernes. Ang bagong interactive show na ito ang papalit sa PBB Double Up Late. Yeng will be the main host, pero may mga makakasama siyang barkada na makikipag-jamming at makikipagkuwentuhan ng kahit ano about music.

Bago para kay Yeng ang hosting genre, pero isang bagay raw ito na gusto niyang gawin. Gusto rin daw niyang i-prove sa kanyang sarili na kaya niya ito at may iba pa siyang puwedeng ipakita sa mga manonood.

Nag-audition pa si Yeng para maging host ng Music Uplate Live.

"Mga two weeks ago, nag-audition po ako. Pumila rin po ako. Marami ang nag-audition for this slot. After po ng day na nag-audition ako, the next day, meron pa ulit. Pero karamihan po ng nag-audition, mga bagong host," kuwento ni Yeng sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kahit sabihin pang naging grand winner na siya sa PDA, alam ni Yeng na when it comes to hosting bagito pa siya.

"Siyempre po, hindi naman po ako pinanganak na maging host," sabi niya. "Unlike as a composer, bata pa lang po ako, nine years old pa lang po ako, nagsusulat na ako. As a host, malaking bagay po ito para sa akin. Actually, kinakabahan din po ako."

Bakit bigla niyang naisipang mag-audition bilang isang host?

"Parang na-feel ko lang po na gusto ko namang gumawa ng ibang bagay than the usual na ginagawa ko. Parang wala na po kasing challenge kasi alam ko na ang gagawin ko. Gagawa lang po ako ng kanta, e, mula bata pa po ako, yun na ang ginagawa ko," paliwanag ng 21-year-old singer-composer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya tuwang-tuwa raw siya nang siya nga ang mapili.

"Sumigaw talaga ako!" bulalas niya. "Tinawagan ako ni Ms. Annabelle [Regalado, Star Records head], talagang talon ako nang talon, hindi ako tumigil. Yung totoo, gustung-gusto ko talaga. Gustung-gusto ko talagang gawin 'to dahil gusto ko na rin mag-try ng ibang bagay."

What if hindi siya ang natanggap sa audition, how would she feel?

"Noong time po na yun, parang naisip ko lang, ayokong magpaka-religious, pero if it's God's will, yun talaga. Kung okey, e, di time na. Pero kung hindi man po ako natanggap noong time na yun, parang sayang...hindi naman po ako madi-dishearten."

Bukod sa workshop, nagpa-practice daw si Yeng mag-isa sa kuwarto niya kung paano maging host.

"Pina-practice ko pong mag-isa. Kasi malaki naman ang mirror ko, kumukuha ako ng suklay. Like, 'Hi guys!" natatawa niyang kuwento.

Dugtong pa ni Yeng, "If you're willing to do something at mag-excel dun sa work mo, kahit magmukha kang sira, pinapraktis ko pong talaga."

Ang Music Uplate Live ay may five segments: "Music Barkada Kwentuhan," "Charbusters," "U-Late Jammin," "Break Mo 'To," "Mic Mo 'To," at nandiyan pa rin ang interactive happenings and games.

Ayon pa kay Yeng, "Actually, every Monday, magkakaroon po ako ng segment na 'Yeng Version.' So, anything na gusto ng viewers na kantahin ko, gagawan ko ng sarili kong version. Halimbawa, rap, gagawin kong rock."

May peg ba siya in terms of hosting?

"Actually, wala rin po akong peg. Hindi rin po kasi ako Inglisera. Yun po ang problema. Hindi po ako katulad ng ibang host na ganun kasi hindi naman po ganun ang kinalakihan ko.

"Sinabi lang po ng boss ko, si Ms. Annabelle Regalado, 'You know what Yeng, just be yourself. As you are. Kung paano ka namin nakikita and as how you talk kapag kaharap mo kami.' Ganun lang. So, no pressure because I know, hindi naman ako kailangang mag-pretend to be someone."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INSOMNIAC. Wala raw problema kay Yeng kahit late night or midnight dahil after pa ng evening news ang pasok niya sa ere, which is around past 12 midnight. Yung mga oras daw na yun ay madalas na gising na gising pa siya at nagpe-Facebook daw kung wala siyang work.

"Ngayon, 'eto ang matatawag ko na pagpupuyat na may sense. Kasi, may insomnia ako, e. So, every night, makikita ako ng mga friends ko, nasa Facebook lang ako. Kumakain ako ng french fries. Three a.m., kumakain ako ng pritong galunggong. Ganun po!" natatawa niyang kuwento.

Dagdag ni Yeng, "Actually, meron din pong page ang facebook at puwede silang magtanong sa wall namin."

NO BOYFRIEND SINCE BIRTH. Twenty-one na si Yeng, pero hindi pa rin daw siya nagkakaroon ng romantic relationship sa totoong kahulugan nito na may solido siyang karelasyon. Yung episode daw with RJ Jimenez ay hindi naman natuloy dahil bata pa raw siya, hindi pa puwede at pinagbawalan siya ng father niya.

Paano kung ligawan siya ulit ni RJ?

"Ay, hindi na po. Wala na po. Magkaibigan na lang po," sagot ni Yeng.

Pero ngayon daw, kung magkaroon man siya ng boyfriend, okay na raw sa tatay niya.

"Nakikita kong parang may sinasabi ako sa kanyang crush ko. Unlike before na parang bata ka pa. Ngayon, parang, 'O, ano naman ang ano niya?' Parang mas open na siya."

Kapag nakikita niya ang kanyang co-hosts sa ASAP na mga in love, ano ang napi-feel niya?

"Parang ano, abnormal ba ako?" natatawa niyang sabi. "Pero hindi naman sa nagpapakaperpekto ko, pero sa tingin ko, ganito lang talaga ako. Kapag tinitingnan ko pa rin ang values ko, ganun talaga ako. Hindi ko kailangang magka-relationship para mag-fit in or gusto ko lang na pareho ako sa kanila. Siguro kung magbo-boyfriend ako dahil mahal na mahal ko yung tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN