PEP EXCLUSIVE: Ruby Rose Barrameda Murder Case Update: DOJ orders filing of parricide against Manuel Jimenez III

The Department of Justice (DOJ) has ordered the filing of parricide against Manuel "Third" Jimenez III. He is the husband of Ruby Rose Barrameda-Jimenez (inset), sister of actress Rochelle Barrameda. Ruby Rose was reported missing in 2007. On June 10, 2009, her corpse was found stuffed in a steel drum inside a metal casing deep in the Navotas Fishing Port waters.


Naglabas na ng kautusan ang Department of Justice (DOJ) Secretary Agnes Devanadera para pormal nang kasuhan ng parricide ang mister ni Ruby Rose Barrameda-Jimenez na si Manuel "Third" Jimenez III.

Si Ruby Rose ay kapatid ng aktres na si Rochelle Barrameda. Noong Agosto 2009, naghain ng Petition for Review ang abogado ng mga Barrameda na si Atty. Rowena Guanzon para maisama sa mga nauna nang nakasuhan ng kasong murder si Jimenez III. Sa rekomendasyon kasi ng DOJ noong taon ding iyon, tanging sina Atty. Manuel Jimenez Jr., Lope Jimenez, Manuel Montero, Eric Fernandez, Leonard Descalso, at Robert Ponce ang pinapakasuhan kaugnay ng kasong pagpatay kay Ruby Rose.

Ayon sa Revised Penal Code, Sec. 1, Art. 246: "Parricide - Any person who shall kill his father, mother, or child, whether legitimate or illegitimate, or any of his ascendants, or descendants, or his spouse, shall be guilty of parricide and shall be punished by the penalty of reclusion perpetua to death." (www.chanrobles.com)

THE CASE OF RUBY ROSE. March 14, 2007 ang iniulat na petsa ng pagkawala ni Ruby Rose. Bago ang kanyang pagkawala, nasa isang custody case para sa dalawa niyang anak na babae si Ruby Rose laban sa kanyang hiniwalayang asawa na si Jimenez III.

June 2009 nang makatanggap ng tawag si Rochelle mula sa isang informer—si Manuel Montero na kalaunan ay umaming isa siya sa mga may kinalaman sa pagpatay kay Ruby Rose at nagturo kung saan matatagpuan ang labi ni Ruby Rose.

June 10, 2009. Nakuha mula sa ilalim ng dagat, 1.85 kilometers mula sa Navotas fish port, ang isang metal box na kinapapalooban ng isang drum, kung saan nakasiksik at nakasemento sa loob ang bangkay ng isang babaeng nakatali at nakaplastik pa ang ulo.

Kinilala ng PNP Scene of the Crime Operation (SOCO) operatives at ni Rochelle ang bangkay bilang si Ruby Rose Barrameda. Ito'y pagkatapos maalisan ng semento, gawan ng forensics investigation at ibigay kay Rochelle ang mga suot nitong alahas at damit para kilalanin ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsampa kaagad ng demandang murder ang National Capital Region Police Office (NCRPO), na pinamamahalaan ni General Roberto Rosales, sa DOJ laban kina Manuel Jimenez III, ang ama nitong si Atty. Jimenez Jr., tiyuhin nitong si Lope Jimenez, at mga tauhang sina Montero, Discalzo, Fernandez, Ponce, at Rudy dela Cruz.

August 25, 2009. Base sa resulta ng imbestigasyon ng DOJ prosecuting panel na pinamumunuan ni Senior State Prosecutor Theodore Villanueva, naglabas ng 19-page resolution ang DOJ na nagrekomenda ng pag-file ng murder charges laban sa magkapatid na Jimenez (Lope at Atty. Jimenez), kina Montero, Fernandez, Discalzo at Ponce sa Navotas-Malabon Regional Trial Court. Absuwelto naman sina Jimenez III at Dela Cruz dahil sa "insufficient evidence on hand."

Pagkatapos ng rekomendasyon ay inilakad naman ng DOJ prosecuting panel na maging state witness si Montero, habang nag-file naman ng Motion for Judicial Determination si Atty. Mario Aguinaldo para sa kliyente niyang si Atty. Jimenez Jr.

September 4, 2009. Sumuko si Jimenez Jr. sa Angono police ngunit agad na nagpa-hospital arrest matapos na magreklamo ng pananakit ng dibdib. Una'y sa Angono Medics Hospital naipasok si Jimenez Jr., pagkatapos ay inilipat sa Philippine Heart Center noong Oktubre, sa utos na rin ng presiding judge na si Judge Hector Almeyda ng Branch 170 ng Navotas-Malabon RTC. At large o wala sa kustodiya ng batas naman sina Lope, Fernandez, Descalzo, at Ponce.

Umapila ang pamilya Barrameda sa inilabas na resolusyon ng DOJ na nag-aabusuwelto kay Jimenez III at nagsampa ng Petition for Review si Atty. Guanzon sa DOJ. Nag-file naman ng Petition for Review ang abogado ni Lope Jimenez na si Atty. Ferdinand Topacio.

Nagpalit naman ng abogado ang isa sa akusado't witness na si Montero. Mula sa mga abogadong bigay ng Public Attorney's Office (PAO) ay kinuha niya ang serbisyo ni Atty. Arturo Paglinawan na agad na nag-file ng guilty plea at Motion to Discharge sa korte. Ani Atty. Paglinawan, isa sa mga requirement sa court proceedings ang pag-amin ng akusado ng guilt para maging state witness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DEVELOPMENTS SO FAR. Noong Lunes, March 1, inilabas ng DOJ ang 12-page resolution na nagrerekomenda ng kasong parricide laban kay Manuel Jimenez III at nag-aabsuwelto naman kay Lope Jimenez.

Ayon sa resolution sa rekomendasyon nitong sampahan ng kaso si Jimenez III: "The statements made by Montero as to the participation of Manuel Jimenez III to the killing coming from what he heard from Spyke (Jimenez III's bodyguard) cannot be simply considered as hearsay. They are independent, relevant statements."


Diin pa ng DOJ kung bakit dapat kasuhan si Jimenez III, "[He] has every motive to participate, if not plan, the murder of his wife" dahil sa buhay pa ring child-custody case nila ni Ruby Rose para sa dalawa nilang anak na babae.

Sa pag-absuwelto naman kay Lope Jimenez, sinabi sa resolusyon na "lack of probable cause" ang isa sa mga dahilan kaya hindi siya dapat kasuhan. Wala rin daw bigat ang statement ni Montero na si Lope ang nag-utos sa kanya na kidnapin at patayin si Ruby Rose, sa utos ni Atty. Manuel Jimenez Jr.

Ayon sa DOJ, "inadmissible" o di katanggap-tanggap ang statements ni Montero laban kay Lope dahil nasasaad sa Rules of Court (Rule 130, Section 28) na ang pag-amin sa isang krimen ng akusado ay katanggap-tanggap para sa akusado lamang at hindi sa iba.

Sabi pa sa resolusyon tungkol sa pag-absuwelto kay Lope, "The inadmissible confessions or admissions of Manuel Montero... are utterly devoid of any evidence that would separately and independently prove conspiracy between Lope Jimenez and other respondents... The inadmissible and utterly insufficient evidence cannot stand when measured against the constitutional right of the accused to be protected against hasty, malicious and oppressive prosecution."

LAWYERS' REACTIONS. Kaugnay nito, kinuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ng mga abugado ng pamilya Jimenez at ng pamilya Barrameda sa pamamagitan ng phone interviews ngayong araw, Marso 12.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Lope Jimenez, masaya ang pamilya Jimenez sa resolusyon ng DOJ: "The family is very elated and we believe justice has been served."

Kahit hindi sila direktang nagkakausap ng kanyang kliyente, sa pamamagitan daw ng pamilya nito ay ipinaaabot niya ang kanyang mga galaw sa kaso at ngayon nga ay ang pagpapaabot ng mabuting balitang ito para kay Lope Jimenez.

Pero hindi pa rin daw sila dapat na magdiwang agad dahil inaasahan daw nila na magsa-submit ng appeal ang mga Barrameda para patuloy na makasuhan si Lope.

"It's their right," sabi nito sa PEP. "They have the right to file a motion for reconsideration with respect to the resolution ordering the exclusion of my client. We'll just have to adapt a wait-and-see attitude with respect to whatever decision or moves the Barrameda family might take, as I've said. At ito naman, there are procedures provided for by law and I am presuming that their lawyer will know what to do in a case such as this."

Hindi naman nagustuhan ni Atty. Rowena Guanzon, abogado ng mga Barrameda, ang resolusyon na ito ng DOJ, kahit na pumabor ito sa petisyon nila noon na maisama sa mga akusado si Jimenez III. Ayon kay Atty. Guanzon, kailangang makapag-file agad ng Information ang DOJ prosecutors sa Navotas-Malabon RTC para makapag-issue agad ng warrant.

"Ang nakakapag-worry kasi sa amin, baka meron nga kaming kaso, wala naman yung akusado. Baka tumakas. Kasi nauna nang nalaman ng kalaban yung resolusyon ng DOJ, bago namin malaman, e. At pag tumakas siya, guilty siya, di ba?" paliwanag ni Atty. Guanzon sa PEP.

Hindi rin nagustuhan ni Atty. Guanzon at ng kanyang mga kliyente ang pag-absuwelto kay Lope Jimenez sa kaso. "Bakit naman naabsuwelto yung Lope at yung Jimenez III nakasuhan? E, sa dalawang 'yan, mas malala pa yung ginawa nung Lope Jimenez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi si Montero, yung state witness, immediate boss niya si Lope Jimenez. In fact, dun nga siya nakatira, e, sa compound, sa BSJ [Buena Suerte Jimenez Fishing and Trading Co.]. Si [Lope] Jimenez, dun din nakatira sa compound, e. Ibig sabihin, itong si Montero ay reporting directly kay Lope Jimenez. Although alam niya na 'yang BSJ pag-aari ng magkakapatid. Pero ang namamahala nun at direct na boss ni Montero ay si Lope. Si Lope talaga ang nag-execute ng plano. Conspiracy 'yan!

"Hindi naman puwedeng ihabla mo si Atty. Jimenez at si Jimenez III 'tapos absuwelto itong si Lope Jimenez, e, siya nga itong nag-utos directly kay Montero, e. Dahil immediate boss siya ni Montero. At dun mismo sa fishing compound pinatay si Ruby Rose. Nandun nung araw na yun si Lope Jimenez," saad ng bugado ng mga Barrameda.

Hindi rin daw nagustuhan ni Atty. Guanzon ang pagtrato ng DOJ sa kaso ni Lope Jimenez.

"While he was a fugitive from justice, nag-file siya ng appeal. E, puwede ba yun kung talagang wala kang kasalanan? Dapat sumuko muna bago mag-file ng appeal. Kung ganyan pala, lahat pala ng akusado puwede silang hindi magpaaresto, they will defy the authority of the court 'tapos magpa-file sila ng appeal sa Secretary of Justice, in the hope na mababaligtad at maabsuwelto sila.

"E, bakit yung mga mahihirap, ikinukulong muna sila habang nag-a-appeal sila? E, yung mga mayayaman tulad ni Lope Jimenez, takas muna habang nagpa-file ng appeal ang abogado niya. Ibig sabihin, tino-tolerate ng Department of Justice ang pag-trample o blatant disregard ng authority of the court? Mali naman yata yun!" himutok ni Atty. Guanzon.

Dapat din daw managot si Atty. Topacio sa Supreme Court at sa Integrated Bar of the Philippines dahil sa pagpapatakas sa kliyente nito habang nililitis. "Noon pa 'yan, e. Nagtaka nga kami, meron siyang appeal, notarized, tapos wala si Lope Jimenez. Sabi ko, mananagot siya for violating the Code of Professional Responsibility ng mga abogado."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Susunod na hakbang daw ngayon nina Atty. Guanzon ang pag-file ng motion for reconsideration laban kay Lope Jimenez.

Hindi rin nagkakalayo ang opinyon nina Atty. Guanzon at Atty. Mario Aguinaldo, abogado ni Atty. Manuel Jimenez Jr. at Jimenez III. May malaking discrepancy raw sa resolusyon ng DOJ.

"Kung inadmissible ang affidavit ni Montero laban kay Lope Jimenez, bakit hindi puwede kina Atty. Jimenez at kay Third [Jimenez]? Simple lang 'yan, kahit hindi lawyer, maiintindihan 'yan, e. Yun ang rule ayon sa resolution ng DOJ, di ba?

"And DOJ secretary has always practiced double standards, public knowledge 'yan, and it's on TV, na nilalapitan siya ng mga Barrameda, nag-uusap sila. E, kami ba, lumapit ba kami? Nakipag-usap ba kami kay Devanadera?" saad ni Atty. Aguinaldo.

Nilabag din daw ng Secretary of Justice ang due process sa pamamagitan ng di pag-issue sa kanya ng kopya ng resolution nito.

"Wala akong kopya. Wala ako sa copy furnished. She has violated the due process," sabi pa ni Atty. Aguinaldo.

Gaya ng inaasahan, magpa-file din si Atty. Aguinaldo ng motion for reconsideration para kay Jimenez III habang patuloy pa rin ang Petition for Bail para naman kay Atty. Jimenez. Pero bago iyon, may pasaring si Atty. Aguinaldo sa mga taong nasa gobyerno.

Aniya, "Ang ating mga public servants should be very careful in issuing resolutions. Public servants must act fairly and squarely and with justice. Tulad nito, kinuha na nga ang ina [Ruby Rose], tapos ngayon, kukunin pa ang ama [Jimenez III], paano na yung mga anak? They should have thought about the repercussions."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN