Mikaela Bilbao says her clinic doesn't cater to "beauty addicts"

The businesswoman became a controversial name last year because of a text message scandal involving two showbiz stars. But she'd like to be known as the owner of a beauty clinic with ethical standards. "'Pag over na, ay! Inaayawan namin," she said. "Kung ano yung maganda sa inyo, i-explain naming mabuti. We will tell them, 'You don't need that. 'Tago mo na lang ang pera mo.'"


Proud ang kontrobersyal na beauty clinic owner na si Mikaela Bilbao sa bago niyang endorsers, sina boxing champ Nonito Donaire Jr. at ang misis nitong si Rachel para sa Mikaela Aesthetic Beauty Center.

"We are building a medical facility in Tagaytay which houses villas and resort, that's Mikaela's Beauty and Wellness Medical Resort sa Tagaytay," kuwento ni Mikaela. "Sa September pa siya mag-o-open."

International na raw ang brand niya. "I would rather compete in Thailand rather than to compete with my fellow Filipinos, okey? Lahat ng Hollywood stars nagpupunta doon," sabi niya.

GOOD TRACK RECORD. "Si Nonito and Rachel, they are an ideal couple. Tapos hindi naman yung basta-basta nag-e-endorse ng isang facility kung hindi naman nila pinaniniwalaan. Kasi siyempre kailangan nilang mag-keep fit ng katawan nila.

"Hindi basta-basta sila nagpapagawa sa isang clinic na hindi nagsasang-ayon sa kasiguraduhan, safety. We have a very good track record sa fulfillment ng mga client namin."

Hindi beauty surgeon si Mikaela kundi isang registered nurse, pero, "doctors under me are very ano, we are affiliated with Dr. Nuni Fernandez of Makati Medical Center. Yes, hindi basta-basta kung sino kundi yung mismong anak ng president ng Makati Med ang aming affiliation pagdating sa surgical."

HAVEN'T HEARD FROM POPS. Pagkatapos ng mag-asawang Donaire, meron pa bang ibang endorsers na kukunin ang Mikaela's Aesthetic Beauty Clinic?

"Ayaw ko i-preempt kasi dati nagsabi ako hindi natuloy. Pero we will be coming out with more celebrity endorsers. Si Rufa Mae [Quinto] and si Ruffa Gutierrez."

What about Pops Fernandez na kasabay na ni-launch noon ng Mikaela with Rufa Mae and Ruffa?

"I haven't heard anything from her."

Matatandaang nagkaroon ng hidwaan noong October sa pagitan nina Mikaela, Pops at Gretchen Barretto, tungkol sa mga text messages na pinadala diumano ni Mikaela sa dalawang artista at nagsabing may kumisyon sila sa Dept. of Public Works and Highways. Pawang tinanggihan ni Pops at Gretchen ang akusasyon, at pinabulaanan naman ni Mikaela na siya ang source ng text messages. (CLICK HERE for related article.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEAUTY ADDICTS. Hindi ba sila ang gumawa ng lips ni Pops?

"Hindi, ha. Swear! Yung katawan lang, yung payat lang [ni Pops]. Pero hindi ko papayagan yung ganun, 'no.

"Over na, di ba? Pag over na, ay! Inaayawan namin," diin niya. "Kasi pangalan namin ang nakataya d'yan. Ay, hindi puwedeng basta kung ano lang ang gawin namin sa pasyente.

"Hindi naman sa tumatanggi kami pero kung ano yung maganda sa inyo, i-explain naming mabuti. Hindi naman tatanggihan na mababastos ka or anything. We will tell them, 'You don't need that. 'Tago mo na lang ang pera mo.'

"Sa totoo lang kasi, alam mo, there's an addiction of being beautiful. There's an addiction to surgery. There's a certain addiction for ano, so a professional doctor, my doctors, are trained not to do anything not appropriate or ethical. Kaya nga doon sa tagline namin, 'Safety First.'

"Wala naman kaming psychiatrist doon. Pero nakakaadik magpaganda, lalo na yung pag naumpisahan mo nakita mo ang sarili mo, 'Ay, maganda pala,' doon sila nao-over.

"It's all up to the person and it's all up to the doctor, as a medical practitioner, to tell you, the patient, what is good for you and what is not good for you. Ano mo yun, e, responsibilidad mo yun na sinumpaan mo bilang doctor, di ba?

"Yun nga, hindi ka dapat tumanggi sa pasyente pagdating na sa pangangailangang medical. So, may nakikita ako, minsan kapag may problema na wala na yung mga doctor. Hindi na nila inaasikaso, ayusin or anything. Yun, wala na. Dahil ba waiver ba, ganun? Napaka-unethical naman noon and napaka-inhumane naman no'n."

INTRIGUES. Tatanggapin ba niya si Hayden Kho just in case mag-apply sa clinic niya?

"I don't think aanuhin siya ni Vicki [Belo], ikaw naman. Huwag na nating intrigahin ang kanilang love story. "

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya kanina hindi na sila nagkausap ni Pops.

"Yeah. Hindi pa rin kami nagkita. But I wish her all the best. I wish everybody the best."

Kung kausapin siya ni Pops, makikipag-usap ba siya sa dating kaibigan at endorser?

"Alam mo, nung 2009, stress na stress ako sa lahat ng nangyari nga, pati sa pagbibintang sa akin ni Gretchen and everything. Kasi naman hindi ako sanay sa showbiz, di ba? At hindi naman ako showbiz to begin with. Negosyante ako.

"So, stress na stress ako. So, ngayong natapos na ang 2009, believe it or not, talagang hinintay ko na matapos ang 2009. Kasi sabi ko, ang 2010 is a new start. Kinalimutan ko na lahat. Tinanggal ko na lahat ng hindi maganda sa buhay ko."

Kaya hindi na matutuloy ang anumang demandahang napaulat noon?

"Wala naman akong ano, e, it's such a waste of time. One day you're friends and then one day, magkikita rin kayo. The world is so small, di ba?"

GREETINGS FROM GRETCHEN. Nagkaayos na ba sila ni Gretchen?

"Lahat-lahat naman ng ano, wala akong ano, I don't carry any grudges kasi mabigat yun sa dibdib, e. Pero pinagbintangan naman kasi ako ni Gertchen na nagte-threaten. E, matapang din naman ako na tao. So, kung magtre-threaten ako, sa mukha mo hindi sa likod mo, di ba? So, yun. Wala akong kamalay-malay.

"Pero nag-greet siya sa akin ng happy birthday nung November 14, 2009. Nagpasalamat lang ako. Everybody who greeted me happy birthday. Life is short."

Binati rin ba niya niya si Gretchen nung birthday niya?

"Sinabi sa akin ni Tito Mario [Dumaual, TV Patrol] kung puwede ko raw batiin si Gretchen. Sabi ko, huwag muna, di ba? Hayaan na lang natin na ganyan."

Tahimik na ang lahat pagkatapos magpainterbyu ni Mikaela sa mga showbiz talk shows.

"Yun na nga, e, kasi sabi niya meron siyang [Gretchen] long interview tapos wala naman, di ba? So, walang basehan ang kanyang pag-aano. Kasi kung meron siya, knowing Gretchen lumabas na yun, di ba? Wala naman, e. Kasi walang katotohanan," pagtatapos ni Mikaela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN