Valerie Concepcion feels pressure as one of FHM's sexiest of the decade

"Bilang isa sa mga 25 na napili nila, baka sabihin kasi ng mga tao na makakakita sa 'yo in person, 'Ay, she doesn't deserve it.' So, parang may pressure," said the 22-year-old mother of one.


Kabilang si Valerie Concepcion sa mga Hot Mamas na kinikilala ng FHM bilang mga sexiest women of the decade, alongside Eula Valdez, Jean Garcia, Sunshine Cruz at Dina Bonnevie.

Kung may nabago sa buhay niya after being on the FHM cover, natatawa niyang sinabing, "Nakakahiyang sabihin na dumami ang admirers ko. Siguro, ano lang, parang naging aware ang mga tao na, 'Uy, sexy pala 'to...'"

May pressure ba sa kanya na kailangang maging sexy siya palagi?

"Medyo!... Bilang isa sa mga 25 na napili nila, baka sabihin kasi ng mga tao na makakakita sa 'yo in person, 'Ay, she doesn't deserve it.' So, parang may pressure."

Pero, "happy and touched, honored" siya na mapabilang sa listahan.

"At saka, ang ganda ng description sa magazine. Nag-text ako agad sa editor ng magazine. Sabi ko, 'Sir Allan [Madrilejos], na-touch ako, ha! Ang sweet n'yo, ang ganda ng pagka-describe.'"

CAGER BOYFRIEND. May nagtanong kung sino ang escort niya that night, since a lot were expecting na darating siyang kasama ang rumored cager boyfriend na si Dondon Hontiveros. Pero mabilis ang sagot niyang, "Wala akong escort," sabay tawa.

Napansin ng press na parang ayaw na nitong pag-usapan ang basketball player.

Sa tanong kung sila pa rin ba, sagot niya, "Next question please! Ay, alam mo, ang ganda-ganda ko tonight! 'Wag mong sirain! Charoz! Ha-ha-ha!"

Pero seriously, wala na nga ba sila?

"Well, medyo nababawasan na yung pagkikita namin, e. Pero okay lang naman. Siguro because of work din. Campaign period, so, walang time...

"Hindi naman cooling off, pero, sinabi ko sa kanya na hindi muna ako puwedeng makipagkita or hindi muna ako puwedeng lumabas."

Hindi naman daw siya nakikipag-break. "Parang ang dami kasing work, hindi ko siya masingit."

WOWOWEE. Tinanong namin si Valerie kung totoo bang lilipat na siya ng network? May balitang sa TV5 siya pupunta at may balita ring babalik siya sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hay naku, talaga?" natatawa niya lang sabi. "Wala akong alam. Hindi ko alam. Kasi, ang alam ko, kakapirma ko lang. Pumirma ako ng six months sa Wowowee. So, yun. Happy ako."

Confirmation na ba 'yon na mananatili siyang Kapamilya?

"Hindi ko pa alam," sabi niya. "I'm actually exclusive for Wowowee, but with ABS, hindi. So, yung mga non-exclusive project sa ibang network, puwede.

"At saka, ako naman, kung saan may trabaho, di ba? Choosy pa ba ako? Siyempre, may anak tayo na kailangan kong paghandaan ng future. Basta may trabaho at hindi naman magkakaroon ng problema sa Wowowee, okay ako."

Sinagot din ni Valerie ang isyung threatened daw siya kay Sam Pinto.

"Hindi naman. Kasi, lahat naman sa show welcome naman kahit sino. Imbes na ma-threaten, take it as a challenge na dumarami kayo. Kailangan gumawa ka ng way para maiba or mas maipakita mo yung galing mo, parang ganun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN