Ryan Agoncillo says he seems to be sharing pregnant Judy Ann's cravings

"Nakikihati siya [Judy Ann Santos] sa pagkain ko. Nakikihati rin ako sa pagkain niya. Instant yun, in 30 minutes, makakatulog ako. Parang ganun yata kapag nag-share ka ng pagkain or inumin with the pregnant woman, di ba?" the first-time father-to-be relates his experience joyfully.


Friday, March 12, sa Eat Bulaga!, in-announce ni Ryan Agoncillo na two months and four days pregnant na ang asawang si Judy Ann Santos, habang ipinapakita ang ultrasound picture ng baby.

Sa phone patch interview ng show kay Juday sa araw ding iyon, halata ang sobrang kaligayahan ng mag-asawa sa matagal na nilang hinihintay na blessing.

Nag-follow-up interview si Joey de Leon kay Ryan sa Startalk kahapon, March 13. Kuwento ni Joey, ang dabarkads daw ng Eat Bulaga!, si Allan K, ang unang nakahula na buntis na nga si Juday. Nagsimula raw ito sa isang laro ng Pinoy henyo kunsaan hinulaan kung ano ang nasa isipan ni Ryan.

CRAVINGS. Kuwento ni Ryan, noong Biyernes ng umaga sila nagpa-ultrasound at nakumpirmang buntis nga si Juday.

"Yun, nakita namin yung litrato ng bata. Two months and four days na siyang pregnant. May ulo na. Nagsisimula na ang mga braso at mga binti."

Naglilihi na ba si Misis?

"Hindi naman siya maselan maglihi. Meron lang siyang hindi makain dahil yung amoy, iniiwasan niya. Pero like yung fish, dati mahilig siya sa fish. Hindi niya makain dahil malansa."

Kuwento pa rin ni Ryan, "Nakikihati siya sa pagkain ko. Nakikihati rin ako sa pagkain niya. Instant yun, in 30 minutes, makakatulog ako. Parang ganun yata, kapag nag-share ka ng pagkain or inumin with the pregnant woman, di ba? Parang ganun ang nangyayari."

YOHAN'S DELIGHT. Wala rin daw pagsidlan ng tuwa si Yohan, ang adopted daughter nila.

"Yes, tuwang-tuwa. Siya actually ang pinag-a-announce namin sa mga family and friends namin."

Wala naman daw preference sina Ryan at Juday kung magiging boy o girl ang kanilang anak.

"Marami na kaming biyayang nakukuha sa Diyos, hindi na namin hihingiin pa yun. Kung ano ang ibibigay sa amin, kusa, so, kahit na ano, masaya ako."

May plano sana silang magbakasyon sa Europe, pero itutuloy lang nila "kung papayagan ng doctor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Less workload at maagang pagtulog daw ang kailangan ni Juday ngayon.

LOLA CAROL. Mabilis din daw na ibinahagi ni Juday ang good news sa kanyang Mommy Carol sa telepono.

Ayon kay Mommy Carol, "Tinawagan niya ko. Sabi niya, 'Nasaan ka ba?' Sabi ko, 'Nandito ako sa Batangas.' Sabi niya, 'May TV ba d'yan? E, kasi, in-announce ni Ryan at saka ipakita niya yung picture ng ultrasound ng bata.' Sabi ko, 'Naku, sayang wala namang TV dun sa pupuntahan namin.' Tapos tuwang-tuwa. Diyos ko, my God, it's an answered prayer talaga!"

Ang wish naman ni Mommy Carol, sana raw lalaki ang ipinagbubuntis ng anak.

"Lalaki, siyempre. Para complete na sila. Siyempre, may girl na sila. So, may boy na rin, di ba?"

Okey sa kanya kung ituloy nina Ryan at Juday na magbakasyon sa Europe.

"Kailangan din naman nilang magpahinga, kailangan din nilang magbakasyon. They owe it to themselves, di ba? But then, if it's too risky for Juday's pregnancy, then I will be against na aalis sila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN