Paolo Contis and Lian Paz relive the birth of baby Xonia Aitana on Startalk

Lian(right) labored for two days until the baby had to be delivered by caesarian section on March 7.


Last Sunday, March 7, sa ganap na ika-4:35 a.m. ay isinilang ni Lian Paz ang kauna-unahang anak nila ni Paolo Contis na si Xonia Aitana sa St. Luke's Hospital. Pero Huwebes pa lamang ng gabi ay ipinasok na si Lian sa naturang hospital.

Umabot nang halos dalawang araw ang labor ni Lian kaya nagpasya na si Paolo na isilang ang kanilang anak via caesarean section.

Malaking baby si Xonia at 7.8 lbs., sa habang 20.6 inches.

PATERNAL HIGH. Live guest si Paolo sa Startalk nitong Linggo at kinamusta siya ng mga host kung ano ang pakiramdam ng bagong tatay.

"Grabe, grabe, masaya! Iba yung feeling. Iba yung high na meron kang baby na inaalagaan sa bahay."

Kuwento pa ni Paolo, "Nandun ako mismo noong isinilang siya kaya hindi ko pinalampas ang pagkakataon na mahawakan siya. Ako ang unang humawak sa kanya. "

Bakit umabot ng dalawang araw ang labor ni Lian?

"Medyo matagal yung labor process. Yung mag-open ang cervix, medyo matagal talaga. At noong time na bumuka naman, si baby, natali sa cord yung paa. So, every time na nagpu-push siya, bumabalik at bumabalik si baby. So, medyo nai-stress siya. Kaya yun, kinailangan na siyang i-CS. Medyo napapagod na si baby."

RELIEVED MOM. Nakausap din ng Startalk via phone patch si Lian.

Ayon sa bagong mommy, "Heto, okey naman." Pero, nahirapan daw talaga siya.

"Grabe, 4-5 cm. pa lang, sobrang sakit na talaga. Tapos, hindi pa raw ako puwedeng bigyan ng anesthesia, 6 cm. pa raw puwede. So, tiniis ko talaga yun."

Biro ni Butch, hindi raw ba nito sinusumpa si Paolo habang nagli-labor siya?

"Hindi naman, pero, hinihila ko lang siya. Sira ang damit niya," natatawang sabi ni Lian.

Through Startalk, pinasalamatan ni Lian ang kanyang ob-gyne at ang team nito sa St. Luke's, gayundin ang mga nurses na sobra ang bait at pag-alaga sa kanilang mag-ina, at sa pediatrician ng kanilang baby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Lian, "Siyempre, kay Pao. Kulang na lang mabigyan 'yan ng certificate na puwede na siyang maging nurse. Kasi siya talaga ang nag-aalaga sa akin nang sobra-sobra."

BIRTHDAY WISHES. Birthday ni Paolo sa March 14, kaya tinanong si Lian kung ano ang wish niya para dito.

"Nandiyan na ang baby niya, yun na ang gift ko sa kanya," sabi ni Lian. "Siyempre, good health, more success pa sa career niya at saka kung ano ang wini-wish niya, sana, makuha niya yun."

Hiningan din ng pagbati ang isa pang babaeng malapit sa puso ni Paolo, ang kanyang inang si Jean Contis.

Sabi nito, "Happy Birthday, anak. Alam ko naman na masaya ka. Biruin mo tatay ka na and what a pretty girl. Sana patuloy kang magsikap para sa anak mo. Patuloy ka rin sanang magtagumpay. Huwag mo lang kakalimutan ang mga itinuro namin sa 'yo na para magtagumpay, hindi mo kailangang manapak.

"Kailangan lang ay gawin mo ang tama at mahalin mo ang trabaho mo. Alam mo naman na wala akong babaeng anak, kaya mahal na mahal ko si Xonia. Tulad din ng pagmamahal ko kay Shaira."

Sa huli, tinanong si Paolo kung ano ang hiling niya sa birthday niya.

"Ako? Wala! Masayang-masaya 'ko ngayon, e. Nakuha ko ang pinakamagandang regalo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN