Singer-actor Mark Bautista "returns" to Kapuso network


Top frame: Mark Bautista (middle) signed an exclusive contract with GMA Network last week together with his manager VIVA Senior Vice President Veronique Del Rosario-Corpus (extreme right). Present in the said contract signing were GMA Network Chairman, President and CEO Felipe L. Gozon (second to the left), Executive Vice President and COO Gilberto R. Duavit, Jr. (second to the right) and GMA Films President Annette Gozon-Abrogar (extreme left);



Sunud-sunod ang contract signing na isinasagawa ngayon sa bakuran ng GMA-7.


Bukod sa mga dati nang talents ng Kapuso network na nag-renew ng kanilang mga kontrata, may ilan din namang mga bagong Kapuso. Isa na nga rito ang singer-actor na si Mark Bautista.


Pumirma ng three-year guaranteed contract si Mark sa GMA-7 last Thursday, March 11. Kasama niyang pumirma ang manager niya na si Veronique del Rosario ng Viva Artist Agency.


Ayon kay Mark, hindi naman talaga siya lumipat mula sa ABS-CBN, kung saan napapanood siya sa musical-variety show na ASAP, kundi nagbabalik lamang siya sa GMA-7.


"Hindi naman 'to talaga 'to na parang lumipat. Pero bumalik lang ako kasi actually, dito nga ako nag-start," sabi niya.


Matatandaang bago naging Kapamilya si Mark ay lumabas sila noon ni Sarah Geronimo sa SOP pagkatapos ng Star For A Night, ang singing contest ng Viva hosted by Regine Velasquez na ipinalabas sa IBC-13.


Dagdag ni Mark, hindi rin daw siya nahirapang magdesisyon na bumalik sa GMA-7.


Tatlo agad ang shows na gagawin ni Mark sa Kapuso network. Una rito ang Sunday musical-variety show na Party Pilipinas, na kapalit ng SOP at makakatapat ng dati niyang programa sa ABS-CBN na ASAP.


STARTALK HOSTS. Last Friday naman, March 13, ay nag-renew ng kanilang mga kontrata ang mga host ng Startalk na sina Joey de Leon, Butch Francisco, Ricky Lo, at Lolit Solis.


Ang iba pang Kapuso stars na pumirma ng kontrata last week ay sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Katrina Halili, Lovi Poe, Kyla, Jay-R, TJ Trinidad, Raymond Gutierrez, Ehra Madrigal, Ynna Asistio, Bubbles Paraiso, at ang StarStruck V winners and avengers.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN