Nina Kodaka shoulders the education of her two cousins

Although Nina Kodaka has just started her showbiz career, she has been shouldering the education of her two cousins.


Dahil certified na siyang artista at Kapuso, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang StarStruck V Avenger na si Nina Kodaka kung sino ang gusto niyang maging katambal among the male stars of GMA-7.

"Ang una-una siyempre kung sino yung mga nakasama ko sa competition sa loob ng StarStruck. Outside, wala pa ako maisip, e," sagot ni Nina.

Noon palang hindi pa artista si Nina ay inamin niyang crush niya ang Kapamilya actor na si Rafael Rosell.

"Pero sa kabila siya, e, ngayon hindi ko na siya gusto," diretsong sabi ni Nina. "Kaya lang nung nasa Japan ako, sobrang crush ko siya, napapanood ko siya sa TV. Tapos yung isa, hindi siya masyadong sikat, e—si Mikel Campos [Viva talent]."

Bakit ayaw na niya kay Rafael?

"Hindi sa ayaw ko na kay Rafael, kaya lang siyempre kapag may hinahangaan kayong artista, siyempre nagpapalit-palit, di ba? Pero sa loob ng StarStruck, si Rocco [Nacino] ang gusto ko," sabi ng Filipino-Japanese newcomer.

NINA'S SCHOLARS. Bagamat nagsisimula pa lang si Nina na kumita mula sa kanyang pag-aartista ay tumutulong na siyang magpaaral ng ilan niyang mga kamag-anak.

"Para yun sa mga tuition ng mga pinsan ko kasi bata pa siya, eight years old pa lang siya. Yung parents, tito ko, nasa Barcelona siya kaya lang wala siyang maipadala. Pansamantala ako muna ang nagpapaaral," banggit niya.

Dalawang pinsan niya ang kasalukuyang pinag-aaral ngayon ni Nina.

"Ang mommy ko, madami din siyang pinag-aaral na pinsan," banggit pa niya.

Kahit daw noong nasa Japan pa siya, tumutulong na siya sa pag-aaral ng isa niyang pinsan.

"Kasi nung nasa Japan ako, kami talaga yung nagpapaaaral sa kanya, e. Ngayon kasi yung isang tito ko, hindi ko alam kung ayaw na niya o wala na siyang maipadala. Hindi magkapatid yung pinag-aaral ko, magkaiba ang parents nila. Sa amin siya tumira 'tsaka hindi na sila iba sa akin. Yung Grade 1 nakatira sa amin, yung Grade 3 hindi. Dati yung nakatira sa amin, pero ngayon hindi na dahil naghiwalay sila ng tito ko, dun siya sa mommy niya," kuwento ni Nina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasalukuyang napapanood si Nina bilang segment host sa Startalk at field correspondent sa Wipeout.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN