Sen. Bong Revilla will stay as Kapuso star even after May elections

"Natutuwa tayo dahil yung tiwala ng mga tao, yung pagmamahal sa akin nandun. Nagpapasalamat ako. Anywhere I go, napakainit ng pagtanggap sa akin. At yung mga surveys na naglabasan, kumbaga, lagi tayong nasa top, talagang nakakatuwa. Hindi mo maipaliwanag, e. Parang tuluy-tuloy yung suwerte natin nanggaling pa sa Panday," says Sen. Bong Revilla about leading the senatorial race in election surveys.


Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na makausap si Sen. Bong Revilla sa get-together presscon na inihanda ni Mother Lily Monteverde para sa kandidatura ng mag-asawang Bong at Lani Mercado sa May 2010 elections. Ginanap ang presscon kagabi, March 16, sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato cor. Timog Ave., Quezon City.

Bukod kina Bong at Lani, present din sa presscon ang mga anak nila na sina Bryan, Jolo, Inah, Gianna, Franz, at Ram. Naroon din ang asawa ni Inah na si Vince del Rosario kasama ang anak nilang si Alexa Daniella, gayundin ang anak ni Jolo kay Grace Adriano (daughter of Rosanna Roces) na si Gab o Budoy. Pumunta rin ang ilan sa mga kaibigan ng mga Revilla sa pangunguna na ng aktor na si Phillip Salvador.

FOCUS ON ELECTION. Ayon kay Sen. Bong, pansamantala muna niyang ipinahinga ang kanyang schedule para sa mga showbiz commitments dahil mas nakatutok nga siya ngayon sa kanyang kampanya para sa muli niyang pagtakbo sa Senado.

"Dito muna tayo naka-focus sa kampanya ngayon. Kanina [umaga ng March 16] nga kagagaling lang natin sa Davao para dalawin ang mga kababayan natin doon at hingin na rin ang kanilang suporta para sa darating na eleksyon. Matagal na rin kasi tayong hindi nakadalaw sa Davao, e. Straight from the airport dumiretso kami dito. So, ngayon dito muna tayo sa eleksyon," kuwento ng actor-politician.

Nangunguna si Sen. Bong sa mga senatorial surveys na lumalabas. Ano ang masasabi niya rito?

"Natutuwa tayo dahil yung tiwala ng mga tao, yung pagmamahal sa akin nandun. Nagpapasalamat ako. Anywhere I go, napakainit ng pagtanggap sa akin. At yung mga surveys na naglabasan, kumbaga, lagi tayong nasa top, talagang nakakatuwa. Hindi mo maipaliwanag, e. Parang tuluy-tuloy yung suwerte natin nanggaling pa sa Panday," ani Bong.

Ano naman ang reaksiyon ng kanyang amang si Sen. Ramon Revilla Sr. sa magandang standing niya sa surveys?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Umiiyak siya sa tuwa. At talagang nata-touch din ako. Tapos tatawag sa akin yun, 'Anak, congratulations.' Biglang hihinto siya, yun pala umiiyak na sa phone. Yung pakiramdam na ganun... Sabi ko, 'Daddy, huwag kang iiyak.' Sabi niya, 'I'm very, very happy. Congratulations.'"

Masaya ring ibinalita ni Bong na maging ang asawa niyang si Lani, na tumatakbo naman bilang kongresista sa second district ng Cavite, ay maganda ang pagtanggap ng mga CaviteƱo base na rin sa survey na lumabas.

"Base sa survey, 60 percent si Lani, 30 percent yung kalaban niya at yung isa na independent 7 percent, tapos 3 percent undecided. So, she's doing very well in the surveys. Sabi ko nga kung eleksyon na bukas, tapos na ang halalan. Kumbaga sa survey na ganun, matibay na yun. Nakikita ko naman na maganda ang pagtanggap sa kanya sa Bacoor. At saka ang mayor naman doon yung kapatid ko [Strike Revilla]," saad niya.

STAYING WITH GMA-7. Matapos ang ilang mga tanong tungkol sa pulitika hindi rin pinalampas ng PEP na matanong si Bong ng ilang bagay na may kinalaman sa kanyang showbiz career. Una na rito ang tungkol sa iniwan niyang hosting job sa Kap's Amazing Stories ng GMA-7, kung saan ang pansamantala niyang naging kapalit ay ang anak na si Ram Revilla with Jayda Avanzado, anak naman nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado. Babalik pa ba siya sa show?

"Pinababalik na nila ako sa Kap's Amazing immediately after the election," sagot niya.

Bukod sa show niyang ito, may iba pa ba siyang gagawin sa GMA-7?

"Tingnan natin kung may iba pa tayong magagawang mas maganda."

May exclusive contract ba siya sa Kapuso network?

"Wala kaming kontrata."

Paano kung magkaroon ng offer sa kanya ang ibang network, tatanggapin niya ba ito?

"Well, wala, walang nag-o-offer. Nasa GMA pa rin tayo. Mananatili tayong Kapuso even after the election."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANG PANDAY SEQUEL. How about ang sequel ng pelikula niyang Ang Panday, na itinanghal na Best Picture at top grosser sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2009, matutuloy pa ba ito?

"Yun ang pinag-uusapan naming mabuti kung aabot ang Panday. Well, first gusto kong magawa ang Panday. Kumbaga, ipinangako natin iyan sa mga tagahanga at saka sa mga tagasubaybay ng Panday. So, let's see kung aabot."

So far, ano na ang status ng Panday 2?

"Sa ngayon ginagawa yung script. Tingnan natin kung kayang gawin at kung aabot siya for Metro Manila Film Festival. Medyo alam ko maraming umaasa na kung maipapalabas natin yung Panday. Basta hindi natin pababayaan na hindi maganda yung proyekto. Kung hindi man siya aabot, siguro sa 2011."

Usap-usapang ang Panday 2 daw ang magiging acting debut ng apo niya kay Jolo na si Budoy. Totoo ba ito?

"Wala, wala, hindi pa namin napag-usapan. Siyempre, marami kang pagpapaalamanan dun, sa nanay niya [Grace], sa lola niya [Rosanna]. Wala, wala. Mag-aaral 'yan, si Budoy," sabi ni Bong.

May mga nagsasabi na kinakikitaan na ng potensiyal si Budoy sa pag-arte at pagpe-perform. Kung sakali, papayagan ba niya itong pasukin din ang showbiz?

"Makikita mo yung bata mahilig din at matalino. Pero para sa akin, dapat mag-aral muna siyang mabuti. Focus sa pag-aaral," ani Bong.

Kumusta naman ang napabalitang team-up movie nila ni Bossing Vic Sotto?

"Pinag-aaralan ngayon. Yun nga, may mga bagay na dapat i-consider. Tingnan natin. Nothing's definite yet. Let's see after the election," sagot niya.

HAPPY FOR JOLO'S CAREER. Maganda ang career sa ABS-CBN ng kanyang anak na si Jolo Revilla. Humataw pa nga sa ratings ang nakaraang fantaserye nito na Agimat Presents Pepeng Agimat. Anong nararamdaman niya for Jolo?

"Masaya ako sa career ni Jolo. Talagang hindi rin siya pinabayaan ng ABS-CBN. Talagang tinutukan siya. Pati sa acting niya, iba na yung galaw niya ngayon. Yung action scenes niya...everything is perfect. Maganda yung takbo ng career niya. Kaya sabi ko sa kanya, basta stay focus. Huwag lalaki ang ulo. Kailangan palagi tayong nakatuntong sa lupa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi lang ang serye ni Jolo ang pumalo sa ratings, maging ang iba pang serye na ipinalabas under Agimat Presents ay pawang tinangkilik din ng mga manonood, gaya ng Tiagong Akyat ni Gerald Anderson at ang kaslukuyang umeere pang Tonyong Bayawak ni Coco Martin. Anong masasabi niya rito?

"Well, natutuwa ako at least yung agimat ni Ramon Revilla ay gumagana pa rin hanggang ngayon. So, sa tingin ko, mahaba pang panahon ang itatakbo ng agimat na iyan," nakangiting sabi ni Bong.

Kinumpirma naman ni Sen. Bong na muli ngang mapapanood sa isa na namang serye ng Agimat si Jolo dahil na rin sa magandang ratings na nakuha ng pinagbidahan nitong Pepeng Agimat.

"May gusto silang ipagawa kay Jolo, yung Kapitan Inggo, Kumakain ng Bala. Maganda rin yun, e. Isang malakas na pelikula yun ng dadddy before. In fact gusto ko sanang gawing pelikula yun. Pero nagustuhan ni Jolo, okay lang na gawin niya. Natutuwa lang ako na yung suporta ng mga manonood ay nandun."

Ano naman ang reaksiyon ng kanyang ama sa tagumpay na tinatamasa ng pagsasatelebisyon ng mga Agimat movies nito?

"Alam mo yung Agimat, siya yun, e. Kaya nga every Saturday nakatutok na iyon. Wala nang makakaagaw ng channel na yun kundi para sa kanya. Agimat is Ramon Revilla. Sabi ko nga, itong Agimat na ito, marami pa itong matutulungan na mga artista. Isa na ang tatay ko, isa na rin ako, si Jolo, so mamanahin pa ito ng hanggang kaapu-apuhan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN