Aiza Seguerra's suggestion to NHI on singing the National Anthem: "Sila na lang kumanta o pumili ng kakanta."

"Kung may sarili silang standard sa pagkanta ng 'Lupang Hinirang,' at gusto nila sila ang masusunod, sila na lang ang maghanap ng singer. Sila na lang kumanta o pumili ng kakanta. Magpa-audition sila, at least mamanduhan nila. Stop the criticism already," says Aiza Seguerra.


Nag-react ang singer na si Aiza Seguerra sa reklamo ng National Historical Institute (NHI) sa lead singer ng Journey na si Arnel Pineda dahil sa mali raw nitong pagkanta ng ating Pambansang Awit na "Lupang Hinirang" sa katatapos na laban ni Manny Pacquiao kontra kay Joshua Clottey. (CLICK HERE to read related story.)

Kaya nang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Aiza kung gusto rin niyang kumanta ng National Anthem sa laban ni Pacman, ito ang sagot niya: "Sobrang dami ng kritiko. Parang ayaw ko na.

Paliwanag niya, "Hindi sa ano, siyempre gusto ko, gusto kong i-honor ang country ko. I'd be very, very proud. Pero if after nun, puro criticisms lang ang maririnig ko dahil hindi nagustuhan ng isang institution ang pagkakanta ko, parang what's the point?"

Nakausap ng PEP si Aiza sa presscon ng concert na Acoustic Sessions with Aiza, Princess and Juris, na gaganapin sa April 16 sa Skydome ng SM North Edsa.

Natatakot na ba siyang kumanta ng Pambansang Awit?

"Hindi naman natatakot, pero masyado lang naki-criticize, e," sagot ng acoustic singer. "Ang sa akin, meron pala kayong paraan ng tamang pagkanta, might as well...kayo na lang ang kumanta.

"Alam ko na mahalaga siya sa atin, pero ang singer kasi may sariling interpretasyon sa song. Let's say National Anthem natin yun, kumbaga, I think ginagawa na namang isyu kay Arnel, di ba? I think kinanta naman niya sa ayos. Sa dulo daw parang binirit. But I think normal kasi gusto mong ibirit kasi gusto mong... Di ba, pag kinanta mo yun—'Ang mamatay ng dahil sa iyo'— mainit yung crowd sa paligid mo. Bakit hindi mo pa ibigay, hindi ba?

"Kasi, para wala nang mga issues na ganyan, yung NHI, magpa-audition sila ng kakanta, sila na lang. Kasi sabi ko nga, I think the only reason kung bakit naibirit ni Arnel yun sa bandang dulo, kasi emotions yun, e. Kasi kapag kumakanta kang ganyan, tapos nagsisigawan yung crowd sa paligid mo, emotions are running high niyan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nga, sabi ko nga," patuloy niya, "kung gusto n'yo ng mga taong sunud-sunuran lang sa gusto n'yo, kayo ang mag-provide ng singers. Kasi sa akin, kahit kaninong version, as long as you do your best, as long as you give your heart sa ginagawa mo, there's nothing wrong with that, and I think Arnel gave out his heart.

"I think lahat ng singers na kumakanta ng National Anthem natin ay gustong ibigay ang lahat ng puwede nilang ibigay. Naki-criticize sila because they want to give everything... Nagiging unfair, alam mo yun? Huwag namang i-criticize ang isang tao dahil gusto niyang ibigay yung best niya.

"Kung may sarili silang standard sa pagkanta ng 'Lupang Hinirang,' at gusto nila sila ang masusunod, sila na lang ang maghanap ng singer. Sila na lang kumanta o pumili ng kakanta. Magpa-audition sila, at least mamanduhan nila. Stop the criticism already.

"Ano yung every Pacquiao fight, expect mo...si Pacman ang mananalo tapos iki-criticize yung pagkanta ng National Anthem. Parang old news na 'yan. Tama na! Bakit sa American Anthem, nakakanta nila how they feel it? Kasi National Anthem ito ng bawat tao, e. Kasi ito yung gusto ko, e. Eto ang nararamdaman ko, e... 'Ang mamatay ng dahil sa iyo?' Paano mo maibibigay yun na pababa ang nota mo? Gusto mo itaas, di ba?" mahabang paliwanag ni Aiza.

Dagdag pa ni Aiza, mahirap talagang sundin ang exact tempo ng "Lupang Hinirang" lalo na kapag walang minus one o bandang accompaniment.

"Ang hirap nun kung kakantahin mo lang siyang mag-isa. Ultimo yung mga gusto nilang lakas at hinang part, hindi masusunod talaga 'yan, e.

"Kaya nga uulit-ulitin ko, kung gusto nila, sila na lang o kumuha sila ng singers na gusto nilang susunod sa kanila. Kasi, masisira lang ang morale ng singers na kumanta nun. Alam ko namang lahat ng kumanta in the past, they all did their best kaya mataas ang respeto ko sa kanila," sabi niya pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang comment niya sa sinasabi nilang kawalan ng respeto at pambabastos sa National Anthem pag hindi mo ito nakanta nang tama?

"Alam mo, para sa akin, mawawalan ako ng respeto sa isang tao na hindi niya ibinigay ang best niya sa isang bagay. Pero sa tingin naman ng artist na yun ay ibinigay na niya ang best niya, I don't think na kawalan ng respeto yun. Kasi ibinigay mo ang lahat ng pagkatao mo sa pagkanta nun, e.

"I think mas mawawalan ako ng respeto sa isang tao na pag sinabing ito ang gawin mo, ito ang gagawin nila kasi sunud-sunuran lang sila, e, di ba? Ganun ba ang Pinoy, sunod-sunuran? Hindi, e. Hindi naman nawala ang tono, alam mo yun? Birit lang nang birit, so anong problema nila, di ba?" puno ng emosyong pahayag ni Aiza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN