Toni Rose Gayda's youngest son dies in a freak accident

TV personality Toni Rose Gayda mourns the sudden death of her youngest son Edward James Lim, who is also the grandson of veteran actress and Philippine National Red Cross head Rosa Rosal. Report says James accidentally fell of a condominium building.


Isang balita ang nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, March 19, tungkol sa pagkamatay ng pinakabatang anak ng TV personality na si Toni Rose Gayda na si Edward James Lim. Si James ay 26 years old.

Ayon sa impormasyong nakuha ng PEP mula sa ilang sources, nahulog si James mula sa ika-apat na palapag ng isang condominium building sa Wack-Wack Road, Mandaluyong City kaninang madaling-araw.

Ayon naman sa isang Twitter post ng isa pang TV personality, sinabi ni Toni Rose na nahulog daw si James habang naninigarilyo sa veranda.

Napag-alaman din ng PEP na na-cremate na kaninang hapon ang mga labi ni James. Pero may nakalaan din dalawang araw ng lamay simula ngayong gabi sa Santuario de San Jose, Greenhills, San Juan City.

Si James ay apo rin ng batikang aktres at ngayo'y pinuno ng Philippine National Red Cross na si Ms. Rosa Rosal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN