"Mom, I'm in pain" were the last words of Toni Rose Gayda's son before passing away

A source close to Toni Rose Gayda's family reveals to PEP a few details about the tragic death of Edward James Lim (in photo).


"Mom, I'm in pain."

Ito ang huling salita na binitiwan ni Edward James Lim sa kanyang ina na si Toni Rose Gayda.

Namatay kaninang umaga, 6:30 a.m., sa Cardinal Santos Memorial Hospital ang bunsong anak ni Toni bunga ng pagkakahulog mula sa 4th floor ng kanilang condo unit sa Wack Wack, Mandaluyong City. He was 26 years old.

Isang malapit na kaibigan ni Toni ang nagkuwento sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng mga detalye tungkol sa pagpanaw ng anak ng kilalang TV personality at apo ng veteran actress na si Rosa Rosal.

Pinabulaanan ng PEP source ang kumalat na balita na nag-suicide ang anak ni Toni. Pinagsabihan daw kasi ni Toni si James na huwag manigarilyo sa loob ng kuwarto kaya lumabas ito sa balkonahe at dito naganap ang malagim na aksidente.

Nang makita ang katawan ni James, nakadapa raw ito at nakatuon ang mga kamay sa lupa, isang palatandaan na sinikap niya na huwag mabagok ang kanyang ulo.

Sa kasamaang-palad, nabali ang braso at ribs ni James na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Conscious pa si James nang dalhin sa Cardinal Santos Memorial Hospital at dito nga niya sinabi sa kanyang ina ang sakit na nararamdaman. Pero binawian din siya ng buhay pagkalipas ng ilang sandali.

Dinala ang bangkay ni James sa Funeraria Paz sa Quezon City at agad na ipina-cremate ng kanyang pamilya. Nagawa pa ni Toni Rose na i-donate sa isang eye foundation ang mga mata ng kanyang sumakabilang-buhay na anak.

Nakaburol ang abo ni James sa Sanctuario de San Jose, Greenhills, San Juan. Balak ni Toni na iuwi sa kanilang condo unit ang abo ng anak.

Nasabi ni Toni sa PEP source na hindi pa nagsi-sink sa kanya ang tragic demise ni James. Pero nagsalita ang TV personality na gusto na niya na mag-report sa Eat Bulaga! sa Lunes, isang sign na gusto ni Toni Rose na libangin ang sarili upang matakasan ang nararamdaman na kalungkutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN