Valerie Concepcion on her business ventures: "Dugo at pawis ang puhunan ko."

"Itong laundromat at water station ko, ako kasi ang female celebrity endorser nila. So, instead na kunin ko yung talent fee ko, in-invest ko na lang, kumuha na lang ako ng franchise. Kaya huwag sana nilang intrigahin na bigay sa akin ng kung sino," said the young actress-entrepreneur.


Dalawang negosyo ang sabay na binuksan ni Valerie Concepcion noong Huwebes ng hapon, March 18.

Nag-grand opening na ang franchise niyang water station, ang Aquaquest, at ang kanyang laundry shop na Laundryquest.

Magkatabi ang dalawang establishments na matatagpuan sa Village Mall sa North Commonwealth.

Dumalo sa blessing sina Mr. Carson Tan at Mr. Neil Delgado ng GQWEST, ang kumpanyang may-ari ng Aquaquest at Laundryquest. Nandoon din ang dating child actor na si Lester Llangsang na binata na ngayon. Pareho sila ni Valerie na mina-manage ni Becky Aguila, na guest din sa opening.

Of course, present ang buong pamilya ni Valerie, pati na ang kanyang only daughter na si Heather Fiona.

INTRIGUES. Since may bagong venture na naman ang actress-host, hindi naiwasang matanong kung ano ang magiging reaksyon niya kung intrigahin siyang may benefactor na nagbigay sa kanya ng mga ito.

"Sanay na ako, hindi na bago 'yan. Noon pa naman ako iniintriga nang ganyan, nung buksan ko yung franchise ko ng Posh Nails sa McKinley Hill sa Makati.

"Itong laundromat at water station ko, ako kasi ang female celebrity endorser nila, sa lalaki, si Gabby Concepcion. So, instead na kunin ko yung talent fee ko, in-invest ko na lang, kumuha na lang ako ng franchise.

"Kaya huwag sana nilang intrigahin na bigay sa akin ng kung sino.

"Yung Posh Nails ko, dugo at pawis ang puhunan ko dun, mga naipon ko sa mga years na nasa showbiz ako, at hindi pa bayad lahat yun, utang pa yung ibang in-invest ko dun," paglilinaw ni Valerie.

WOWOWEE INCIDENT. Naitanong kay Valerie kung nasaktan ba siya at napahiya sa birong-paninita sa kanya ni Willie Revillame sa isang episode ng Wowowee.

Mayroon kasing impromptu hosting challenge na ipinagawa si Willie sa kanyang mga female co-hosts, at nang hindi nagawa ni Valerie, sinabihan niya ito na wala na kasing ginawa sina Valerie at ang mommy nito kundi kumain sa dressing room, or something to that effect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Valerie, hindi naman siya nasaktan or nagtampo. Hindi naman isyu yun sa kanila. Sanay na raw siya, at sila namang lahat ng female hosts ng Wowowee (Pokwang, RR Enriquez at Mariel Rodriguez) ay "sinisita'"ni Willie paminsan-minsan on the air.

"Exaggerated naman yung balita," sabi ni Valerie. Dagdag pa niya, "Hindi naman big deal yun, e. Nagtataka nga ako kung bakit naging isyu."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN