Father of James Lim, Moonie Lim, speaks out: "It was just a plain accident."

Moonie Lim (inset), the former husband of Toni Rose Gayda, says unfounded speculations about their son's death add to the family's grief, but he draws comfort from his good memories of James (main photo): "These past few weeks, we're very happy when we saw each other. Everything he requested, I granted it to him naman. We had a very beautiful New Year together."


Sa biglaang pagpanaw ng bunsong anak ni Toni Rose Gayda na si Edward James Lim, 27, nang mahulog ito mula sa fourth floor ng condominium nila sa Wack Wack, Mandaluyong City, ang mag-inang Rosa Rosal at Toni Rose pa lamang ang nakukunan ng panayam ng media hinggil sa trahedyang naganap.

Marami ang nagtatanong, sino ang ama ni James? Sa Startalk kahapon, March 20, nakausap ng programa ang mismong ama ni James na si Moonie Lim. At hindi nito nagugustuhan ang iba't ibang ispekulasyon tungkol sa pagkamatay ng anak nila ni Toni Rose.

Ayon kay Moonie, "Kasi, nanggaling 'to sa driver [nina Toni Rose]. He made a conclusion na kaya raw tumalon si James kasi may depression daw. 'Tapos, kinausap ko yung driver. Sabi ko sa kanya, 'Papaano mo maidi-deny sa akin, e, lumabas sa TV, ni-review ko sa TV. Tiningnan ko rin sa computer. And I saw you say those things, how can you deny it?'

"At sabi ko, 'Yang pamilya namin, kami ang gumawa n'yan. Ako ang gumawa ng building. That's 20 storeys. Kung magpapakamatay ang anak ko, aakyat na lang sa 20th floor. At 'yan, siguradong patay.'"

CLOSE RELATIONSHIP. Patuloy pa ni Mr. Lim, "I'm not a vindictive person and I'm very religious. My son, si James, we're very close. This past few weeks, we're very happy when we saw each other. Everything he requested, I granted it to him naman. Magkasundo kami. We had a very beautiful New Year together.

"Ang sa akin naman, masakit naman tanggapin na parang may sira ng ulo yung aking anak and it's unfair for us to accept na suicide na hindi naman suicide."

At kahit daw may mga nagsabi nga at nagpalagay na suicide ang naging sanhi ng kamatayan ng anak, wala naman daw siyang planong magdemanda pa.

"I don't have plans of suing, I guess, I am just requesting sana... if the kind mayor [Benhur Abalos of Mandaluyong City] would help us, give us justice naman. But I don't want anything na hindi aboveboard. I want anything na transparent and fair. Ilabas lang ang katotohanan that it was just a plain accident."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN